top of page
Heart Evangelista.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 1, 2026



TALKIES - ANDREW, KILALA NA ANG MGA BASAG-KOTSE NA NAGNAKAW NG BAG NIYA-FB Andrew Muhlach

Photo: FB Andrew Muhlach



Ang Viva actor na si Andrew Muhlach ay nabiktima ng bukas-kotse gang, kaya todo-paalala siya sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw.


Saad ni Andrew, “‘Wag maglagay at mag-iwan ng importanteng gamit sa loob ng sasakyan. Kung importante, dalhin na ninyo.


“Para mabawasan ang mga ganitong pangyayari, mag-ingat po tayo sa mga epal sa mundo ng stress.”


Sa social media post ni Andrew ay nagpasalamat siya sa mga pulis na tumulong sa kanya.


Saad ni Andrew, “Thank you po sa ating kapulisan, lalo na po sa Station 11 Galas.

“Dahil sa inyong tuluy-tuloy na pag-iimbestiga, may magandang balita na natunton na kung sino ang kumuha ng mga gamit ko. Nalaman din po na isa itong malaking grupo. ‘Kaloka kayo, buti ‘di nabasa passport ko sa drainage.


“Itutuloy ko po ang kaso para mahuli sila at matigil ang ganitong mga kalokohan. Kaya maraming salamat po kay Police Captain Bobby Castillo, PCpl Kent Clarence Duerme at kay PLTCOL Virgilio Jopia. Ingat po.”

Anyway, ingat-ingat din, Andrew.






Big tumpak ang veteran actress na si Dina Bonnevie sa sinabi niyang pang-Hollywood ang arrive ng seryeng Love is Never Gone (LING) na kinunan pa sa ibang bansa ang locations tulad sa Morocco.


“‘Yung ihi ko, pinigilan ko from start to end kasi nga ayaw kong umalis,” ang pahayag ni Ivana Alawi sa katatapos lang na screening at mediacon ng ABS-CBN newest Prime Video original series.


Sa panayam ay tinanong sina Joshua at Ivana kung ano ang reaksiyon nila pagkatapos ng screening.


Saad ni Ivana, “Ang ganda, sobrang ganda. Actually, nu’ng pinapanood ko, sabi ko, ‘Grabe, parang pelikula.’ First episode pa lang ng Love is Never Gone, parang movie na, full of action, ‘di kami makahinga, tapos ‘yung ihi ko, pinigilan ko from start to end kasi nga ayaw kong umalis.”


Saad naman ni Joshua, “Ako, masaya ako for everyone kasi ‘di ko alam ang sasabihin ko kasi ang ganda. Kung ano ‘yung napanood n’yo, naka-fast cut ‘yun. So, ‘pag napanood natin sa Prime, mas kumpleto, mas ramdam natin ‘yung bawat eksena.


“Nagsimula kami ni Ivana na nakaupo, nu’ng ending na, naka-ganito, halos mapahiga na sa upuan.”


Tampok din sa Love is Never Gone sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael De Mesa, Epy Quizon at Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo at Carlo San Juan, at may special participation nina Ara Mina at Irma Adlawan.


Mula ito sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.


Huwag palampasin ang matitinding tagpo sa ngalan ng pag-ibig sa Love is Never Gone, na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8.





PUNUMPUNO ng pagmamahal ang mensaheng ipinost ng aktres na si Pauleen Luna-Sotto para sa kaarawan ng kanyang mister na si Bossing Vic Sotto.


Saad ni Pauleen, “Happy, happy birthday to our anchor, my partner, @mzet280.

“Thank you for everything that you do for us, for the love and the patience.


“It’s not easy to parent 2 young kids at this stage in your life, I know, but I appreciate all your understanding and efforts to make our girls feel loved.


“I pray God would fill your heart with peace, gratitude and joy all the days of your life, my love.


“You are a good person and I thank the Lord every day for your life. I love you so much, babe. Happy birthday,” pagtatapos na sey ni Pauleen para sa kanyang dyowa.

‘Niwey, happy birthday, Bossing Vic Sotto!


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 30, 2026



TALKIES - YSABEL, ‘DI NANUNUGOD NG IBANG BABA-FB Isabel Ortega

Photo: FB Isabel Ortega



Kitang-kita sa mga tantalizing eyes ng aktres na si Ysabel Ortega ang saya na may kasamang kilig nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mapag-usapan ang kanyang boyfriend na si Miguel Tanfelix.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kay Ysabel, “Napapansin namin na ipina-partner na kayo sa iba. Is that okay? Napapag-usapan n’yo ‘yan ni Miguel?”


Saad ni Ysabel, “Yes, of course, Tito Boy. Actually, ever since naman na nag-start na kaming gumawa ng sari-sarili naming shows, we were actually looking forward to it kasi there’s more room to grow for the both of us.


“And ‘yun nga, we’re doing different things right now. Pero at the same time, we’re still as strong as ever kasi ‘di naman din sa projects nababase ‘yung relationship namin.

“So we’re just here rooting for each other, supporting each other.”

Sabi ni Boy, “You’re very pretty. Pero ang guwapo ngayon ni Miguel.”


Saad ni Ysabel na may kasamang ngiti, “Oo nga, Tito Boy.”


Dagdag na tanong ni Boy, “‘Pag sinasabing s’ya ang ‘Timothée Chalamet ng Pilipinas,’ ano’ng dating n’yan sa ‘yo?”


Saad ni Ysabel, “I know, right. Ganu’n lang. I know, right! ‘Di ba?”

Hirit na tanong ni Boy, “Wala bang umaali-aligid kay Miguel? I mean, wala ka pa bang karanasan o kahit sa ‘yo?”


Saad ni Ysabel, “Parang wala naman din, Tito Boy, kasi alam naman din po ng lahat na meron kaming isa’t isa. So, parang wala namang nagkaroon ng ganu’ng instance.”

Tanong ni Boy, “Pero may mga pagkakataon kasi na minsan, ‘di iginagalang ‘yan. Sadly. Pero ikaw ba ‘yung tipong manunugod?”


Saad ni Ysabel, “Parang ‘di bagay sa mga mini-skirts ko rito. Ako, kayo na ‘yan. Basta ako, happy ako rito. We’re very happy. Bahala kayo r’yan.”


Dagdag na tanong ni Boy, “But you’re not territorial?”


Saad ni Ysabel, “No, ‘di po ako ganu’n. Kasi alam ko naman din na alam ni Miguel ‘yung boundaries n’ya. We know each other’s boundaries. We trust each other.”


Tanong ni Boy, “Papayagan mo ba si Miguel Tanfelix na gumawa ng love scenes?”

Birong saad ni Ysabel, “Didikit na lang ako, Tito Boy.”


Hirit na tanong ni Boy, “Pero ‘yung totoo, would you? Halimbawa, one day magpapaalam s’ya, ‘I have this wonderful material, but I have a love scene.’ Ano’ng sasabihin mo?”


Saad ni Ysabel, “If it’s something that he wants to do, why not? Basta ako, may tiwala ako kay Miguel. Parang ako pa nga ang mas kinakabahan na magka-kissing scene someday.”

Well, good for you, Ysabel. Tiwala lang at work lang nang work para makaipon ng salapi para sa bonggang kasalan na magaganap. ‘Yun na!





NAGBABALIK ang kauna-unahang community singing game show sa bansa na Everybody Sing (ES) para sa inaabangang ika-apat na season nito kasama ang Asia’s Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ngayong Mayo 2 at Mayo 3, at mapapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN.


Panibagong mga episodes na puno ng kulitan at kantahan ang aasahan ng mga manonood kasama ang mga masusuwerteng Songbayanan. Mas magiging kaabang-abang pa ang bawat linggo dahil may makakasamang special guest co-host si Vice Ganda, bukod pa sa iba’t ibang celebrity guests at singers na hindi lang magdadala ng saya kundi tulong sa Songbayanan para sa tsansang makapag-uwi ng mas malalaking papremyo. 


Nagbabalik din ang resident band ng programa na Six Part Invention.

Bukod sa bagong episodes, mayroon ding bagong pakulo ang programa na mas magpapalaki sa mapapanalunan ng Songbayanan. 


Ito ang Singko Blanko, kung saan kailangang mahulaan ng celebrity guest at apat na representatives ang limang nawawalang lyrics ng kanta para sa tsansang manalo ng hanggang P200,000.


Nagbabalik din ang paboritong jackpot round ng viewers na Ultimate Everybody Guessing, kung saan kailangang mahulaan ng Songbayanan ang 10 kanta para manalo ng P1 million. Ang bawat tamang kantang mahuhulaan ng 50 Songbayanan ay nagkakatumbas ng P20,000. Ang kabuuang pot money na kanilang malilikom ay kanilang paghahatian.





“ANG init kanina pero talagang ang lamig pakinggan ang words of wisdom and Gospel ni Lord,” ang pahayag ng komedyanang si Melai Cantiveros sa social media matapos makamit ang isa sa kanyang mga personal na pangarap—ang pagdalo sa isang misa ng

kilalang pari na si Fr. Jerry Orbos.


Sey ni Melai sa post niya, “Thank you, Lord. Natupad na ang isa sa bucket list ko na marinig ang homily ni Father Jerry.


“Live na live via sunlight kasi ang init kanina pero talagang ang lamig pakinggan ang words of wisdom and Gospel ni Lord through Father Jerry.


“Thank you, Father Lloyd, for your thanksgiving mass here sa Manila at na-grant ang wish ko na ma-experience ang words of God through the homily of Father Jerry.


“Thank you, Lord God, sa buhay ng ating mga pari na nagbibigay sa amin ng kalakasan at nagpapabusog sa aming kaluluwa ang iyong mga salita.


“Gabayan n’yo po ang ating mga kaparian. God be the glory in everything and in every way.”

Amen to that, Melai.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 29, 2026



Janice de Belen sa Julius Babao Unplugged - YT

Photo: Janice de Belen sa Julius Babao Unplugged - YT



“You know, I believe in love. I still believe in love,” ang pahayag ng aktres na si Janice de Belen nang mag-guest siya sa YouTube (YT) channel na Unplugged ng broadcast journalist na si Julius Babao kamakailan lang.


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga dating nakarelasyon ni Janice at kung handa pa ba siyang magmahal muli.


Tanong ni Julius, “Ano’ng konsepto mo sa pag-ibig ngayon? Are you still open to love again?”

Wika ni Janice, “You know, I believe in love. I still believe in love. I watch mga Korean dramas na pinapanood ko, puro love story ‘yun. Puro romcom. But that’s not for me.


“Kasi feeling ko, naka-apat na relationship na ako na nag-fail. S’yempre, meron kang forever ba na iniisip mo ‘yun?


“Forever... Pero ‘pag naka-apat ka na nag-fail na relationship, gaano kadaming beses mo pa susubukan? Gaano pa karaming beses mo isa-subject ang sarili mo sa hurt?


“Habang bata ka, madaling mag-recover from a heartache, but as you get older, the wounds are deeper and the scars are deeper and harder to heal.


“So, ‘di ba, parang feeling ko, ayoko na. Ayoko nang mag-heal. Mahirap, ah.”

Hirit na tanong ni Julius, “After John (Estrada), meron pa?”


Wika ni Janice, “Meron pa, one na lang. So 40 (yrs. old), ‘pag nasaktan ka. Let’s say na-in love pa ‘ko after 40, masakit na masakit, ‘di ba? Kasi iniisip mo na ‘yung time.


“Time is not the same. Time is very different. ‘Di ba, nu’ng bata ka, masaya lang? Masaya. ‘Pag nasaktan, get up, tayo ka uli, ‘di ba? Parang nahulog ka lang sandali. Tumayo ka. S’yempre, kasama ng pagsakit ng mga buto mo ‘yan. Mas mahirap nang mag-heal sa sugat.”

Dagdag na tanong ni Julius, “Malay mo naman, sa susunod mong makikita, eh, talagang mamahalin ka’t ‘di ka sasaktan?”


Wika ni Janice, “Ako ‘yung may problema kasi ‘pag nagmahal ako, eh, ano, bigay-lahat, bigay-todo. ‘Di ako marunong ng kala-kalahati.


“‘Yung gagamitin mo ‘yung utak mo, ‘wag puso mo. How do you do that? I don’t know. ‘Pag nag-I love you ka, brain ba ‘yung gamit mo? ‘Di ba, love, sa puso.


“Parang feeling ko, maybe it’s not for me because that’s my core. Initially, I was still hoping that I would actually meet someone I love again. Then when I became busy, started working, busy as in sobrang busy, parang okay naman ako. Okay naman ako.


“Sarili ko ‘yung oras ko. ‘Di ko kailangang mag-adjust ng oras para sa ibang tao. It’s me, you know, I don’t have to wait for a decision. ‘Di mo kailangang mag-consult sa ibang tao para sa desisyon.


“So, sabi ko, ‘Okay naman ako. Okay na ako.’ And I kept on telling myself that okay naman ako. Okay na ako. And I actually believe in it already. It’s been 18 years and okay ako, happy ako.”


Tanong ni Julius, “Happy ka naman?”


Wika ni Janice, “Happy ako. Happy talaga ako kasi sarili ko ‘yung time ko. Now it’s just me.

“Si Kaila, sinabi n’ya sa akin, ‘Ma, don’t you like to date?’ S’yempre, ang tagal kong tinignan s’ya. ‘Oh, why? Why do you want me to date?’ ‘Wala lang. So, you can meet somebody.’ ‘Why?’ Tanong ko talaga, why?


“Tapos, sabi ko, ‘Baka dahil nagde-date na kayo, ipinagpipilitan n’yo kong mag-date.’ Sabi niya, ‘No.’ Kaya lang, iniisip n’ya na ‘What?’ Malungkot ako or ganyan.


“Sabi ko, ‘Hindi naman. okay naman ako.’ And totoo naman, okay naman ako.”

Well, in fairness kay Janice de Belen ay maganda pa rin siya at kita naman sa magandang face niya na happy siya sa life niya.

‘Di ba naman, madlang people?





NAMAHAGI si Heaven Peralejo ng libreng gas para sa mga jeepney drivers sa tulong ng fan club na Marven Royals.


“P500 na gasolina, konting ginhawa para sa isang araw na pasada,” sey niya sa kanyang social media post.


Saad ni Heaven, “Pasada for a Cause. Para sa 150 jeep at motorcycle drivers na araw-araw bumibiyahe, lumalaban para sa kita at para sa pamilyang umaasa sa kanila.


“‘Di kailangang malaki, basta galing sa puso, umaabot.


“Sa mga magiting na drivers, salamat sa walang sawang pag-arangkada at paghatid ng serbisyo sa kalsada.


“Sa Marven Royals, salamat sa pagkakaisa at pagbibigay-buhay sa programang ito para makatulong sa iba.”


Good job, Heaven. Boom! Bongga ka r’yan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page