top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 28, 2026



LTMS - LTO

Photo: LTO


Nagpasalamat ang DERMALOG Identification Systems GmbH sa mga Pinoy dahil sa tiwala, pakikiisa, at patuloy na paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS).


Malaking tulong umano ang LTMS sa pagsisikap ng pamahalaan na gawing moderno at digital ang mga serbisyong may kaugnayan sa transportasyong panlupa.


Sa pamamagitan ng isang integrated digital platform, napapadali ang mga transaksiyon, mas nagiging accessible ang mga serbisyo, napapalakas ang seguridad ng mga dokumento, at naitataguyod ang mas malinaw at responsableng proseso sa pamahalaan.


Ayon kay Günther Mull, CEO ng DERMALOG Identification Systems GmbH, bilang isang global provider ng biometric identification at digital security solutions, nananatili silang nakahandang tumulong sa mga pamahalaan at institusyon sa pagbuo ng ligtas, maaasahan, at citizen-focused na digital infrastructure.


 
 

ni V. Reyes | June 28, 2026



Road accident of teacher vs son of VP - Circulated CCTV

Photo Circulated


Naglabas na ng Show Cause Order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa anak ng isang bise alkalde kasunod ng insidente sa Marikina City na ikinamatay ng biktima.


Sinuspinde na rin ng 90 araw ang bisa ng lisensya ng suspek na drayber na hindi pinangalanan ng LTO.


Pinahaharap sa Intelligence and Investigation Division sa Hulyo 8, 2026 ang nakarehistrong may-ari ng sasakyan na nasangkot sa insidente.


Inatasan din ang may-ari na magsumite ng sinumpaang paliwanag kung bakit hindi ito dapat managot sa batas kaugnay ng Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drug. 


Kasunod ito nang natukoy sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) na may Blood Alcohol Concentration (BAC) na 0.410% na ibig sabihin ay positibo sa alak ang drayber.


“Wala tayong sinisino. Ang sinumang lumalabag sa batas ay mananagot, anuman ang kanyang katayuan sa buhay o koneksyon. Hindi natin hahayaang may buhay na kapalit ang kawalang-disiplina sa kalsada,” diin ni LTO Assistant Secretary Lacanilao.


Una nang napaulat ang pagkakasawi ng 27-anyos na senior high school teacher na si Alexander Quintos Cruz matapos na masalpok ang kanyang sinakyang motorsiklo ng SUV na minamaneho ni David Alfre Gonzaga de Guzman, 24, sa intersection ng Brgy. Concepcion Dos, Marikina City noong Hunyo 13.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | June 21, 2026



Land Transportation Office (LTO)

Photo: LTO



Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na i-renew na ang kanilang mga lisensya at rehistro ng sasakyan bago ang Hulyo 31, 2026 upang maiwasan ang pagpapataw ng multa at iba pang kaukulang parusa.


Ayon sa LTO, magtatapos sa Hulyo 31 ang pinalawig na bisa ng driver’s license, conductor’s license, student driver’s permit, at rehistro ng mga sasakyan alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5157.


Matapos ang nasabing petsa, ang mga lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na paso na ngunit hindi pa naipapa-renew ay sasailalim na sa umiiral na mga regulasyon at kaukulang parusa para sa huling pag-renew.


Nauna nang inanunsyo ng LTO ang tatlong buwang pagpapalawig ng bisa ng mga lisensya at rehistro simula Abril 2026, kabilang ang driver’s license, conductor’s license, student permit, at motor vehicle registration.


Sa panahong ito, pansamantalang hindi ipinataw ang mga multa para sa late renewal ng mga naturang dokumento.


Ayon sa LTO, ipinatupad ang pagpapalawig bilang tugon sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa national energy emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page