top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | July 24, 2026



INSIDER - VILMA, GUSTONG SUNDAN NA NINA LUIS AT JESSY SI PEANUT-IG _rosavilmasantosrecto & _luckymanzano

Photo: IG _rosavilmasantosrecto & _luckymanzano



Kinumusta namin ang aktres-public servant na si Batangas Gov. Vilma Santos tungkol sa anak na si Luis Manzano. Pagbabahagi ni Gov. Vilma, ngayon ay ang hosting ng panganay niyang anak ang pokus nito, kung saan pagkatapos ng Kapamilya, Deal or No Deal (KDOND) ay may gagawin na itong bagong proyekto.


Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang showbiz career, tuloy pa rin si Luis sa kanyang binitawang pangako na kahit hindi siya pinalad na manalo sa nakaraang eleksiyon ay tuloy pa rin ang serbisyo niya sa mga Batangueño. 


Sa nakaraang Alay-Lakad ay nagbigay ito ng donasyon dahil ang nasabing event ay para sa edukasyon.


Lolang-lola namang nagkuwento si Gov. Vi na bibung-bibo at nakakatuwa ang apo na si Peanut at nakikita niyang mag-aartista ito. 


Biro pa ni Gov. Vi, gusto na niyang masundan si Peanut lalo’t maganda ang lahi nina Luis at Jessy.


Samantala, sa nakaraang State of the Province Address (SOPA) 2026 ni Gov. Vilma Santos para sa isang taong panunungkulan niya bilang gobernador ng Batangas, pinalakpakan ang achievements at nagawa ng pamumuno niya mula sa kalusugan, edukasyon, kapaligiran, agrikultura, roads and infrastructure, turismo at teknolohiya, social services at security programs (H.E.A.R.T.S.) para sa mas matatag na Batangas.


Kitang-kita at ramdam ang kasiyahan ng mga Batangueño sa maayos at magandang pamamalakad ni Gov. Vi, kung saan bukod sa nadagdagan ang mga scholarships at ipinamimigay na incentives sa mga nasa kolehiyo na makakakuha ng mataas na grado, maitatayo na ang isang pampublikong dialysis center sa Batangas, ang modernisasyon ng 13 district hospitals at ang pagsisimula ng Capitol on Wheels, at marami pang iba.





NAGING isyu ang nakaraang pahayag ni Sunshine Garcia sa launching ng pabango ng isang skincare brand na totoong may mga tampuhan na naganap at nagaganap sa grupong Sexbomb, kung saan dati pa ay balita na may dalawang paksiyon na nabuo sa loob ng kanilang grupo, ang Team Jopay Paguia at Team Rochelle Pangilinan.


Noon pa pinagsasabong ang dalawa kung saan nabalita rin na may matagal nang hidwaan ang mga ito.


Nabuhay muli ito nang maging aktibo uli ang grupo dahil sa sunud-sunod na matagumpay nilang reunion concerts.


Sa panayam kay Rochelle Pangilinan kamakailan, nahingan ng reaksiyon tungkol dito ang tinaguriang Sexbomb leader. Inamin naman nito na dahil lahat sila ay babae, masasabing ang mga alpha female ay hindi maiiwasang nagkakaroon ng banggaan ng mga personalidad at paniniwala ng bawat isa. 


Ayon pa kay Rochelle, dahil galing sa iba’t ibang pamilya ay may kani-kanyang responsibilidad na nakaatang sa bawat isa sa kanila. Hindi maiiwasan na minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, pero ang mahalaga sa huli ay nagkakaintindihan at naaayos kung anuman ang problema.


Siniguro rin ni Rochelle na okay sila ni Sunshine at maging sila ni Jopay. Naniniwala rin siyang lahat ay nakukuha sa maayos na pag-uusap at hindi dapat lahat ay ihain at pagpiyestahan ng iba. 


Para sa aktres-dancer, ang importante ay handang magtrabaho ang lahat at kahit hindi man niya mapagsama sa isang entablado ang lahat ng miyembro ng Sexbomb, masaya siya na ngayon ay may trabaho ang lahat, kung saan tuluy-tuloy ang concerts nila kahit sa ibang bansa at may mga endorsements na rin sila.


Pahayag din ni Rochelle, anuman ang pinagdaraanan ng grupo ay lagi lang siyang naroon para sa kanila. Hindi man niya alam kung hanggang kailan o kung hanggang saan, mananatili siyang laging nakatatandang kapatid para magbigay ng suporta sa lahat.


Labis din ang pasasalamat niya sa mga tagahanga o sa mga sinasabing lumaki sa Sexbomb.


Ang layunin lang ng grupo ay makapagbigay ng saya at nostalgia sa mga sumusuporta sa kanila.


Samantala, labis na nagpapasalamat si Rochelle dahil dalawang beses na siyang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Child No. 82 (Anak ni Boy Kana). Para kay Rochelle ay katuparan ito ng matagal na niyang pangarap dahil sa loob ng mahabang panahon ay hiling niya talagang mapansin at makilala siya bilang aktres. 


Kakaibang kilig ang ibinigay ng dalawang awards para sa kanya at dito niya mas napatunayan na sulit ang lahat ng hirap at pagsisikap niya.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | July 16, 2026



INSIDER - DIEGO, UMAMING SI SOFIA ANG TOTGA-IG _diegoloyzaga & _iamsofiaandres

Photo: IG _diegoloyzaga & _iamsofiaandres



Isa kami sa madalas sumulat noon tungkol sa nakaraang relasyon nina Sofia Andres at Diego Loyzaga kaya hindi na kami nagulat sa naging rebelasyon ng aktor sa pakikipag-usap niya sa Maddox Jewelry owner na si Ms. Charo Cordial na si Sofia pala ang itinuturing niyang TOTGA o “the one that got away”.


Maalab, emosyonal, at masalimuot ang naging relasyon ng dalawa, kung saan naituro ngang ang kanilang paghihiwalay at depresyon ang naging dahilan ng nabalitang attempted suicide ng aktor noong 2018.


Pero bukod kay Sofia ay nabanggit din ni Diego na may isa pa siyang kinokonsiderang TOTGA, pero hindi na lang ito pinangalanan ng aktor.


Inamin din niya na lubhang nakapagbigay ng pressure sa kanya noon ang pagiging anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, kung saan naapektuhan siya sa mga nagsasabing kailangan niyang patunayan ang sarili sa industriya.


Sa ngayon ay mas pokus at mas positibo na si Diego, at malaking dahilan nito ang kanyang anak na nagsisilbing inspirasyon sa kanya para mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho at itama ang mga nagawang mali sa buhay.


Sa naturang interview ay ipinagtapat din ni Diego na mayroon siyang biniling diamond earrings na regalo sana niya sa babaeng minamahal, pero hindi ito tinanggap ng babae dahil mas gusto umano nito ang luxury bag. 


Dahil dito ay napagpasyahan niyang ipa-trade ang diamond earrings sa Maddox Jewelry habang naghahanap ng iba pang alahas.





Mula sa box-office success ng kanilang Metro Manila Film Festival movie na Rewind na kumita ng P924 million worldwide, balik-tambalan ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikulang Remember na kinunan pa sa Quebec, Canada. 


Para sa Family Feud (FF) host, laging napakasarap sa pakiramdam na makapunta sa ganito kagandang lugar, lalo na’t kasama niya ang kanyang misis.


Ayon kay Dingdong, tuluy-tuloy ang shooting nila at malapit-lapit na rin itong matapos na tiyak na ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga DongYan fans. 


Tinanong namin si Dingdong kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure dahil tiyak na aasahan ng iba na hihigitan ng Remember ang kinita ng Rewind, at mas maganda dapat ang istorya. 


Ayon sa Kapuso actor, ang pokus lang nila ay magampanan nang maayos ang kanilang mga role at maitawid nang maayos ang pelikula.


Dagdag pang pahayag ni Dingdong, kahit noong ginagawa nila ang Rewind ay hindi sila nagpadaig sa pressure dahil naniniwala silang kapag nagpa-pressure sila ay maaaring malihis sila sa kanilang layunin na makagawa ng isang magandang pelikulang magugustuhan ng publiko.


Napapanood ngayon bilang Atoy sa Kapuso primetime series na The Master Cutter (TMC), siniguro ni Dingdong na marami pang dapat abangan sa pinagbibidahan niyang serye lalo’t nagkikita na sila nina Elaine/Audrey (Max Collins) at Ibyang (Sienna Stevens).


Nahingan din namin ng reaksiyon si Dingdong sa naging pahayag ng all-girl group na Baby Dolls na siya ang gusto nilang maka-collaborate sa hit nilang Oohh Lala Baby

Agad namang umoo ang Kapuso actor at sinabing aaralin muna niya ang mga steps na una niyang nakita sa kanyang misis.





NANG huli naming makita ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre sa nakaraang 17th Star Awards for Music, kung saan siya itinanghal na Female Recording Artist of the Year, mukhang naka-move on na siya sa mga mabibigat na pinagdaanan niya sa buhay.


Sa ngayon ay may sarili na siyang management na siyang nagha-handle sa kanyang singing career. 


Ayon kay Moira, marami siyang natutunan mula sa Cornerstone, ang dati niyang management, at nagpapasalamat siya sa tiwala at pag-aalaga na ginawa ng mga ito sa kanya noong nagsisimula pa lang siya.


Pahayag sa amin ni Moira, mukhang lahat ay naka-move on na, nag-mature, at kung anumang sugat ang nangyari ay napaghilom na ng panahon.


Ipinarinig din sa naturang event ang kanta niyang Sa’n Ka Na, na kung liriko ang papakinggan ay tiyak na maiisip ng iba na baka patama ito sa dating mister na si Jason Marvin. 


Para kay Moira, bilang singer at songwriter ay wala na siyang kontrol sa maaaring isipin o sabihin ng ibang tao kapag may kanta siyang nailabas.


Samantala, pansamantalang namahinga si Moira dahil mukhang nag-ipon muna ng mga bagong kanta na mapapakinggan ng publiko. 


Isa sa nakakapagpa-excite sa kanya ay ang collaboration nila ng Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda na matagal na niyang pangarap na maka-collab.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | June 30, 2026



Kelvin Miranda - IG

Photo: Kelvin Miranda - IG



Malaki ang naitulong ng tuluy-tuloy na trabaho para sa aktor na si Kelvin Miranda para kayanin niya ang kalungkutan sa pagpanaw ng amang si Mr. Patricio Miranda. 


Ang ama niya ay isang delivery rider na nabangga ng isang van noong nakaraang Abril. 

Ayon nga kay Kelvin, kapag nasa bahay siya ay palaging pumapasok sa isip niya ang ama dahil ang bawat sulok ng bahay nila ay nagpapaalala rito. 


Para sa Kapuso actor, pakiramdam niya ay hindi na siya makaka-move on sa pagkawala ng ama, lalo’t napakaraming aral ang iniwan nito sa kanila. Ilan na rito ay kailangang isipin ang bawat desisyong gagawin sa buhay dahil may epekto ito sa kanila at walang makaaalam kung ano ang ibubunga nito hangga’t hindi lumalabas ang resulta. 


Madamdaming pahayag nga sa amin ni Kelvin, malakas ang presensiya at personalidad ng ama, kaya nang mawala ito ay ramdam na ramdam sa bahay nila na may nawala sa pamilya nila.


Inamin ni Kelvin na ongoing na ang isinampa nilang kaso sa nakapatay sa ama at hindi lang ang kanilang ina ang gumagawa ng desisyon, kundi ang buong pamilya. 


Sa tanong namin kung may ginawa bang hakbang ang nakabangga sa ama para makipag-usap sa pamilya nila at makipag-ayos, ayaw nang magkomento tungkol dito ni Kelvin, pero ang hiling lang niya, kung talagang humihingi ito ng tawad ay ipakita ang sinseridad na nakikiramay ang mga ito sa pagkawala ng ama, bukod pa sa pagdarasal para sa kaluluwa nito.


Sa kabilang banda, pagkatapos mapanood sa Sang’gre ng Kapuso Network, abala ngayon si Kelvin sa shooting ng pelikula na umiikot sa tinatawag na termite gang o buhay ng mga miyembro ng mga magnanakaw na naghuhukay sa ilalim ng lupa. Dito ay makakasama niya ang mga premyadong aktres na sina Cherry Pie Picache at Ruby Ruiz. 


Para kay Kelvin ay katuparan ito ng isa sa mga pangarap niya dahil matagal na niya talagang gustong makasama sa isang proyekto ang dalawa. Una na niyang nakasama sa pelikulang Every Juan Knows Everyone (EJKE) si Ruby, pero ito naman ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Kelvin si Cherry Pie. 


Paglalarawan nga ng Kapuso actor, para siyang tumama sa lotto nang makatrabaho ang dalawang premyadong aktres.



TODO-DUET sina Kelvin Miranda at Isha Ponti sa LIKAS album launch at birthday celebration ng singer-composer, kung saan pinalakpakan ng mga dumalo ang kanilang rendition ng kantang Gusto Kitang Isayaw Nang Mabagal na unang pinasikat nina Daniel Padilla at Moira Dela Torre.


Ipinarinig din ni Isha ang mga kantang nakapaloob sa LIKAS album tulad ng Kabanata, Hinga, Halika, Gulong, Numero at ang mga English songs na kasama sa nasabing album tulad ng Warmth at Riversky. Kinanta rin ng singer-composer ang ilang mga sikat na kanta tulad ng Raining in Manila, What If I Miss You for the Rest of My Life, Man I Need at Leaves ng Ben&Ben. 


Present din ang pamilya, mga malalapit na kaibigan at kaklase sa Enderun sa naturang event na nakisaya sa 20th birthday celebration ni Isha. 


Dito ay kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig ni Isha kay Rachelle Ann Go at ang boses naman niya ay hawig kay Aicelle Santos.


Well, pinarangalan siya ng special award na New Teen Idol Sweetheart of the Year sa katatapos na 17th Star Awards for Music dahil marami ang naniniwala na sa husay, talento at brilyo ni Isha bilang singer-composer ay malayo ang mararating nito sa music industry, lalo’t sa ngayon pa nga lang ay nakalikha na siya ng 30 kanta na ang gaganda ng lyrics at pagkakalapat ng musika.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page