ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022
Hindi dadalo si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa debate na inorganisa ng Commission on Elections sa March 19.
Ito ay kinumpirma ng spokesman ni Marcos na si Attorney Vic Rodriguez nitong Lunes.
“I confirm our non-participation in the Comelec sanctioned debate this coming Saturday, March 19, 2022,” ani Rodriguez.
“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ words are his bond, thus we shall honor our commitment to our supporters to be with them on the field on this day,” dagdag niya.
Ipagpapatuloy umano ng Marcos camp ang “preferred mode of direct communication with the people and engage them in a more personal face to face interaction that discusses real issues that affect them today, tomorrow and in the days to come as this election is all about our collective future.”
Nauna ring sinabi ng running mate ni BBM na si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya dadalo sa mga debate.
Matatandaang hindi dumalo si Marcos sa presidential interview ni Jessica Soho at sa forum na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Hindi rin siya dumalos sa debate na sponsored ng CNN Philippines.
Gayunman, dumalo si Marcos sa debate na inorganisa ng SMNI.