top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 30, 2022



Pinasaringan ni presidential candidate Manny Pacquiao ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos na nagpapalusot lang umano ukol sa hindi nito pagdalo sa huling presidential interviews ng Commission on Elections (Comelec).


Sa isang panayam kay Pacquiao sa Naval, Biliran, tahasan nitong sinabi na naniniwala siyang sinadya ni Marcos na huwag nang lumahok sa one-on-one interview, taliwas sa dahilan nitong “conflict of schedule”.


Ani Paquiao, pinili ng kalaban sa pagka-pangulo na tanggihan ang panel interview para maiwasang magkamali ng sagot at lumabas ang baho, at dahil din umano kumpiyansa na ang kampo ni Marcos sa pangunguna nito sa pre-election surveys.


Paliwanag pa ng senador, ang kandidato sa pagka-pangulo ay dapat bukas aniya sa anumang imbitasyon ng panayam at hindi namimili lamang ng dadaluhan dahil dito masusukat ang sinseridad ng mga pulitiko.


Gayundin, ihinambing ni Pacquiao ang debate at panayam ng eleksiyon sa isang job interview na kailangan umanong siputin ng aplikante kung nais matanggap sa trabaho.


Gayunman, bagaman ang pasyang hindi pagdalo sa mga debate at interview ay prerogative umano ni Marcos, sa huli ay taumbayan pa rin aniya ang huhusga dahil matatalino na ang mga mamamayan sa pagboto.


Samantala, pinag-iisipan pa umano ni Pacquiao ang pagdalo sa panel interview, ngunit malaki ang posibilidad na paunlakan niya ito sa kabila ng mga naunang commitments.


 
 

ni Zel Fernandez | April 26, 2022



Sa isang post ng Partido Federal ng Pilipinas Facebook page noong Sabado, Abril 23, idineklara umano ng 19 na incumbent mayors at mayoralty candidates mula sa lalawigan ng Bulacan ang ‘landslide win’ ni presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. sa kani-kanilang lugar sa 2022 national elections sa Mayo 9.


Sa pakikipagpulong ng mga Bulacan mayors kay Marcos sa kanyang punong-tanggapan sa Mandaluyong nitong Biyernes, ibinigay umano ng mga alkalde ang garantiya ng pagkapanalo nito sa darating na halalan bilang susunod na pangulo ng bansa.


Kaugnay nito, pormal ding iniabot ng mga lokal na opisyal ng Bulacan ang kanilang pinirmahang manifesto ng pagsuporta kay Marcos at sa running-mate nitong si vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte.


"Sa amin po iisa lang ang message. Panalo na, kaya lang ‘di tayo puwedeng matulog. At the end of the day bantay pa rin," pahayag ni incumbent Guiguinto Mayor Ambrosio Boy Cruz, Jr., na siyang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter.


Ayon pa sa naturang FB post, kabilang sa grupo ng mga mayor na dumalo sina Christian D. Natividad ng Malolos, Vergel Meneses ng Bulakan, Mayor Amboy Manlapaz ng Hagonoy at mayoral candidate Flordeliza Cruz-Manlapaz, Ferdie Estrella ng Baliuag, Francis Albert Juan ng Bustos, at Henry Villarica ng Meycauayan.


Kasama ring dumalo sina Ricardo Silvestre ng Marilao, Edwin Santos ng Obando at mayoralty candidate Esperanza Santos, Guiguinto mayoralty candidate Agatha Paula Cruz, Crispin Castro ng Pandi, Eladio Gonzales, Jr. ng Balagtas, Jose Santiago, Jr. ng Bocaue, Arthur Robes ng San Jose Del Monte City, Eric Tiongson ng San Miguel, Jocell Casaje ng Plaridel, Mary Ann Marcos ng Paombong, at ang kinatawan ni Norzagaray Mayor Ade Cristobal na si Leo Nicolas.


Dahil dito, malugod na pinasalamatan ni Marcos ang mga alkalde at mga kandidato sa pagka-alkalde sa kanilang pag-endorso, kasabay ng paggigiit ng pangangailangan sa mahigpit na pagbabantay sa darating na eleksiyon.


"Ako naman tuluy-tuloy pa rin ang lakad ko, pero mababawasan na dahil andito na tayo sa tinatawag na endgame," pahayag ni Marcos.


Samantala, kinumpirma naman ng chief-of-staff at tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na kanila nang sinimulan ang training program ng PFP para sa mga poll watchers, at nagde-deploy na rin ang partido ng mga fully-trained volunteers sa buong bansa.


Dagdag pa ni Bongbong, "Palabasin at hikayatin natin sila (mga botante sa Bulacan) upang bumoto. Iyan naman talaga ang isa sa pinakaimportante sa darating na eleksiyon.”


Gayundin, bagaman maganda umano ang datos ni Marcos sa probinsiya, ayon sa ulat ng mga Bulacan mayors, mahigpit pa rin nitong paalala na maging mapagmatyag upang masawata ang mga magtatangkang manipulahin ang resulta ng 2022 elections sa lalawigan.


Pahayag naman ni Cong. Rida Robes ng nag-iisang distrito ng Lungsod ng San Jose Del Monte na nakipagpulong kay Marcos, "Alam natin kung ano ang kailangan ng tao. You have a good heart. You can really lead the country. All we have to do is support you, to let the people vote for you. For all of us here in our own districts, we have to make this campaign real."


 
 

ni Lolet Abania | April 20, 2022



Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang huling 2022 elections disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa tinatawag na “lack of merit” o kakulangan ng merito.


Batay sa ruling, na nilagdaan nina Comelec Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino, at Aimee Torrefranca-Neri, na-dismiss ang petisyon na inihain ng Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano).


“Wherefore, premises considered, the instant petition, is hereby denied for lack of merit,” ayon sa resolution.


Ang mga petitioners sa disqualification case, kung saan nag-ugat ito mula sa conviction o paghatol kay Marcos kaugnay sa tax-related cases noong 1995, ay sina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Ducusin Palabay, Mario Flores Ben, Danilo Austria Consumido, Raoul Hafalla Tividad, Nida Mallare Gatchallan, at Nomer Calulot Kuan.


Ayon sa kanilang petisyon, sinabi ng grupo na si Marcos ay na-convict nang walong beses ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 105 noong 1995 dahil sa bigo nitong mag-file ng kanyang income tax returns bilang governor ng Ilocos Norte para sa tinatawag na taxable years mula 1982 hanggang 1985 gayundin, sa kabiguan nitong magbayad ng kaukulang deficiency taxes.


Subalit base sa kanilang ruling, ipinaliwanag ng Comelec division na ang non-filing o hindi paghahain ng income tax returns ay hindi isang krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude.


Ayon sa division: “If failure to file income tax return is considered alone, it would appear that it is not inherently wrong. This is supported by the fact that the filing of income tax return is only an obligation created by law and the omission to do so is only considered as wrong because the law penalizes it.”


Ipinunto pa ng division na si Marcos anila, “paid his income tax liability through the withholding system, albeit not in full.”


“Even if his tax liability was not paid in full, the same was not done willfully by respondent (Marcos, Jr.) since, as the CA explained, it is the government's obligation to withhold the income tax of respondent and the latter had the right to rely on the computation of the taxes withheld,” saad ng resolution.


“In the case of respondent, it can be said that the filing of income tax return is only for record purposes, not for the payment of tax liability. He may have been neglectful in performing his obligation, it however does not reflect moral depravity,” batay pa sa resolution.


Binanggit naman ng division na bagaman nabigong mag-file si Marcos ng kanyang ITR nang maraming taon anila, “there is still no tax evasion to speak of as no tax was actually intentionally evaded. The government was not defrauded.”


“The petitioners were ‘gravely mistaken’ when they said Marcos should be disqualified because he was convicted for a crime with a penalty of more than 18 months,” pahayag pa ng division.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page