top of page
Search

ni Lolet Abania | April 2, 2022



Nagsagawa na ang UniTeam tandem nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte (Lakas-CMD) ng miting de avance kasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Pilipinas at sa 35 iba pang bansa, bago ang gagawing month-long overseas voting.


Ginanap ang programa sa isang hotel sa Pasay City nitong Biyernes, kabilang ang mga OFW participants abroad na dumalo sa pamamagitan ng virtual conference at tinalakay ng tandem ang kanilang platform para sa mga OFWs.


Binigyan-diin ni Marcos na isusulong ng UniTeam ang job creation o trabaho para sa mga OFWs, na nangangarap na hindi na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay at pamilya, at nagnanais ng opsyon na manatili na rito sa bansa.


Ang mga UniTeam senatorial bets ay naroon din sa event, habang binigyan ang bawat isa ng tig-2 minuto para batiin ang lahat ng mga attendees sa miting de avance.


“We’re not confident of anything until we actually get it. So but yes, of course, we are working hard to get their support,” sabi ni Marcos sa isang chance interview sa naturang event.


“Titiyakin natin na ligtas ang ating mga OFWs sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan,” saad naman ni Mayor Sara.


Kabilang sa mga OFW participants na dumalo ay mula sa Thailand, Vietnam, Hong Kong, Macau, Singapore, Brunei, Japan, New Zealand, Australia, Cambodia, Taiwan, Turkey, Cyprus, Switzerland, France, Russia, Armenia, Spain, Egypt, Qatar, Jeddah, Kuwait, Oman, Bahrain, Israel, Kingdom of Saudi Arabia, Chile, Dubai, United Arab Emirates, Italy, Canada, United Kingdom at sa United States, ayon sa kampo ng UniTeam.


Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Marcos, ang naturang event ay kauna-unahang naisagawa sa ganitong paraan sa Philippine politics.


Samantala, mayroong 1.7 milyong registered overseas voters para sa darating na eleksyon, kung saan magsisimula sa Abril 10 abroad.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 30, 2022



Pinasalamatan ni Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes ang Villar-led Nacionalist Party sa pag-endorso sa kanyang kandidatura at sinabing nagkakaisa na ang kanyang mga kaibigan at kaalyado.


“Of course, I’m very happy every time that mayroon tayong nakukuhang suporta, lalung-lalo na sa pinanggalingan naming partido, ang Nacionalista Party,” aniya sa isang interview.


“Mabuti ‘yan at lahat ng kaibigan at lahat ng kaalyado ay ngayon mukhang nagsama-sama na. Maliwanag na ang patakbo sa kampanya at sa halalan,” dagdag pa ni Marcos.


Pinasalamatan din ni Marcos ang pamilya Villar —former senator Manny, incumbent senator Cynthia, at senatorial candidate Mark — sa kanilang suporta para sa kanya at sa kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


Inanunsiyo ni NP party president at chairman ng national directorate Manny Villar nitong Martes ang pagsuporta ng kanilang Partido sa Marcos-Duterte tandem, kung saan suportado umano nila ang mensahe ng pagkakaisa ng UniTeam.


“We believe that Bongbong and Inday Sara’s message of unity is crucial in binding our country together and inspiring our people as we rebuild not only from the pandemic but also from the political chasm that divides us,” ani Villar.


Ayon pa sa kanya, ang tandem ay mayroong “platforms of government, qualifications and track record to lead our country towards unity and prosperity”.

Ang anak ni Villar na si former public works secretary Mark Villar ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Marcos-Duterte tandem.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 25, 2022



Marami na umano ang nag-o-audition para maging parte ng gabinete ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos sakaling siya ang mananalong pangulo, ayon sa kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos.


“Ang dami-dami nag-o-audition na, na maging Cabinet [member],” pahayag ng senadora sa Pandesal Forum nang tanungin kung posibleng maging parte ng Cabinet ng kanyang kapatid kung magiging pangulo ito.


“Yan ang ating nakikita, marami talagang dati ayaw pumasok sa gobyerno, ngayon nagbo-volunteer. Pero wala pang nakatakda,” dagdag niya.


Aniya pa, kailangang pumili ng Cabinet officials na epektibo at tapat.


“Ang gusto ko sana, sana ‘di na mauwi sa kung sinu-sinong kaibigan, kabarilan, ka-chikahan. Sana for a change ang pipiliin kagalingan na lamang. Katapatan,” ani Marcos.


Noong Enero, sinabi ng kanyang kapatid na si Bongbong na bukas siya sa pag-a-appoint ng kamag-anak sa kanyang Cabinet kung siya ang magiging pangulo, basta mahusay ito sa kani-kanilang field.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page