top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 24, 2023


Dear Chief Acosta,


Humingi ako ng paternity leave sa aming opisina. Nagbigay ako ng mga kinakailangang dokumento nang nagsumite ako ng application, kaya ito ay naaprubahan. Binigyan ako ng pitong araw na paternity leave, pero dalawang araw lang ang nagamit ko dahil wala akong kapalit sa opisina. Puwede bang i-monetize na lang ang nasabing leave dahil mas makatutulong ang dagdag na pera sa aming anak? –Sumerio


Dear Sumerio,


Ang benepisyong tinatawag na paternity leave ay makikita sa Seksyon 2 ng Republic Act (R.A.) No. 8187, o mas kilala sa tawag na “Paternity Leave Act of 1996”, kung saan nakasaad na,

“Sec. 2. Notwithstanding any law, rules and regulations to the contrary, every married male employee in the private and public sectors shall be entitled to a paternity leave of seven (7) days with full pay for the first four (4) deliveries of the legitimate spouse with whom he is cohabiting.


The male employee applying for paternity leave shall notify his employer of the pregnancy of his legitimate spouse and the expected date of such delivery.


For purposes of this Act, delivery shall include childbirth or any miscarriage.”


Ang sagot sa iyong katanungan, matatagpuan sa Seksyon 7 ng Revised Implementing Rules and Regulations of R.A. No. 8187 for the Private Sector kung saan malinaw na nakasaad,

“SECTION 7. Non-commutation of benefits. – In the event that paternity is not availed of, said leave shall not be convertible to cash.”


Batay sa iyong salaysay, mayroon ka pang limang araw na hindi nagamit na paternity leave na nais mong perahin. Sa kasamaang-palad, batay sa nabanggit na batas, malinaw na nakasaad na hindi mo maaaring perahin ang paternity leave kapag hindi ito nagamit.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 23, 2023


Dear Chief Acosta,


Nagtayo ng laundry shop ang aming kapitbahay, ngunit sa aking palagay, hindi siya sumusunod sa sanitary requirements na itinakda ng batas. Nais kong malaman kung sino ba ang dapat mag-inspeksyon ng mga laundry shops kung ito ay sumusunod sa mga kaukulang sanitary requirements at mayroon bang kaukulang parusa kung pigilan ng may-ari ng laundry shop ang nasabing inspeksyon? –Olive


Dear Olive,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Section 12.1 ng Implementing Rules and Regulations of Chapter V- “Public Laundry” of the Code of Sanitation of the Philippines (P.D. No. 856), kung saan nakasaad na:


“Section 12. INSPECTION AND EVALUATION

12.1 Responsible Officer

It shall be the duty of the local health officer to cause the inspection and evaluation of every establishment requiring a sanitary permit for its operation at least every three(3) months and to cause additional inspection and re-inspection and evaluation as deemed necessary for the enforcement of these rules and regulations.”


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, responsibilidad ng local health officers o lokal na opisyal ng pangkalusugan ng isang probinsya o siyudad ang pag-iinspeksyon ng mga laundry shops upang malaman kung ang mga ito ay sumusunod sa mga sanitary requirements na itinakda ng batas.


Samakatuwid, maaari mong ipagbigay-alam sa inyong mga local health officers kung may paglabag sa laundry shop ng iyong kapitbahay sa mga sanitary requirements upang makapagsagawa sila ng isang inspeksyon.


Sa kabilang banda, ang pagpigil naman sa nasabing inspeksyon ay pinapatawan ng kaukulang parusa sang-ayon sa Section 17 ng Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas kung saan nakasaad na:


“Section 17. PENAL PROVISION.


Any person who shall interfere or hinder, or oppose any officer, agent or member of the Department of Health or of the bureaus and offices under it, in the performance of his duty as provided for under these rules and regulations, or shall tear down, mutilate, deface or alter any placard or notice, affixed to the premises in the enforcement of these rules and regulations shall be guilty of misdemeanour and punishable upon conviction by imprisonment for a period not exceeding six (6) months or by a fine not exceeding Php1,000 or both depending on the discretion of the court.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 22, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang kinakasama ko ngayon ay nagdadalang-tao at sabi ng doktor ay maaari na siyang manganak sa susunod na buwan. Ngunit natatakot siya na mag-file ng maternity leave dahil baka hindi siya payagan ng kanyang kumpanya dahil hindi naman kami kasal. May batas ba tungkol dito? Maraming salamat. –Joshua


Dear Joshua,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 10909, o kilala sa tawag na, “An Act Increasing the Maternity Leave Period to One Hundred Five (105) Days for Female Workers with an Option to Extend for an Additional Thirty (30) Days Without Pay, and Granting an Additional Fifteen (15) Days for Solo Mothers, and for Other Purposes”, kung saan nakasaad na:


“Section 3. Grant of Maternity Leave.— All covered female workers in government and the private sector, including those in the informal economy, regardless of civil status or the legitimacy of her child, shall be granted one hundred five (105) days maternity leave with full pay and an option to extend for an additional thirty (30) days without pay: Provided, That in case the worker qualifies as a solo parent under Republic Act No. 8972, or the "Solo Parents’ Welfare Act", the worker shall be granted an additional fifteen (15) days maternity leave with full pay.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang karapatan sa maternity leave ay sakop ang lahat ng kababaihan na nagtratrabaho sa gobyerno at pribadong sektor, kasama rin ang mga nasa informal economy, kasal man siya o hindi, gayundin, anuman ang estado o legitimacy ng kanyang magiging anak. Ang nasabing maternity leave ay 105 araw na may buong kabayaran ng sahod. Maaari pa itong madagdagan ng 30 araw kung nanaisin ng manganganak na manggagawa, ngunit wala na itong sahod. Nais din naming ipaalam na anumang paglabag sa nasabing probisyon ng batas ay may akmang parusa na nasasaad sa Sekston 18 ng nasabing batas.


Base sa mga nabanggit, hindi dapat matakot ang iyong kinakasama na mag-file ng maternity leave dahil kaparatan niya ito bilang babae sa ilalim ng batas. Ang kanyang estadong sibil ay hindi makakaapekto sa paggamit niya ng kanyang maternity leave.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page