top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 14, 2023



Dear Chief Acosta,

Ang aking asawa at ang kanyang mga katrabaho ay gumawa ng sapilitang pag-iipon na tinatawag na “paluwagan” nang walang impormasyon at pahintulot ng kanilang kumpanya. Ang aking asawa ay inakusahan ng kanyang mga katrabaho na nagnakaw diumano ng kanilang mga naipon at ito ay nagresulta sa kanyang pagkatanggal sa trabaho dahil ito umano ay itinuturing na serious misconduct. Tama ba ang pagtanggal sa asawa ko kung walang kinalaman sa trabaho ang reklamo laban sa kanya? - Mateo

Dear Mateo,

Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Villamor Golf Club, et. al. vs. Rodolfo F. Pehid” (G.R. No. 166152, 4 October 2005), na isinulat ng Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Romeo J. Callejo, Sr., kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

“Neither may the petitioners rely on Article 282 of the Labor Code. As the CA succinctly ruled:

Clearly, based on the grounds of termination provided under Article 282 of the Labor Code and the VGC Rules and Regulations, the common denominator thereof to constitute gross misconduct as a ground for a valid termination of the employee, is that – it is committed in connection with the latter’s work or employment. In the instant case, as previously pointed out, the alleged petitioner’s misappropriation or malversation was committed, assuming it to be true, against the common funds of the Locker Room personnel, which did not belong nor sanctioned by respondent VGC. A fortiori, respondent VGC was not prejudiced or damaged by the alleged embezzlement, were locker room personnel, who may ventilate any proper civil or criminal action to whomsoever responsible thereof.


“Serious misconduct” as a valid cause for the dismissal of an employee is defined as improper or wrong conduct; the transgression of some established and definite rule of action, a forbidden act, a dereliction of duty, willful in character, and implies wrongful intent and not mere error in judgment. To be serious within the meaning and intendment of the law, the misconduct must be of such grave and aggravated character and not merely trivial or unimportant. However serious such misconduct, it must, nevertheless, be in connection with the employee’s work to constitute just cause for his separation. The act complained of must be related to the performance of the employee’s duties such as would show him to be unfit to continue working for the employer.”

Batay sa nabanggit na desisyon, gaano man kalubha ang maling pag-uugali (serious misconduct), dapat ay may kaugnayan ito sa trabaho ng empleyado na nagpapakita na hindi na siya karapat-dapat na magpatuloy sa pagtatrabaho para sa employer bago ito magamit bilang makatarungang dahilan para sa pagtatanggal.


Ayon sa nabanggit na desisyon at iyong pahayag, hindi tama ang pagtanggal sa iyong asawa batay sa serious misconduct dahil ang umano’y pagnanakaw ng ipon sa pagitan ng mga kapwa empleyado ay walang kinalaman sa kanilang trabaho.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang mababang opisyal sa isang maliit na kumpanya. Noong nakaraang linggo ay pumirma ako sa isang promissory note upang bayaran ang pananagutan ng aming kumpanya sa isa sa aming mga suppliers. Kung sakaling hindi ito mabayaran ng aming kumpanya, magkakaroon ba ako ng personal na pananagutan upang bayaran ito? – Jennie

Dear Jennie,


Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Republic Planters Bank v. Court of Appeals and Canlas (G.R. No. 93073, December 21, 1992, Ponente: Honorable Associate Justice Jose C. Campos, Jr.), kung saan ipinaliwanag na:

“The promissory notes are negotiable instruments and must be governed by the Negotiable Instruments Law.

Under the Negotiable lnstruments Law, persons who write their names on the face of promissory notes are makers and are liable as such. By signing the notes, the maker promises to pay to the order of the payee or any holder according to the tenor thereof.

Where an instrument containing the words "I promise to pay" is signed by two or more persons, they are deemed to be jointly and severally liable thereon. An instrument which begins with "I", "We", or "Either of us" promise to pay, when signed by two or more persons, makes them solidarily liable. The fact that the singular pronoun is used indicates that the promise is individual as to each other; meaning that each of the co-signers is deemed to have made an independent singular promise to pay the notes in full”.

Sang-ayon sa nabanggit, ang sinumang tao na ilalagay o isusulat ang kanyang pangalan at pipirma sa isang promissory note ay kinukonsiderang maker nito at magkakaroon ng personal na pananagutan para sa nasabing promissory note. Samakatuwid, kahit na ikaw ay isang maliit na opisyal lamang ng kumpanya, magkakaroon ka pa rin ng personal na pananagutan bilang isang co-maker kung ikaw ay nakapirma bilang maker sa promissory note. Maaari kang mapanagot sa kabuuang halaga ng utang o kaya ay parte lamang nito depende sa mga salitang ginamit sa kontrata upang ilarawan ang iyong pananagutan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Karapatan | June 4, 2023


Ang pagpili sa mga magiging kinatawan sa Kongreso at sa lokal na pamahalaan ay nakasalalay sa mga kamay at tamang desisyon nating mga mamamayan. Kaya marapat nating gampanan ang ating mga tungkulin at karapatan na bumoto nang maayos at ayon sa kung ano ang dapat at tama. Sa pagpili ng mga mamumuno at maglilingkod sa atin, dapat nating isipin ang mga totoong maglilingkod sa bayan at totoong mangangalaga sa ating mga kapakanan.

Ang karapatan na maghalal ay nakasaad sa ating Saligang Batas, partikular sa Artikulo V, kung saan nakasaad na:

“Sek. 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan. Walang dapat ipataw na literasi, ari-arian o iba pang substantibong kinakailangan sa pagganap ng karapatan sa halal.

Sek. 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng isang sistema para masiguro ang pagiging sekreto at sagrado ng balota at gayon din ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa.

Para sa mga taong may kapansanan at mga ilitireyt, ang Kongreso ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao. Hanggang sa sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng Komisyon sa Halalan upang maprotektahan ang pagiging sekreto ng balota.”

Nakasaad sa mga nabanggit na probisyon, maliban sa mga inalisan ng karapatan ng batas, ang mga mamamayan na may edad 18 pataas ay mayroong karapatan na maghalal ng gusto nilang kandidato upang magsilbi sa kanila at sa bayan. Para makalahok sa halalan ng isang lugar, dapat ay rehistrado ang nasabing botante sa lugar na kanyang pagbobotohan. Siya ay dapat na nanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang bago ang halalan at 6 na buwan man lamang sa lugar kung saan siya boboto. Maliban sa mga nabanggit, walang ibang kwalipikasyon, na kinakailangan para makalahok sa halalan.

Para sa mga Pilipino na naging mamamayan (citizens) ng ibang bansa subalit nanumpa ulit ng kanilang katapatan (allegiance) sa Republika ng Pilipinas, maaari pa rin silang bumoto sa ilalim ng Section 5 ng Republic Act (R.A.) No. 9225 (Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003), kung saan nakasaad na:

“Sec. 5. Civil and Political Rights and Liabilities. - Those who retain or re-acquire Philippine citizenship under this Act shall enjoy full civil and political rights and be subject to all attendant liabilities and responsibilities under existing laws of the Philippines and the following conditions:

Those intending to exercise their right of suffrage must meet the requirements under Section 1, Article V of the Constitution, Republic Act No. 9189, otherwise known as "The Overseas Absentee Voting Act of 2003" and other existing laws;”

Kinakailangan lamang na ang mga nasabing Pilipino ay makapanumpa ng kanilang katapatan sa Republika ng Pilipinas ayon sa probisyon ng Section 3 ng R.A. No. 9225, kung saan nakasaad na:

“Section 3. Retention of Philippine Citizenship - Any provision of law to the contrary notwithstanding, natural-born citizens by reason of their naturalization as citizens of a foreign country are hereby deemed to have re-acquired Philippine citizenship upon taking the following oath of allegiance to the Republic:”

Matapos ng kanilang panunumpa ng katapatan sa ilalim ng R.A. No. 9225, ang mga nasabing mamamayan ay tataguriang mga “dual citizens” at sila ay magkakaroon muli ng karapatang bumoto. Ang karapatang ito ay kinilala ng Korte Suprema sa kasong Loida Nicolas-Lewis, et al. versus COMELEC, G.R. NO. 162759, August 4, 2006, Ponente: The Late Honorable Associate Justice Cancio C. Garcia, kung saan ang mga “dual citizens” na nagpetisyon na makaboto sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act kahit na hindi nanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang (1) taon bago ang halalan ay pinayagan na makaboto. Sinabi ng Korte Suprema sa nasabing kaso na:

“WHEREFORE, the instant petition is GRANTED. Accordingly, the Court rules and so holds that those who retain or re-acquire Philippine citizenship under Republic Act No. 9225, the Citizenship Retention and ReAcquisition Act of 2003, may exercise the right to vote under the system of absentee voting in Republic Act No. 9189, the Overseas Absentee Voting Act of 2003.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page