top of page
Ellen Adarna - IG.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 11, 2026



Alden, Rayver at Julie Anne - IG

Photo: Alden, Rayver at Julie Anne - IG



Kahapon ang last night ng two-night Pinoy Festival Las Vegas 2026 na ang mga performers ay sina Alden Richards, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose at Ai Ai delas Alas. 

Kasama nila sina Boobay at Tekla na nagpasaya sa mga kababayan natin at sa katabi nitong lugar sa Amerika.


Sa mga photos na nakita namin, lalo na ‘yung magkasama sina Alden, Rayver at Julie Anne, halatang masaya sila, pare-parehong nakangiti at walang awkwardness. 


May iba kasing fans na hindi pa nakapag-move on sa isyu dati nina Alden at Julie at laging binabalikan at ginagawang way para ma-bash ang aktor.



  • BIDA - ALDEN, JULIE ANNE AT RAYVER, SAMA-SAMA TOGETHER SA USA/FB Sparkle GMA
    FB Sparkle GMA


Kahit nilinaw na nina Alden at Julie na friends sila at very open na makasama sa trabaho ang bawat isa, pilit pa ring hinahanapan ng isyu. Lalo na after ng guesting ni Alden sa Gandang Gabi Vice (GGV), sure sila na si Julie ang tinukoy ni Alden na muntik na niyang makarelasyon.


Anyway, sa isang post ni Alden sa Instagram (IG), isa sa mga nag-comment ay si Christophe Bariou, boyfriend ni Nadine Lustre. Tila may birong hinahanap nito ang invitation ng aktor. 


Nakilala ito ni Alden nang mag-taping sila ng Love, Siargao (LS). Natutuwa ang fan dahil hindi lang si Nadine ang naging friend niya, pati na rin ang BF nito.





Sweet photos at videos, kalat na… 

BALIKANG HEART-JOHN, OKS KINA ISABEL AT SEN. CHIZ



PINAKILIG na naman nina Heart Evangelista at John Prats (JoHeart) ang kanilang mga shippers sa series of photos na pareho nilang ipinost sa kani-kanilang Instagram. 


Nakasulat sa caption ang: “#JoHeart 020202 #soon.”

Kahit hindi malinaw ang caption, kinilig ang mga fans, lalo na sa hashtag na #soon, dahil alam nila na ang tinutukoy nito ay ang reunion project ng JoHeart. 

Kaya kahit next year pa ito mangyayari, excited na ang mga fans. Matutupad na raw ang matagal na nilang wish na mapanood muli ang dalawa at this time, pelikula pa.


Ilan sa mga comments nila…

“Waaah it’s like 2000s all over again.” 

“Diyos ko, kinikilig ako. Bring back childhood days.” 

“Grabe!” 

“OMG! The 8th slide, super-kilig.” 

“Si Heart talaga, may bagong gimmick.” 

“Kayo talaga ‘yung perfect example ng kanta (ang tinukoy na kanta ay Back to Friends ng Sombr na ginamit sa post sa IG).” 

“Let’s go, JoHeart... mga trentahin, ‘di lang puso ‘yung kinikilig, pati balakang at batok na rin.”


May request na sana, sa Valentine’s Day ipalabas ang movie nina Heart at John. Perfect playdate raw ito, lalo na’t pareho nilang birthday ang February 14. 


May nagtanong, curious lang daw siya. Hindi raw ba nagseselos si Isabel Oli (wife ni John) at si Sen. Chiz Escudero (husband ni Heart) na very close sina Heart at John ngayon? Close na, very sweet pa sa mga photos at videos. Wala raw bang confrontation na nangyayari pag-uwi nila sa kani-kanyang bahay?





MAGKAKAROON na ng House of Little Bunny (HOLB) PH, ang bag business ni Kim Chiu, ng ikatlong pop-up store sa Mindanao. Magbubukas ito sa SM Lanang, Davao City sa October 23 at siguradong magso-sold out ang mga bags na ibebenta.


Sa comment ng celebrity friends ni Kim, gaya nina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez at Melai Francisco, ramdam ang care nila kay Kim lalo't may pinagdaraanan na involved ang kapamilya nito.


May nag-congratulate kay Kim sa lumalaki niyang business at may nagdasal na maayos na lahat ang problema niya sa kanyang kapatid.


“Miss you (heart emoji),” sey ni Angelica Panganiban.

“Love you,” mensahe naman ni Bianca Gonzalez.


Puro heart emojis naman ang iniwang komento ni Sanya Lopez.

“Beautiful! (yellow heart emoji),” sey ni Pinoy Big Brother host Alex Gonzaga.


Mensahe naman ni Melai Cantiveros-Francisco, “Miss you mga naku na gwapa, pag enjoy diha migaaaaa more pictures pa miga para malipay mi (Miss ka na namin, Ganda. Mag-enjoy ka r’yan. Mag-post ka pa ng maraming pictures para mapasaya mo kami!).”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 7, 2026



BIDA - TEAM NINA GERALD AT DAVID, MAY REMATCH SA BASKETBALL-IG _andersongeraldjr

Photo: IG _andersongeraldjr



Maglalaban sa basketball ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson at ang Kapuso actor na si David Licauco. Tatawaging Bida Sa Arena: The Rematch ang celebrity basketball tournament.


Si David ang team captain ng Team Sparkle at si Gerald ang sa Team Th3rd Floor. Mangyayari ito sa September 26, 2026 sa SM Seaside Arena sa Cebu.


Players ng Team Sparkle, bukod kay David, sina Rayver Cruz, Paul Salas, Edgar Allan ‘EA’

Guzman, Dustin Yu, Josh Ford, Mavy Legaspi, Will Ashley, Andre Paras, Prince Carlos, Mateo Monzones at Kimson Tan.


Players naman ng Team Th3rd Floor sina Gerald, Vhong Navarro, Jameson Blake, Emilio Daez, at Richard Gutierrez. 


Nagkaroon ng presscon sa Cebu kahapon at marami na agad ang tao. Natuwa ang mga fans dahil bumati si Gerald in Cebuano. 


May kamahalan nga lang ang tiket, pero siguradong mapupuno pa rin ang venue.

Samantala, wala pang binanggit kung sino ang mga muse ng dalawang teams. May nagtanong kung iimbitahan daw ba ni David si Barbie Forteza na maging host ng kanyang team. Isang fan ang sumagot na malabo itong mangyari dahil parang may isyu sa dalawa.




Wala nang mabasang update…

ALDEN, NIREREKLAMO NG FANS, PURO PANINDA ANG POST



Pabirong nagrereklamo ang mga fans ni Alden Richards, wala na raw silang mabasang update sa kanyang Instagram (IG) dahil puro paninda ang kanyang ipino-post. 


Ang ibig tukuyin na paninda ng mga fans ay ang endorsement posts ng aktor. Madalas nga naman, puro mga endorsements niya ang makikita sa kanyang feed, walang update sa everyday happenings niya, pero dahil mahal nila si Alden, hinahayaan na lang nila na ‘magtinda’ ito.


In fairness, kapag naman may importanteng announcement, ipino-post ni Alden, gaya na lang nitong mapapanood na sa free TV ang series nila ni Nadine Lustre na Love, Siargao (LS). Sa September 28 na ang premiere nito sa GMA-7, hihintayin lang ang pagtatapos ng series sa Viu Philippines.


Maganda ang review ng mga viewers sa series at nakitang may chemistry sina Nadine at Alden. Ang request ng mga fans, sana raw ay gumawa sila ng pelikula na collab ng Viva Films at GMA Pictures dahil sayang kung magtatapos ang kanilang tambalan sa LS.

Also, in-announce ni Alden sa IG, “Bringing change into the community... one ride at a time. #FunRidePH #soon.”


Sabi ng mga fans, fun run daw ang bagong project ni Alden and this early, marami na ang nangakong susuporta sa bago niyang campaign para makatulong. Ang Myriad Corporation ng aktor ang nasa likod nito.





ANOTHER VMX (Vivamax) Original ang mapapanood at sa title pa lang na Spit or Swallow (SOS), marami na agad ang naiintriga,  lalo na kapag napanood na ang pelikula ni Direk Sigrid Polon. 


Pangako ng director, hindi magsisisi ang mag-i-stream nito sa VMX.

Tampok sa pelikulang may controversial title sina Rinoa Halili, Kim Yashii, at Ghion Espinosa at sinisiguro nilang matutuwa ang mga moviegoers sa kanilang mapapanood. 


All-out daw sila sa kanilang mga eksena lalo na’t babae ang kanilang director at babae rin ang DOP (Director of Photography).


Siniguro rin ni Direk Sigrid na limitado ang tao sa set, bagay na lalong nagpakampante sa mga bida.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 21, 2026



RUN WILD - COCO SOBRA ANG RESPETO KO KAY DINGDONG-IG _cocomartin_ph

Photo: File / IG _cocomartin_ph


Ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera ang unang nag-post ng mga larawang kuha sa muling pagkikita ng Primetime King ng GMA at ABS-CBN na sina Dingdong Dantes at Coco Martin.


Nilagyan niya ito ng caption na, “Si Atoy at si Gabo para sa AKTOR - League of Filipino Actors. #Soon.”


Sumunod namang nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account ng naturang mga larawan, kasama rin ang isang larawan nila ng wifey na si Marian, Iza Calzado at iba pang taga-AKTOR.


Mababasa sa masayang post ng bida ng The Master Cutter (TMC), “Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya.


“Isang magandang Sunday meeting, may kasamang masayang kuwentuhan at makabuluhang palitan ng mga ideya, para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR sa ilalim ng pamumuno ng ating kapwa AKTOR member na si Coco Martin. Soon.


“Para sa AKTOR. Para sa mga aktor. Para sa industriya. Salamat, Coco. #ProudAktor @aktorph.”


Ilang oras ang nakalipas, nag-post na rin ang bida ng Batang Quiapo (BQ) sa kanyang Facebook (FB) page at nagpahayag si Coco ng labis na paghanga kay Dingdong at suporta sa lahat ng proyekto ng AKTOR.


“Sobra ang respeto ko sa taong ‘to. Maraming salamat, Kuya Dingdong Dantes, sa walang sawang pagmamahal at dedikasyon mo sa ating industriya,” sambit ni Coco.


Aniya pa, “Isa kang inspirasyon sa maraming tao dahil sa sipag at malasakit. ‘Di lang talento ang ipinapakita mo, kundi tunay na puso para sa industriyang mahal nating lahat.


“Nandito lang ako sa likod mo at buong puso ang suporta ko sa lahat ng iyong ginagawa, lalo na para sa AKTOR - League of Filipino Actors.”


Marami ngang celebrities ang natuwa at bumati sa muling pagsasama ng dalawang Primetime Kings, at na-excite ang mga netizens sa proyektong gagawin nila na ang alam namin ay mangyayari bago matapos ang taon.


Marami rin ang nagwi-wish na magsama sina Dingdong at Coco sa isang action movie o serye.


Ramdam din ng mga fans na walang rivalry sa kanila kahit magkatapat ang kanilang primetime series. Hoping ang mga netizens na magkaroon sana ng crossover, kahit mapadaan lang sina Atoy at Gabo sa magkabilang lugar.


Well, abangan na lang natin ang isang malaking proyektong ilo-launch ng AKTOR na tiyak na pag-uusapan bago matapos ang 2026.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page