ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 13, 2021

Ang tarush ni Alessandra de Rossi dahil mabango ang pangalan niya sa Netflix. Lahat pala kasi ng pelikula niya na ipinalabas sa nasabing streaming platform ay most viewed, lalo na ang Through Night and Day kasama si Paolo Contis na ipinalabas sa mga sinehan noong 2018 at produced ng Viva Films.
Nabili ng Netflix ang pelikula nina Alessandra at Paolo na ipinalabas naman noong Hulyo, 2020. Isa pang maraming nanood ay ang Kita Kita na produced ng Spring Films at Viva Films kung saan kasama naman ng aktres si Empoy Marquez na ipinalabas din noong 2020 kahit na 2017 pa ito ipinalabas sa mga sinehan.
Nalaman na lang ito ng Spring Films CEO at president na si Erickson Raymundo na gustung-gusto ng Netflix si Alessandra kaya nu’ng inialok nila ang latest film nitong My Amanda kasama si Piolo Pascual ay kaagad itong binili sa malaking halaga.
“Ang bilis nilang mag-decide nu’ng i-present namin ang My Amanda after nilang mapanood kaya nakakatuwa," sambit nito.
Sa Netflix unang mapapanood ang My Amanda.
Tumatawa naman si Erickson nang kulitin namin kung magkano nabili ang My Amanda na mismong si Alessandra ang sumulat ng script.
Binanggit sa amin na nabawi na ang nagastos nila sa My Amanda na hinulaan namin na times 4 ito at natawa lang ulit sa amin ang producer.
Kaya pala tumungo sina Piolo at Alessandra sa opisina ng Netflix sa Sunset Bronson Studios, Sunset Blvd., Los Angeles, CA, United States kamakailan para raw pag-usapan ang marketing plan ng pelikula na may global premiere sa Hulyo 15, Huwebes.
Base sa post ni Papa P. na kasama si Alessandra sa kanyang IG account at parehong nakatalikod, “Our whirlwind romance finally ends here:) To my Fream, thank you for flying all the way to the States to give birth to our baby, your selfless love and beautiful heart will finally be seen and experienced by the world thank you so much @netflix for taking us in and for the wonderful stay in LA:) @msderossi isa kang legend! Salamat sa pagmamahal at tiwala #myamanda coming out on July 15 :) #globallaunch."
Say naman ni Alex, “Kiss me peej, I love you! Salamat sa tiwala! @netflixph.”
Caption ni Alessandra sa larawan nila ng aktor na nakaupo sa director's chair at inaayos nito ang buhok ng leading man, “Thank you @netflixph! Salamat sa tiwala! Salamat Fuffy for my whirlwind romance @piolo_pascual. But this is it na talaga! #myamandaonnetflix”
Speaking of Alessandra ay hindi namin naitanong kung babalik pa muna siya ng Pilipinas bago lumipad patungong Paris, France para naman sa shooting ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Walang KaParis na si Sigrid Bernardo ang direktor at produced ulit ng Spring Films.
Bale reunion movie ito nina Alessandra, Empoy at Direk Sigrid pagkatapos ng Kita Kita.
Nakunan na ang 40% ng Walang KaParis sa Baguio at ang natitirang 60% ay sa Paris kukunan simula ngayong Agosto, 2021. Kung hindi dahil sa COVID-19 pandemic ay noong nakaraang taon pa ito natapos.

