top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 8, 2022


ree

Ang ganda na ng hitsura at kulay ngayon ni Kris Aquino kumpara sa ipinost niyang larawan niya tatlong buwan na ang nakararaan.


Huling post ni Kris sa kanyang Instagram account ay noong Hunyo 30 at noong Agosto ay lumipad na siya patungong Houston, Texas, USA para sa medical procedure na gagawin sa kanya ng kanyang Filipino-American doctor with his team.


Lahat ng tao ay nakasubaybay sa social media para sa update sa health status ni Kris dahil labis ngang nag-aalala ang marami sa huling ibinalita ng Ate Ballsy Aquino-Cruz nito na apat na ang kanyang autoimmune disease.


Halos lahat ay nag-i-imagine kung ano na ang hitsura ngayon ng mama nina Joshua at Bimby dahil ang huling larawang kumalat ay ‘yung sobrang payat siya na kita na ang buto sa magkabilang pisngi.


Pero nang mag-post siya kahapon, Miyerkules, nang pasado ala-una ng hapon ay marami kaagad ang nagpadala ng hearts emoji at umabot sa kulang 2,000 comments na nagsasabing masaya sila dahil nakita na nilang masigla na ulit ang mama nina Josh at Bimby.


Ipinost ni Kris ang larawang nakahiga siya katabi ang panganay at si Bimby naman ang nasa kabilang side ng kama.


Ang caption niya ay, “I didn’t want to post until I had clarity about my health situation.


Maraming salamat po because I know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that I get better.

“Tomorrow morning (our time), rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.

“There have been times I wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…

“BUT I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up.

“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t - so dedma muna sa vanity. Happy birthday @drkatcee.

“To our new friends & guardian angels in Houston our love & gratitude is forever. Thank you Ate Rey & Christina, as well as Tita Marie…”


Samantala, kinlaro ni Kris ang ibinalita ni Ate Ballsy niya na nalamang apat na ang autoimmune disease niya nu'ng nasa Houston siya.

“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the (emoji Philippine flag) I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th - opo, pinakyaw ko na! “Good night & God bless to all with #lovelovelove from Kuya, Bimb, and me.”


Magandang balita ito na kahit hindi pa magaling si Kris ay may magandang resulta naman ang pagpunta niya sa Amerika.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 7, 2022


ree

In less than two weeks ay naka-set na si Kris Aquino na umalis ng Pilipinas.


Pero bago umalis, nangako siya sa kanyang hematologist, na pinangalanan niya as Dr. Francis, na gagawin muna niya lahat ng ini-request na tests nito sa kanya.


Si Dr. Francis ay doktor din ng kanyang yumaong ina na si Presidente Cory Aquino (SLN).

“Although wala po akong cancer markers in my blood tests, meron s’yang mga gusto pang ma- rule out before we leave in less than 2 weeks. Hindi po ako takot sa tests, I prefer to know para kung maaagapan or may treatments, procedures, or solutions - magawa na soonest na walang delay,” panimula ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post kahapon.


This Friday ay nag-yes na raw siya para sa kanyang Pet Scan, Endoscopy, plus bone marrow biopsy, na ayon pa kay Kris ay nasabihan na siya na may five days discomfort after.


“BECAUSE I have full confidence in my team of doctors: my anesthesiologist, Dr. Jonnel (like before hindi po ako nagbibigay ng last names)… pain management, Dr. Henry (inalagaan na n’ya ‘ko when I had 3 impacted wisdom teeth surgically removed all in 1 go)… Dr. G, Dr. Piano, Dr. Katcee, Dr. Nikki, Dr. Cricket, Dr. Hazel, Dr. Nick, and sorry I just trusted Dr. Francis with the endocrinologist he chose so I didn’t even ask for his name.


“Makulit ako, please also pray for my sisters who worry so much for the ‘baby’ of the family (bunso po kasi), my sons, my trusted friends & my TEAM na talagang walang iwanan.

“God bless you all. Thank you,” karugtong pa ng caption ni Kris.


Samantala, after niyang magbigay ng update sa kanyang health condition last month, may post naman si Kris na nagso-sorry kay Sen. Joel Villanueva dahil sa pagkuwestiyon niya sa sinseridad nito.


She wrote, “Last week I know I hurt Sen @joelvillanueva’s feelings, although it was a private exchange of texts, publicly I’d like to sincerely apologize. Sobrang napahiya ako dahil sa isang ‘program’ that listed speakers & guests. I’m sorry Sen @joelvillanueva, maling-mali ako for questioning your sincerity regarding my brother, Noy — pasensiya ka na, very protective of his memory — bumabawi kasi sa mga pagka-brat ko sa kanya. #peace #trust #respect and #lovelovelove na sana tayo ulit? Para kay Noy? I’m really trying my best to learn #humility na matagal n’yang wish for me.”


Si Sen. Joel ay isa sa mga naging malapit na Cabinet members ni P-Noy noon. Tumayo siyang head ng TESDA kung saan nagmula ang taguri sa kanya ngayon bilang “Tesda Man.”


Pero na-bash naman si Kris ng mga netizens when she replied sa isang comment-post na may kinalaman sa kulay ng heart emoji na ginamit.


Comment ng netizen, “We continue to pray for your healing and recovery the soonest! Thank you for keeping us updated on your health!”


Reply ni Kris, “@krisaquinoworld request can you use yellow hearts? Or.”


Dugtong pa ni Kris, “@krisaquinoworld I'm sure gets n’yo na why ‘wag muna red.”


Gets agad ng mga netizens ang sinabi ni Kris on why mas preferred niya ang yellow heart emoji than the red heart emoji.


Pero pumalag ang mga netizens sa sinabi ni Kris, “@krisaquino Why did you need to tell them to use yellow or pink hearts instead of just thanking them for praying for you? I know why of course, I just don't get it why did you need to tell them what color they should use, they can choose what color they want. Lol.”


“@krisaquino Move on ka na, focus mo muna ang health condition mo.”


“@krisaquino True, may sakit na at lahat, bitter pa rin. Hayst, malay n’yo ‘yung mga red, nagdarasal din para sa kalusugan n’yo. Ako solid BBM kami ng pamilya namin pero naaawa ako sa kalagayan ni Kris. Mukhang hindi lang health ang dapat ipinagdasal ni Kris, mukhang ang kailangan niya ay peace of mind.”


“@krisaquino It should not matter what color of hearts it is, but I’m praying for your recovery. Stay well.”


So, there.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 16, 2022


ree


Maraming nagmamahal kay Kris Aquino ang nalungkot sa paghihiwalay nila ng fiancé niyang si Mel Sarmiento. Hanggang ngayon ay palaisipan sa mga netizens kung ano talaga ang tunay na dahilan at bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ng dalawang prominenteng personalidad.


Though sinabi naman ng Queen of All Media na health condition niya ang rason ay ayaw pa ring maniwala ng mga netizens. May mas malalim pa raw na dahilan dahil alam naman daw ng former DILG secretary na may sakit na si Kris bago naging sila.


May isang concerned netizen ang nag-message sa IG account ni Kris.


Ani ng netizen, "GET WELL SOON MADAM. ALWAYS REMEMBER MADAMI NAGMAMAHAL SA 'YO KAHIT WALA SI *** #lovelovelove"


Sinagot ni Kris ang post-message, "It's not my loss #truth"


Komento naman ng ibang netizens, "Hope Kris can be happy and healthy with her sons, family and many blessings. Romantic relationships aren't that amazing. The magic doesn't last and what comes after is hard work and compromises, often from women, to be very honest. In many ways being single or separated or divorced is a bigger blessing, at least once you've healed and gained stability."


"Ayusin mo na lang health mo," hirit ng isa pana siya namang ginagawa ni Kris alang-alang sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimb.


"Actually, not his loss also. Pareho kayong 'di kawalan sa isa't isa! Kasi both are mayaman, both may estado sa buhay, both matured in age, so set aside na 'yung ways in life. Ayaw mag-adjust, kaya nga siguro nag-clash kayo 'coz both are stubborn, 'yung isa, selfish, 'yung isa naman, ma-pride, ayan ending!"


Pag-agree naman ng isang netizen, "This! Natumbok mo lahat, haha! Pero mas more on du'n ako sa selfish and controlling 'yung isa. I like Kris pero talaga naman, she's too much to handle, sobrang independent niya and headstrong, parang hindi uso ang compromise."


"Need ni Kris ng stable and mature relationship. Pero magbe-bend sa gusto niya, 'di ko alam kung may lalaki na successful (in his own field) na papayag na sundin lahat ng whims and drama niya in life. Sana, she finds happiness and contentment in solitude."


Puna naman ng isang commenter sa sagot ng momshie nina Josh at Bimb, "Akala ko ba, Kris, ikaw nakipag-break? Bakit you sound bitter?"


"Uh oh... may bitterness ang reply. Ooops, hanggang d'yan na lang sana. 'Di ba, sabi mo mananahimik ka na tungkol kay ***?"


"Ang hirap ding ispelengin nitong si Kris. She is so petulant and madaling magtampo. Me, me, me, me na lang lagi."

"In ferness kay MS (Mel), 'di nagsasalita. Marami raw gustong mag-interview but he turned it down. It's wise kasi hahaba pa usapan, focus na lang lahat sa paggaling ni Kris!"


"Sayang 'yung relasyon nila. We don't know the real reason sa breakup, pero sa lahat ng naging BF ni Tetay, siya ang bagay sa kanya, matured, achiever, mayaman din 'yun, wala silang social gap! Sayang, get well soon na lang, Tetay, mas importante health mo kesa mga lalaki!"


"Bitter mo, Kris. Siguro, hindi siya hinabol ni guy."


"If he cannot accept the life you have, then he is not for you."


"Kris: 'It's Not My Loss!' All the Exes: (****crickets***)."


Payo naman ng isang netizen, "Sana mag-off muna siya ng social media niya at magpalakas siya."


"Kris, tumahimik ka na. Forget and move on na. 'Wag ka na pa-stress pa. Look at urself. You are not getting better."


"Her worst enemy is herself. Imbes na nagpapahinga, eto siya."


"It’s not her loss but it affects her health."


Sana nga, pansamantalang isara ni Kris ang kanyang social media account nang sa ganu'n ay hindi siya nai-stress sa mga komentong nababasa tungkol sa kanila ng ex-fiance.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page