top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 7, 2022


ree

In less than two weeks ay naka-set na si Kris Aquino na umalis ng Pilipinas.


Pero bago umalis, nangako siya sa kanyang hematologist, na pinangalanan niya as Dr. Francis, na gagawin muna niya lahat ng ini-request na tests nito sa kanya.


Si Dr. Francis ay doktor din ng kanyang yumaong ina na si Presidente Cory Aquino (SLN).

“Although wala po akong cancer markers in my blood tests, meron s’yang mga gusto pang ma- rule out before we leave in less than 2 weeks. Hindi po ako takot sa tests, I prefer to know para kung maaagapan or may treatments, procedures, or solutions - magawa na soonest na walang delay,” panimula ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post kahapon.


This Friday ay nag-yes na raw siya para sa kanyang Pet Scan, Endoscopy, plus bone marrow biopsy, na ayon pa kay Kris ay nasabihan na siya na may five days discomfort after.


“BECAUSE I have full confidence in my team of doctors: my anesthesiologist, Dr. Jonnel (like before hindi po ako nagbibigay ng last names)… pain management, Dr. Henry (inalagaan na n’ya ‘ko when I had 3 impacted wisdom teeth surgically removed all in 1 go)… Dr. G, Dr. Piano, Dr. Katcee, Dr. Nikki, Dr. Cricket, Dr. Hazel, Dr. Nick, and sorry I just trusted Dr. Francis with the endocrinologist he chose so I didn’t even ask for his name.


“Makulit ako, please also pray for my sisters who worry so much for the ‘baby’ of the family (bunso po kasi), my sons, my trusted friends & my TEAM na talagang walang iwanan.

“God bless you all. Thank you,” karugtong pa ng caption ni Kris.


Samantala, after niyang magbigay ng update sa kanyang health condition last month, may post naman si Kris na nagso-sorry kay Sen. Joel Villanueva dahil sa pagkuwestiyon niya sa sinseridad nito.


She wrote, “Last week I know I hurt Sen @joelvillanueva’s feelings, although it was a private exchange of texts, publicly I’d like to sincerely apologize. Sobrang napahiya ako dahil sa isang ‘program’ that listed speakers & guests. I’m sorry Sen @joelvillanueva, maling-mali ako for questioning your sincerity regarding my brother, Noy — pasensiya ka na, very protective of his memory — bumabawi kasi sa mga pagka-brat ko sa kanya. #peace #trust #respect and #lovelovelove na sana tayo ulit? Para kay Noy? I’m really trying my best to learn #humility na matagal n’yang wish for me.”


Si Sen. Joel ay isa sa mga naging malapit na Cabinet members ni P-Noy noon. Tumayo siyang head ng TESDA kung saan nagmula ang taguri sa kanya ngayon bilang “Tesda Man.”


Pero na-bash naman si Kris ng mga netizens when she replied sa isang comment-post na may kinalaman sa kulay ng heart emoji na ginamit.


Comment ng netizen, “We continue to pray for your healing and recovery the soonest! Thank you for keeping us updated on your health!”


Reply ni Kris, “@krisaquinoworld request can you use yellow hearts? Or.”


Dugtong pa ni Kris, “@krisaquinoworld I'm sure gets n’yo na why ‘wag muna red.”


Gets agad ng mga netizens ang sinabi ni Kris on why mas preferred niya ang yellow heart emoji than the red heart emoji.


Pero pumalag ang mga netizens sa sinabi ni Kris, “@krisaquino Why did you need to tell them to use yellow or pink hearts instead of just thanking them for praying for you? I know why of course, I just don't get it why did you need to tell them what color they should use, they can choose what color they want. Lol.”


“@krisaquino Move on ka na, focus mo muna ang health condition mo.”


“@krisaquino True, may sakit na at lahat, bitter pa rin. Hayst, malay n’yo ‘yung mga red, nagdarasal din para sa kalusugan n’yo. Ako solid BBM kami ng pamilya namin pero naaawa ako sa kalagayan ni Kris. Mukhang hindi lang health ang dapat ipinagdasal ni Kris, mukhang ang kailangan niya ay peace of mind.”


“@krisaquino It should not matter what color of hearts it is, but I’m praying for your recovery. Stay well.”


So, there.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 05, 2022


ree


Nagbanta si Melai Cantiveros na idedemanda ang basher na nagsabing pangit ang kanyang anak sa comment-post sa Instagram ng Magandang Buhay host.


Ipinost ni Melai ang comment nu’ng basher at ang reply ng TV host sa nagsabing pangit ang anak niya, “Humanda ka _____ (IG account name ng basher), ipapahanap ko sa NBI ang account mo. Mahahanap kita at idedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko. Kahit itlog ka, kahit mag-deactivate, alam ko, fan ka ni Francine @francinediaz mahahanap kita.”


May netizen na pumuna kay Momshie Melai saying na hindi na raw niya dapat itinag si Francine sa kanyang IG post dahil wala naman daw kinalaman ang young actress sa ginawa ng fan nito.


Hindi pinalagpas ni Melai ang komentong ito ng netizen at nag-reply din ang TV host.


“Ita-tag ko si Francine kasi ate ako ni Francine, at ma-aware si Francine na may isang supporter siya na 'di dapat pamarisan, kasi mabuting bata si Francine, mamaya, mabasa ni Francine mga posts niya, paniwalaan pa siya ni Francine,” sagot ni Momshie Melai.


True naman na “ate-atehan” ni Francine si Melai. Super-tinatanaw na malaking utang na loob ni Francine ang tulong ni Melai sa kanya at sa pamilya niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa ABS-CBN.


Anyway, kinabukasan ay ishinare ni Momshie Melai ang naging usapan nila nu’ng basher through series of messages.


“Ito na nga closure ng Basher Serye ng hapon ko ngayon. Na-reach out naman siya at maraming sinasabi, na hindi naman ako maniwala na hindi siya nag-comment nu'n. Pero siyempre, sino ba ako para 'di mapakinggan ang side niya at 'di siya mapatawad?


"Hayan, maging lesson 'yan na 'wag basta magpadala sa feelings, tapos pipindot na lang na 'di inaalam kung may mahe-hurt ka ba na damdamin.


"Matuto tayong rumespeto ng tao. Respeto is the key para sa matiwasay na buhay. Kung 'di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo, and let's mind our own business. At last, magpatawad at magmahalan.


"And kay bebegirl @francinesdiaz pasensiya ka na, bebe, at nadamay name mo dito at alam kong maiintindihan mo naman kung saan ito nanggagaling. #respect #forgive #waganakko,” mahabang paliwanag ni Momshie Melai.


Pero teka, napansin namin ang comment-post ng first winner sa Miss Q&A segment ng It’s Showtime na si Julianna Parizcova sa IG post ni Momshie Melai para sa basher ng anak niya.


Nagparamdam ng suporta kay Momshie Melai si Julianna sa kanyang comment, pero may isang netizen na minura ang huli.


Mukhang may galit ang netizen kay Julianna. May kaugnayan kaya ito sa ginawang video ni Julianna na parody ng "‘Wag Magpapabudol" ng aktres na si Angelica Panganiban?


In fact, nag-trending pa sa Twitter ang video ni Julianna the other day. Eh, sabi rin ni Julianna, gagawa pa raw siya ng isang video but this time, papangalanan na raw niya kung sino SIYA o mga kandidatong bait-baitan tuwing kampanya lang.


Pramis, ha?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page