ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 5, 2025
Photo: Kris Aquino - Instagram
Aminado si Kris Aquino na hindi fair para sa bunsong anak na si Bimby na lagi itong nasa tabi niya para tingnan siya at alagaan. Of course, she knows that her son needs to live a life of his own at excited na nga raw siya na ma-meet ang first girlfriend nito if ever.
“Bimb’s got me, but it's not fair to expect him to always be by my side. I’m excited to meet whoever his first girlfriend will be, there’s someone I really like for him—but when you push too much it's already meddling,” pahayag ni Kris sa kanyang latest Instagram (IG) post.
Sinabi rin ng Queen of All Media ang mga katangian ng babaeng gusto niyang makatuluyan ni Bimby.
“I am praying he will end up with someone smart, articulate, kind hearted, pretty, loving, with a mom I’ll get along with, and most of all, someone who will love my son equal to the love she has for herself,” ani Kris.
Paliwanag niya, “Why did I say that? Because I’ve experienced seeing myself through another’s eyes, and that woman wasn’t me. I’ve always been self-assured, but illnesses with minimum options to go into remission, I started losing my confidence.”
Ipinagtapat din niyang naging sobrang dependent siya sa kanyang ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan at inamin na naniniwala naman siyang minahal nila ang isa’t isa.
“And I became very dependent on a man who already had too much and too many people to take care of. I would prefer to believe we really did love each other,” sey niya.
Diretso ring sinabi ni Krisy na dahil sa paglala ng estado ng kalusugan niya ngayon, tanggap na niyang ang ex-boyfriend na ang huli niyang pag-ibig.
“I’m realistic enough to accept that with the rate of my health deteriorating, that relationship with Doc Mike was my last chance to love,” aniya.
Sa naturang post ay sinabi rin ni Kris na mayroon siyang 9 autoimmune diseases at inisa-isa niya ang mga ito sa chronologically ordered list based on diagnosis and confirmation: Autoimmune Thyroiditis, Chronic Spontaneous Urticaria, EGPA (a life-threatening form of vasculitis), Systemic Sclerosis/Scleroderma, Lupus, Rheumatoid Arthritis, Fibromyalgia, Polymyositis, at Mixed Connective Tissue Disease.
Hiniling ni Kris sa mga netizens and her followers na sana ay huwag siyang sukuan dahil patuloy pa rin daw siyang lalaban. Positibo pa rin daw siya na makakabalik pa rin siya sa telebisyon someday.
“Please don’t give up? The odds are against my survival, but I have FAITH in the power of PRAYER. Jesus healed so many. Autoimmune has NO CURE. But I still believe the Holy Spirit will guide my doctors. And I don’t break my promises, I said I'd return for you to watch me,” sey niya.
Hiling din niya na maging malakas pa siya on Mother’s Day at nang sa gayon ay masayang makapagpasalamat sa kanyang mga prayer warriors.
“I am hoping to be strong enough before Mother's Day. I will be so happy thanking all of you for being #TeamKris. For kuya & bimb, for those who show genuine concern and continue praying, I promise #bawalsumuko #tuloyanglaban,” pagtatapos ni Krissy.
PATULOY na nagiging inspirasyon sa marami ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards hindi lamang sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, kundi pati na rin sa kanyang commitment sa healthy lifestyle. Sa kanyang fitness journey, ibinahagi ni Alden ang benefits ng pagiging active at sa pag-aalaga ng kalusugan.
“Gusto ko mas ma-inspire sila na alagaan ang sarili nila and at the same time, ma-realize nila kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang mga ganitong activity, kahit simpleng jogging pa ‘yan.
“Marami kang nami-meet na mga bagong kaibigan, nakaka-bonding mo rin ang loved ones mo, and together mas nagiging healthy kayo.
“For me, ‘yun naman lagi ang goal ko—to have a happier, meaningful, and peaceful life with them,” sey ni Alden.
Sa darating na May 11, magho-host si Alden ng isang fun run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa Mowelfund or Movie Workers Welfare Foundation.
Hinihikayat ni Alden ang lahat na makiisa sa event na ito, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin makatulong sa mga nangangailangan.
Simulan ang healthy lifestyle at sumali na rin sa “Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino.”