ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 12, 2025
Photo: Kris Aquino - IG
Muling nagparamdam si Kris Aquino sa Instagram (IG) nitong Agosto 11 nang madaling-araw, humiling siya ng patuloy na panalangin mula sa publiko upang malampasan ang matinding pagsubok sa kanyang kalusugan.
Saad ni Kris, “On purpose, matagal akong hindi nag-upload. I have to admit if I told you what was happening, some of you may stop praying because my autoimmune diseases were increasing in number & my life-threatening ailments needed me to make a brave choice. Trust me, it’s difficult to accept every night when I sleep that there may be no tomorrow for me.
“My almost 2 months stay in this private beach property owned by a kind & generous family who want me to regain my health as well as strengthen my faith in God’s merciful healing power, I came to a decision, I have another 6–8 hr. infusion session in 6 days. It’s one of the strongest autoimmune immunosuppressants together with my 2 other, 1 taken daily, and 1 given via injection that will totally wipe out my immunity. I will be in preventive isolation for 6 months.
“I’ll live in our compound in Tarlac; my Cojuangco cousins and I fondly call it Alto.
“Where is Kuya? Since the deaths of his Lola Cory, Lola P, and Tito Noy, seeing me frail, weak, often attached to my IV drip, Kuya is traumatized, visibly shaking, repeating ‘Mama, get well. I love you…’ For now, he’s living with my genuinely super loving cousin.
“Bimb, now 18, has sacrificed much to take care of me. He is heaven’s gift, my optimistic adult who reminds me I should never surrender.
“After a few more scheduled tests & treatments, and my recuperation, Bimb & I are ready to reveal all & show you everything for the first time. PLEASE CONTINUE PRAYING, kailangan na kailangan ko.
“Thank you to both Makati Med and St. Luke’s BGC, my doctors, their fellows & residents, the nurses assigned to me in the hospitals, my personal nurses, the many skilled technicians operating the high-tech machinery, and all who continue to believe na gagaling pa rin ako #tuloyanglaban.”
God bless you, Kris Aquino. May our heavenly Father, Lord God Jesus Christ grant you His great miraculous healing power. Amen.
Kaya naka-6 na anak na…
OYO, KAHIT PAGOD, DAPAT PAGBIGYAN SI KRISTINE SA SEX
MASAYANG usapang-mag-asawa ang umikot sa online show na House of D (HOD) ni Dina Bonnevie, kasama sina Oyo Sotto, Danica Sotto-Pingris, Kristine Hermosa-Sotto at Marc Pingris.
Sa question and answer portion ng HOD, tanong ni Dina, “Totoo ba na hindi dapat nawawala ang sex sa marriage para hindi mamatay ‘yung spark?”
Mabilis na sinagot ni Marc habang nakangiti, “Yes.”
Tanong ulit ng mahusay na aktres, “Kailangan ba, every day, may ganap?”
Sagot ng basketball player na si Marc, “Part naman ng mag-asawa ‘yun, hindi nawawala.”
Tanong ulit ng mother dearest nina Oyo at Danica, “Kailangan ba, every week, may ganap, at least?”
Sumagot si Kristine na may paalala, “Yes, that’s only for married couples lang ‘yun.”
Dagdag pa ni Kristine, “Kung gaano kakayanin, kung hanggang saan.”
Tanong ulit ni Ms. D, “Paano halimbawa kung in the mood ka, pero pagod si hubby?”
Sagot ni Kristine, “Kailangan nilang respetuhin ‘yun, kailangan nilang pagbigyan ka.”
Natawa nang malakas si Ms. D sa naging sagot ni Kristine at nakapag-dialogue na lang ng “Akala ko, kailangan nilang respetuhin ‘yung pagod na. ‘Yun pala, kailangan, pagbigyan pa.”
Tinanong ni Ms. D si Oyo, “Paano mo nalalaman ‘pag gusto ni Tin?”
Sumagot si Kristine sa tanong ni Ms. D kay Oyo ng “‘Wag mo sabihin ‘yan, secret natin ‘yan.”
Kinilig nang bongga si Ms. D sa biruan at lambingan ng mag-asawa.
Sagot ni Oyo, “O basta ‘yan, nakita n’yo, anim na ‘yung anak namin.
“As different naman ako, in serious ano naman, I think it’s different kada sa mag-asawa kasi I think there are couples na they can really do it every single day. Mayroon din namang couples na one week, or next week na ulit. May mga ganu’n.”
Sabi nga ni Dr. Prem Jagyasi, “Sex is a complete therapy in itself when done in the right sense.”
Pak, ganern!
‘Yun lang, and I thank you.