top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Jan. 30, 2025



Photo: TROPP - Darryl Yap / VinCentiments - FB


Naglabas na ng pahayag ang MTRCB tungkol sa Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap na nire-review na raw ng ahensiya ang The Rapists of Pepsi Paloma movie. 


Nilagdaan ito ni Atty. Paulino E. Cases, Jr. (MTRCB Vice-Chairperson and Chairperson of the Hearing and Adjudication Committee).


Ayon sa post ni Direk Darryl, “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth. 


“The teaser is just a micro-part of my movie. I have been allowed to release the whole movie. For that, I am deeply humbled and profoundly blessed.


“Our film is now being reviewed by MTRCB. Thanks!”


Bagay na kinontra ng MTRCB dahil wala raw itong katotohanan.


“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix,” panimula ng statement.


Anila, “Binibigyang-linaw ng ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.”


Pagpapatuloy pa ng pahayag ng MTRCB, “Bilang parte ng standard review process ng ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.


“Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice-Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng 5 miyembro.


“Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksiyunan alinsunod sa batas.”


Sinagot naman ito ni Direk Darryl sa kanyang latest Facebook (FB) post, kung saan makikita ang letter mula sa MTRCB at mababasa ang caption niya na… “Ang Kapalaran ng #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PepsiPaloma.”


At sa comment section, inilagay niya… “Narito ang liham ng MTRCB sa aming distributor; nawa’y maipaliwanag ng mga may alam sa batas. Maraming Salamat.”

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 28, 2025



Photo: The Rapists of Pepsi Paloma - VinCentiments


Naglabas ng reaksiyon ang misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna sa pagbaba ng desisyon ng korte kahapon na pagpapatigil sa pagpapalabas ng teaser video ng pelikula ng direktor na si Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).


Nag-post ng dalawang photos sa kanyang Instagram (IG) account si Pauleen. Una, ang family picture nila ni Vic with their two daughters. At ang pangalawa ay ang pahina ng dokumento na nagsasaad ng naging desisyon ng korte. 


Caption ni Pauleen, “We give thanks to the Lord for this court decision.

“The results are in and the outcome is in our favor, confirming that the material released was malicious in nature. We won!


“This victory is for our children and family, and we humbly lift our gratitude to Almighty God.

“Let this be a reminder that our words and actions have great power, and that kindness and integrity should always guide us.


“Please, let us all be mindful and responsible about posting/sharing malicious content about people.


“We urge everyone to act with kindness, integrity, and respect, striving to uplift one another instead of causing harm.”


Natupad ang panalangin ni Pauleen na maalis ang naturang teaser video sa social media. 


Matatandaan na may tsikang si Pauleen ang nag-push kay Vic na gumawa ng aksiyon na mapatigil ang pagkalat ng teaser video. If this is true, we can’t blame her lalo na’t may balita ring na-bully daw ang kanilang panganay na si Tali sa school dahil sa teaser video.


Samantala, kinlaro naman ng kampo ni Direk Darryl na sa kabila ng naging desisyon sa

pagpapatigil na ipalabas ang teaser video ng TROPP, puwede pa ring ituloy ang pagpapalabas ng pelikula.


Post sa X (dating Twitter) ng Cinema Bravo, “‘BAWAL ANG ‘VIC SOTTO’ TEASER, TULOY ANG 'PEPSI PALOMA’


“Muntinlupa RTC 205 partially grants TV host-actor Vic Sotto’s petition for writ of habeas data against The Rapists of #PepsiPaloma filmmaker Darryl Yap.


“The Court directed Yap, including the production team of VinCentiments, “to delete, take down and remove the 26-second teaser video’ from all platforms ‘for having misused the collected data/information by presenting a conversation between two deceased individuals, which cannot be verified as having actually occurred.’


“The respondent, however, is ALLOWED to proceed with the production and eventual release of the film.”

So, there.


 

Napiling punong-hurado ang award-winning Filipino director na si  Brillante Mendoza para sa Cinema at Sea – Okinawa Pan-Pacific International Film Festival, which will take place from February 22 to March 2, 2025. 


Pinangunahan ni Direk Brillante ang pag-e-evaluate ng lahat ng entries sa festival na may diverse lineup.


Ayon sa festival’s official Facebook (FB) page, mahigit 50 screenings and sessions ang naka-schedule, highlighting the cultural richness and creative talent of filmmakers from the Pacific region and beyond.


One of the standout films in the competitive Pacific Film section is Tale of the Land (TOTL), an Indonesian-Filipino-Taiwanese-Qatari co-production directed by Loeloe Hendra Komara. 


The film tells the story of a Dayak girl in Borneo and has already garnered international acclaim, winning the Fipresci Award at the Busan International Film Festival (BIFF).

Tampok din sa festival’s special screening ang sariling pelikula ni Direk Brillante na Gensan Punch (GP).


Ang talambuhay na drama ay nagsasaad ng paglalakbay ng isang Japanese para-athlete na magsasanay sa General Santos City upang makamit ang kanyang mga pangarap sa boksing. Ito ay tumanggap ng malawakang pagkilala, kabilang ang Kim Jiseok Award sa BIFF.


The Cinema at Sea – Okinawa Pan-Pacific International Film Festival celebrates the diversity and artistry of Pacific cinema, serving as a platform for collaboration and cultural exchange.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 4, 2025



Photo: The Rapists of Pepsi Paloma - VinCentiments / Teaser


“Baka mapahiya ang mga bashers ni Direk Da (Darryl Yap) kapag napanood nila ang pelikula,” ang mariing sabi sa amin ng ilang kaibigan ng kontrobersiyal na direktor tungkol sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).


Nakakaloka ang kaliwa’t kanang pamba-bash kay Direk Darryl dahil sa ipinost nitong teaser ng pelikula ni Rhed Bustamante na gaganap bilang si Pepsi Paloma dahil nadawit ang pangalan ng isa sa Eat… Bulaga! (EB) hosts na si Vic Sotto.


Malalaking mga personalidad ang sangkot sa isyu, lalo na’t malapit na ang eleksiyon at hindi maiiwasang mapaisip ang mga netizens na itinaon ito ng direktor kaya nga nabanggit ang Jalosjos vs. Sotto kung saan pare-parehong nasa pulitika sina Bullet, Vico at Tito.


Si Ms. Lala Sotto-Antonio ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na anak ni ex-Senator Tito Sotto at pamangkin ni Vic, sa tingin ninyo, lulusot ito kung sakaling ‘foul’ ang kuwento ng pelikulang TROPP?


Kilala ng lahat si Direk Darryl na hindi nito papasukin ang labang hindi niya kayang ipanalo tulad ng paggawa ng TROPP. For sure, may twist ang kuwento kaya paulit-ulit niyang sinasabi, “Panoorin muna ang pelikula.”


Kaya sa mga bashers ni Direk Darryl, abangan sa Pebrero ang pelikula ni Rhed Bustamante bilang si Pepsi Paloma at saka kayo umawra-awra.


Anyway, ang litanya ng direktor sa kanyang Facebook (FB) account.


“Kung may troll farm lang ako, may back-up na TV network siguro mas maaabot ng pelikula ko ang mga tao.


“Bagama’t may 2 akong box-office hit na hindi matanggap ng mga haters— hindi ako mahihiyang sabihing malayo naman talaga ang marketing ng mga pelikula ko kung ikukumpara sa ibang productions, lalo na sa Star Cinema sa totoo lang, ‘yang marketing nila ang mahusay talaga samantalang ako ang meron lang ay ‘Kwento’.


“Ang #TROPP o THE RAPISTS OF #PEPSIPALOMA ay hindi po under VIVA Films, ‘di rin po ako nabigyan ng pera ng mga Jalosjos o Discaya o ng mga Aliens o kung anong elementong may galit sa mga Sotto.


“Gusto ko siyempre ng pera pero wala. Makakasira rin sa ipinaglalaban kung may halong pulitika, kahit babad ako roon—itong #TROPP2025 ay hindi para sa eleksyon. Sa grand presscon, masasagot lahat ng tanong at agam-agam, bagama’t nagpapasalamat ako sa mga opinyon, bash at suporta.


“Sa ngayon, hayaan n’yo muna naming matapos ang pelikula, para maipalabas sa February 2025.  


“Matalino naman ang mga tao, alam nila ang hilatsa ng troll sa totoong tao at ang totoong tao ang may totoong suporta.”


Sa huling bahagi ng post ng direktor ay ibinunyag na plano rin siyang ipakulam.


“Salamat sa pangungumusta, pagpapaalala at pagpapakita ng suporta. Salamat din sa mga gusto akong kulamin, kung anu-anong sinasabi, nagmamagaling atbp. Ituloy n’yo lang ‘yan. Happy New Year,” sey ni Direk Darryl Yap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page