top of page
Search

PAGSALI NIYA SA MISS UNIVERSE 2021.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 23, 2021


ree

Excited na si Kisses Delavin sa kanyang journey bilang kandidata sa 2021 Miss Universe-Philippines. Sa kanyang latest Instagram post ay kinumpirma na rin ng dalaga ang kanyang pagsali sa nasabing beauty pageant.


“Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!


"2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie,” caption ni Kisses sa video at mga larawang ipinost.


Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang Kissables (her fandom’s name) sa suporta.


“Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan n'yo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines,” aniya.


Noon pa ay interesado na talaga si Kisses sa pageantry and in fact, nanalo na siyang Miss Teen Masbate bago pa man siya pumasok sa showbiz.


Bukod kay Kisses ay join din sa MUP 2021 ang Star Magic artist na si Maureen Wroblewitz. Pareho silang kasama sa Top 100 delegates at sa mga susunod na linggo ay pipiliin ang 30 official candidates na siyang lalaban for the Miss Universe-PH crown.


Good luck to the two ladies mula sa showbiz.

 
 

SECRET


Julie Bonifacio - @Winner | May 15, 2021



ree

Dinagsa ng unfavorable comments sa social media ang isinuot na national costume ni Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant.


Mala-one-piece bikini na may malaking pakpak sa likod at Philippine flag-inspired ang isinuot na national costume ni Rabiya sa competition.


Karamihan sa mga nabasa naming comments from netizens, malaki raw ang pagkakahawig ng national costume ni Rabiya sa isinuot din ng modelo sa fashion show ng sikat na underwear garment na Victoria's Secret.


"Sorry, pero ginaya lang sa VS."


"True! Ang baduy tingnan.

"Sorry. Bakit ganyan? Victoria Secret model inspired? Waaaaaah. Hindi pinag-isipan. Who the hell her stylist?"


Ang namatay nang si Rocky Gathercole pala ang designer ni Rabiya at hindi na nga raw nito natapos ang naturang costume.


Puna pa ng netizens, may kulang sa suot ni Rabiya sa ipinost na larawan ng official costume niya sa socmed ng Aces and Queens, ang agency na kinabibilangan ng Miss U candidate ng 'Pinas. Una, ang headdress o headpiece na suot ng manequin sa piktyur. Then, ang placement ng isa sa tatlong stars.


"Bakit walang headdress?"


"'Di na raw kinaya kasi ang bigat na nu'ng pakpak niya, hehe - 21 kls. daw 'yun, eh. Tapos, ang taas pa ng heels. Baka 'di na siya makalakad if ever."


"Laki sana ng in-improve 'pag may headdress."


"'Di rin secured, nahuhulog daw 'pag suot accdg. to Shamcey (Supsup)."


Kahapon ay nabalitang nagkaroon ng minor injury si Rabiya bago nagsimula ang National Costume competition. Aksidenteng nagupit ni Rabiya ang kanyang daliri. Dahil sa aksidente, kinapos na sa oras sa pagpe-prepare ang beauty queen sa pagsuot ng kabuuan ng kanyang costume. At ang 'di na nga nakering isuot ni Rabiya ay ang kanyang headdress.


Pati ang pag-flying kiss at pag-heart ni Rabiya habang rumarampa sa stage ay pinuna rin ng netizens.


"So-so lang ang nat. cos. pero hindi ko bet how she carried it. Literal na ginawa n'yang VS show ang Miss U, super cringey ng pa-heart and flying kiss. Please don’t do that sa swimsuit competition, please."


"Agreed. Even the pagturo sa crowd gesture of hers seemed so unbecoming for a Miss U, a national costume portion at that! 'Di pa tapos ang laban, girl! Gandang-ganda ako sa 'yo, Rabiya, pero aralin kung paano aariba!"


Sa kabila ng mga batikos, mas marami pa rin namang netizens ang humanga at nagbigay-suporta sa ating kandidata.


"Come on, Rabiya is doing her best. Masugatan sa ulo si atey. And mabigat 'yung costume, petite ang physique ni Rabiya. Sana lang, mas napaghandaan by working out para medyo nagka-muscle and laman siya. Pang-teen-ager katawan niya kasi. Bawi tayo sa QnA. She is very eloquent and with good public speaking skills. #LabanRabiya."


Basta iboboto pa rin namin si Rabiya online para makapasok siya sa Top 12. Vote for #MissUniversePhilippines at www.missuniverse.com.


Suportahan ang pambato ng Pilipinas at saksihan ang koronasyon ng bagong Miss Universe sa paghahatid ng ABS-CBN sa 69th Miss Universe Competition LIVE mula sa Florida, USA sa A2Z sa ika-17 ng Mayo, 8 AM. May replay din ito sa A2Z, at 10:30 PM.


Mapapanood din ang replays nito sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, 9:45 PM. May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12 NN at 10 PM), Mayo 26 (5 PM), at Mayo 29 (8:30 AM).

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | October 26, 2020


ree


May isyu sa katatapos na Miss Universe-Philippines 2020 dahil sa presscon after ng coronation, wala si Michelle Gumabao na nag-first runner-up. Kasunod noon, in-unfollow daw nina Michelle at Miss Taguig Sandra Lemonon sa Instagram si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo.


May pahayag pa si Sandra na “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts. The truth always comes out, it’s just about timing. Karma is real soon, because we deserve justice.”


Parang sinagot ito ni Shamcey Supsup-Lee, National Director of Miss Universe-Philippines sa sinabing, “To bear defeat with dignity to accept criticism with poise, receive honors with humility—these are the marks of a true QUEEN.”


May sagot din sa kanya si Sandra, “Get your Tea. Accepting defeat graciously is one of many mark of being a Queen. But what you forgot to say Is that REAL queens play FAIR don’t CHEAT.”


Join sa isyu si MJ Lastimosa, ang 2014 Miss Universe-Philippines na ang sabi, “BBP2012 taught me my greatest pageant lesson in life. A true queen is someone who can accept defeat and rise above it. A crown doesn’t define us, we define it. This is not the end but only the beginning for our #MissUniversePhilippines girls. Congratulations everyone.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page