top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 30, 2021



Sa social media ng number one broadcast journalist-TV host na si Korina Sanchez ay ipinost niyang certified vaccinated na siya. Ipinost din ni Korina na gumagamit siya ng Ivermectin medication every two weeks to combat COVID-19.


“Am certified vaccinated. But am not totally immune to infection. So I STILL wear a mask and stay away from crowds. I take my Vit C, D and zinc daily. I take Ivermectin every two weeks. I still quarantine and take COVID tests before joining groups. The BEST of life is yet to come. Let’s all be around when that happens. #BestLife #ingatangatbakunalahat @BakunaSikat,” sambit ng TV host sa larawang fully vaccinated na siya.


Na-disappoint naman ang mga netizens sa pag-amin ng TV host hinggil sa paggamit ng Ivermectin. Karamihan sa mga nagbigay ng reaksiyon na disapproved sa ginawa ni Korina ay mga medical professionals, pharmacists at doctors.


Hindi raw effective na gumamit ng Ivermectin para ma-prevent ang COVID-19.

Anyway, naipaliwanag naman siguro ng broadcast journalist sa kanyang mahabang post kung bakit siya gumagamit ng Ivermectin.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 25, 2021




Proud na ifinlex ni Alden Richards sa kanyang Twitter account kahapon ang kanyang braso na may band-aid and declared na nabakunahan na siya ng COVID-19 vaccine.


Pinili raw niya na magpabakuna na not only for his own safety kundi pati na sa kanyang pamilya and community.


Nanawagan din siya sa mga Pinoy na i-take na ang chance na magpabakuna kung may available na rin lang naman.


“Vaccinated! By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself & my family, but also my community. Tulung-tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you so we can reach herd immunity. It will act as a barrier against the virus. #IngatAngatBakunaLahat,” tweet ni Alden.


Nakyutan siyempre pa ang karamihan sa mga netizens/fans ni Alden sa ipinost niyang picture sa Twitter, especially his muscles.


“Congrats! At least kampante na kami na you are vaccinated! Kahit papa'no you are protected from the virus. But just the same, keep safe and healthy. Miss you much! @aldenrichards02”


“Ano ba pine-flex mo rito, 'yung vaccine spot o maskels (muscles) mo?"


“Kapag si Alden, naka-band aid, 'pag kami, bulak lang.”


“Paps @aldenrichards02 tawang-tawa ako rito sa comment sa'yo sa FB post mo. Why naman kasi ganu'n? Whahahaha”


True.

 
 

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Natanggap na ng singer-actress na si Glaiza de Castro ang unang shot ng COVID-19 vaccine.


Sa kanyang Instagram Stories, nai-share ni Glaiza ang isang video habang siya ay tinuturukan ng COVID-19 vaccine at kung saan nakasuot siya ng statement shirt na may nakasulat na “swerteng bata.”


“May swerteng bata na nabakunahan today #IngatAngatBakunaLahat,” caption ni Glaiza sa kanyang post. Bukod kay Glaiza, ang iba pang celebrities gaya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bianca Gonzales, Maris Racal, at Rico Blanco ay nakatanggap na rin ng kanilang doses ng bakuna.


Bilang entertainment workers, ang mga celebrities ay bahagi ng A4 category, kung saan kasama ang media at entertainment industry, delivery service riders, self-employed, at iba pang manggagawa na pumapasok sa kanilang pinagtatrabahuhan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page