top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | April 30, 2023



ree

Masayang-masaya si Kim Chiu sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime noong Biyernes.


More than a week ding hindi napanood si Kim ng madlang pipol sa Kapamilya noontime show dahil sa pagkakaospital ng kanyang ate na si Lakambini Chiu.


Sa ospital na rin inabot si Kim ng kanyang birthday, kaya ‘di nakapag-celebrate ang aktres sa It’s Showtime last April 19. Although, sinorpresa si Kim ng kanyang mga kaibigan sa coffee shop sa labas ng ospital.


Isinalaysay ni Kim sa kanyang Instagram post ang labis na kasiyahan sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z Channel 11, TV5, iWantTV at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


Ipinost ni Kim ang ilang pictures niya with her co-It’s Showtime host, pati na rin ang special guest nila that day na si Kim Hyun Joong ng Boys Over Flowers.


Caption ni Kim, “'Umulan man o umaraw. Kahit ang dulo ay 'di matanaw.' This line hits different now. #Faith


“Today I am back with my Showtime fam, after more than a week of being scared and wary.


As the saying goes 'There is no limit to what our limitless God will do in response to our limitless faith.'


“Thank you God for another day to witness your miracles and blessings. God is great, God is powerful. Thank you Lord for healing my ate @kamchiu. Thank you.”


Pinusuan naman ng mga kasamang hosts ni Kim sa It’s Showtime ang kanyang IG post.


“God is really good,” comment ni Vhong.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 05, 2022



ree


Dahil sa COVID-19 pandemic kaya naghiwalay si Kris Aquino at ang fiancé nitong si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento noong Huwebes, December 30, base sa nakita naming araw ng huling mensahe ng huli.


Maraming netizens ang nagulat dahil biglang nawala na ang mga larawan ni Ginoong Mel sa Instagram at Facebook account ni Kris. Kaya maraming nag-isip na baka hiwalay na nga sila, na totoo naman pala.


At inamin na ito ni Kris nang mag-post siya nitong Lunes, at 10 PM, ng mga larawan niyang tsinetsek ang kalagayan niya at kinunan din siya ng timbang.


Ang caption ni Kris, “For once, hindi mahaba ang caption. Lahat po klaro, nasa carousel of artcards, pics, and screenshots na. #truth #faith #peaceofmind #peaceinmyheart.”


“I want to spare myself and my loved ones from further rumors and speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs./40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity.


“From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured…


“I have accepted the TRUTH, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2- year worldwide pandemic.


“My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His Will and His Timing.”

Kasunod na nga nito ang paliwanag ni Kris kung bakit sila naghiwalay ng fiancé.


“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, I must end this chapter.


“I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left.


“By doing this, I only request for some respect for my humanity & privacy now and in the coming months when I fight for my health…because I was BRAVE enough to show you and tell you the TRUTH.”


Sobrang pinag-iingat talaga kasi ngayon si Kris dahil bawal siyang mahawahan ng anumang uri ng sakit lalo na’t tumataas na naman ang kaso ng COVID na may iba nang variants at nalagay pa sa Alert Level 3 ang National Capital Region.


At dahil siguro sa mga nararamdaman ngayon ni Kris ay mainitin ang ulo niya at aminado naman siya rito, na pinasalamatan pa nga niya sa post niya noon si Mr. Sarmiento dahil lagi siyang inuunawa.


Sa parte naman ng ex-fiancé niya ay mahilig itong maglalabas at aminado siyang posibleng malagay niya sa delikado ang buhay ng babaeng mahal niya kaya tinanggap niya ang hamon nitong maghiwalay na sila.


Ang buong mensahe ni Ginoong Mel, “I’m worried about your situation and what you’ve texted me. I did pack up, bringing with me clothes up to the 4th of January where we are supposed to have our RT-PCR test.


“But I came to realize that I might further put you at risk given that I went to the mall the other day to buy a phone and went out again yesterday for a haircut. I also went to Uniqlo to buy some clothes before I went back to Jody’s.


“I’m not sure if the people that I had close contact with at the mall, especially my barber, is negative or not, and this can only be confirmed if I do a test on the 4th day and this is day 1 for me since I got exposed to people in the mall.


“I’m reminded of what you’re doctor cousin told me, the responsibility of making sure you don’t get COVID given your auto immune.


“That’s the reason I decided not to proceed there because I might further put you at risk and I don’t want to be blamed for it.


“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility.


“Given my nature who loves to go out, I accepted the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble.


“On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble.


“I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart.”


Sa madaling salita, isinakripisyo rin ni Mr. Sarmiento ang kaligayahan niya para sa kalusugan ng ex-fiancée.


Nakahihinayang dahil akala namin ay natagpuan na ni Kris ang lalaking makakasama niya sa buhay lalo na nu’ng inanunsiyo nila ang kanilang engagement noong Oktubre, 2020, pero pagkalipas pala ng tatlong buwan ay wala nang kasalang magaganap.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 24, 2021



ree

Marami ang humanga kay Pacman sa ipinakita niyang humility at sportsmanship sa pagkatalo lalo na nga ang pagso-sorry niya sa ating mga kababayan for losing the fight.


Maging si Kris Aquino ay naantig ang damdamin sa interview ni Pacman. Sa kanyang Instagram post ay ipinakita rin niya ang paghanga at suporta sa ating boxing champ.

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.


“Most of all recognizing that the real fight, 'yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what I am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.


“My love and prayers are with you Mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.


“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo, kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin, nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao,” ang post ni Kris.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page