top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 26, 2021




Ibinahagi ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na nagtayo siya ng isang testing center for COVID-19 sa hangaring makatulong sa pandemic na nararanasan ng bansa.


“I would love to do more, kaya tinanggap ko rin na maging ambassador for USAID to end TB (tuberculosis) and to be a voice alongside Alden Richards para tumulong talaga sa mga kababayan natin. We cannot be thinking of just ourselves. We have to think of everyone as well. Dito na pumapasok 'yung unity natin and 'yung pagtutulungan bilang isang Pilipino,” pahayag ni Rocco sa panayam ng GMA-7.


“I would love to go out of my way, to go out and do talks, and really help out physically when it comes to operations. We have a lot of projects with the Philippine Navy also kaya sabi ko naman sa kanila, ready ako anytime as a citizen. Siyempre, there's only so much I can do but I will do what I can,” patuloy niya.


Isa raw sa kanyang ginawa para makatulong ay magsimula ng isang testing company.


“One of my best moves was really starting this testing company para talaga makatulong. Iba rin makatanggap ng 'Sir, salamat po na meron kayong ganitong testing facility or mga doctors na pumupunta sa bahay namin kaya ‘di na namin kailangang bumiyahe.’


“Because they get a lot of positive cases. Ang kailangan naming ibigay talaga sa kanila is really the education. So at this time, everyone should be willing to learn on what to do and how to be safe,” saad ng aktor.


Bukod sa pagiging #EndTB ambassador for the United States Agency for International Development (USAID), si Rocco ay isa ring registered nurse and a Philippine Navy reservist.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 27, 2020




Pati sa ibang bansa, nabalita ang pagiging ambassador ni Alden Richards sa #EndTB campaign ng USAID in collaboration with GMA Network dahil sa massive press release ng Philippine Information Agency. Kaya, nabasa ang tungkol dito sa US News, Singapore News Yahoo, Long Beach Star, Cambodia News, Brunei News, Bangladesh News, Oakland Times, Vietnam News, Nepal National, Laos News, Kuala Lumpur Times, Asia Pacific News, Pakistan News, at sa iba pang news outlets. Iba nga lang ang hashtag na ginamit sa ibang bansa at ito ay #TBFreePH.


Kahit sabihing walang kinalaman sa kanyang pagiging aktor ang balita, malaking bagay pa rin kay Alden na mai-feature sa international news.


Samantala, bukas pa pala ang simula ng taping nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith para sa initial episode ng drama anthology ng GMA-7 na I Can See You. Ang title ng episode ay Love in the Balcony. Kasama nina Alden at Jasmine rito si Pancho Magno.


Also on Alden, marami ang naengganyo ng aktor na maglaro ng Mobile Legends at maging gamer dahil sa nabanggit sa interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho na kumikita siya ng P100,000 sa pag-i-stream. Ito raw ang raket niya sa panahon ng Covid-19 pandemic na malaking halaga na.


Maraming sumusuporta kay Alden tuwing nasa gaming mode siya dahil to date, may 2.4M na siyang likes sa Facebook at 3M followers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page