top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 19, 2026



FRANKLY - ANNE, PROUD NA MAY SELFIE KAY CONNOR STORRIE-IG _annecurtissmith

Photo: IG _annecurtissmith



Napa-‘sana all’ ang mga netizens sa mga larawang ipinost ni Anne Curtis sa kanyang Instagram (IG) page. 


Dumalo ang aktres sa event ng isang jewelry brand na kanyang ineendorso sa New York City at ibinahagi niya ang mga kaganapan.


Sa isang larawan, kapansin-pansin na kasama ni Anne ang American actor na bida ng hit TV series na Heated Rivalry (HR) na si Connor Storrie.


“Drenched in blue. Beautiful evening spent with @tiffanyandco for the Blue Book Gala. I always have the best time in NYC and the surprise performer had me singing my heart out. Thank you for having me and lending me these beautiful and elegant pieces,” caption ni Anne.


Sa kanyang IG Story, makikita rin ang mga reel ng performances ni Mariah Carey sa nasabing event. Naging fangirl si Anne at sey niya, “OMG, MARIAHHHH! The best surprise.”


Nainggit ang mga netizens lalo na sa photo nila ni Connor.


“MAY PILA PO KAY CONNOR. Hahahahaha! Super elegant,” sey ng isang netizen.

Pinuri rin ng mga followers ang mala-diyosa niyang kagandahan at eleganteng blue gown.


Pagkatapos ng event sa New York, dumiretso si Anne Curtis sa Indio, California para manood ng ikalawang performance ng BINI sa Coachella Music and Arts Festival.

Bongga!




IBINIDA ng BINI ang galing at talento ng mga Pilipino sa pagbabalik nila sa Coachella stage para sa ikalawa nilang performance nitong Sabado ng umaga (Abril 18), Philippine Time (PHT), o Biyernes (April 17), Pacific Daylight Time (PDT), bilang pagtatapos ng kanilang makasaysayang journey sa pagbibida ng OPM sa nasabing festival.


Sabay-sabay na binati nina BINI members Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena ang mga manonood ng “Mabuhay!” habang ipinakilala ng ilan sa kanila ang sarili gamit ang kani-kanilang dayalekto. 


Nagpasalamat din sila sa matinding suportang natanggap at sa pagkakataong muling ibida ang bansa sa isa sa pinakamalalaking festivals sa mundo.

“To everyone watching around the world, we see you. Thank you so much for being here with us again,” ani Sheena.



“Last week it was very unforgettable and we had so much fun. But today, we’re given another chance to represent our beloved country, the Philippines, so we have to make the most out of it,” sabi naman ni Aiah.


May 10 kanta silang inawit sa kanilang 45-minutong set na sinimulan sa Strings at sinundan ng Zero Pressure, Out of My Head, Karera, at Salamin, Salamin.


Nagpaindak din sila sa Blink Twice, Cherry on Top, Blush, at Bikini, bago tinapos ang kanilang Coachella 2026 journey sa Pantropiko tampok ang dance break.


Matapos ang kanilang performance, nanguna ang #BINI_Coachella, BINI BORN FOR COACHELLA at #BINICHELLA sa top 3 worldwide trending topics sa X (dating Twitter).

Sa kanilang pagpasok sa Coachella, gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang unang Filipino group na tumuntong sa nasabing entablado. 


Ang kanilang unang pagtatanghal noong Abril 11 ay itinuring na isa sa mga highlights ng unang weekend ng Coachella, ayon sa international publications tulad ng Forbes, The Hollywood Reporter, Rolling Stone at The Guardian.


Kabilang din sa most viewed highlights ang live performance videos nila ng Pantropiko na may higit sa 5 million views at Blush na may mahigit sa 1.8 million views sa Coachella YouTube (YT) channel.


Samantala, naghain si Sen. Bam Aquino sa Senado ng Resolution No. 370 na pinupuri ang grupo sa paghahatid ng pride at karangalan sa Pilipinas at sa pagbibida ng Filipino talent sa global stage.


Panoorin ang ikalawang performance ng BINI sa Coachella YT channel Mojave stage livestream. Para sa karagdagang updates, sundan ang BINI sa Facebook (FB), X, Instagram (IG), TikTok (TT) o bisitahin ang bini.abs-cbn.com. Makisaya rin sa fandom ng BINI sa WeVerse site o i-download ang app nito.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 24, 2026



Dianne Medina Ilustre - Instagram

Photo: Dianne Medina - Instagram



Ready na ang all-female P-Pop group na BINI sa pagsabak nila sa Coachella 2026 event na gaganapin sa Empire Polo Club, Indio, California mula April 10 to 19.


Bago umalis ng bansa, isang misa ang ginanap para sa pagpunta ng BINI sa Coachella. This year’s Coachella event is the 12th edition.


Sa X (dating Twitter) account ng BINI, naka-post ang ilang pictures na kuha sa ginanap na send-off and thanksgiving mass para sa grupo.


Caption sa X, “A beautiful send-off and thanksgiving mass with the BINI Team. Ready to take on our Coachella journey with grateful hearts.”


Si Fr. Tito Caluag ang nag-officiate ng misa na dinaluhan ng BINI, ng kanilang pamilya, and their team.


Mensahe ng mga fans…


“Wishing you all the best on your BINIchella performance, our best walo. Stay safe, too, and to your entire team. Thank you for raising the flag for the nation and OPM. #BINIchella #BINIatCoachella


“Good luck, girls! Ibandera ang bandila ng ‘Pinas!”

“Good luck, Walo!”


Make us proud, BINI!





INILUNSAD ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bago nilang company, ang DM Studios, the Live Commerce and Creator Agency.


Kasama rin sa DM Studios ang beauty queen at cousin ni Dianne na si Maxine Medina.


During the press conference-launch last March 21, kinuha namin ang reaksiyon nila sa mga bashers na nagsasabing ‘nagtitinda na lang sila ngayon’.


Esplika ni Dianne, “It’s really inevitable. Tendency is, people say, ‘Ah, okay, nag-live selling na lang s’ya. Dati, artista s’ya. Baka wala na s’yang project.’ But for me, it really all boils down to your vision, your core, and your objective. Why are you doing this? What is your purpose?


“My purpose is, of course, to share my God-given talent with others. God used me as His instrument to be able to help others also. ‘Di s’ya live selling lang. We are able to help people change. You’re changing their lives.


“So ako, ‘pag sinasabi nila ‘yun, no, I’m very, very proud of my work and I take my job seriously. ‘Di ko s’ya ikinakahiya, especially if this is a decent and honest job.”

Ipinaliwanag din ni Dianne na matagumpay nilang nakuha kung anumang meron sila ngayon sa pamamagitan ng legal na paraan.


Depensa ni Dianne, “‘Di s’ya flood control project or whatever. That’s why kami talaga ni Rodjun, when we post ‘yung mga achievement namin, kasi galing sa mabuti, galing sa matinong trabaho na hard work talaga.


“Kaya talagang may respect din ako sa live sellers kasi sabi ko nga, it entails a lot of sacrifice, commitment, and dedication to be able to do this kind of job.

“And I can say itong job na live selling na ‘to, we are able to invest in a lot of properties as well. So, ‘yun talaga ‘yung nag-pave the way.


“So, sino kami para mahiya? Nandito kami to be grateful to our Lord Jesus Christ kasi binigyan Niya kami ng blessing na ganito kalaki. And we are very, very proud of this.

“And not to mention, mas nagiging open na. You can see other big celebrities also who do live selling.


“I don’t think dapat s’yang ikahiya or kailangan mong tingnan nang mababa na baka wala nang work. I don’t think ganu’n kasi mas marami na pong nagla-live ngayon, even big celebrities who have names in the industry.”


Nilalayon ng DM Studios na maging isa sa mga nangungunang live commerce na ahensiya sa Pilipinas na nagbibigay-kapangyarihan sa mga creators na bumuo ng sustainable income streams habang tinutulungan ang mga brand na makamit ang scalable digital growth sa pamamagitan ng strategic live selling.

Congrats, Dianne Medina at Rodjun Cruz!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page