top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 2, 2026



BINI PH, Thalia - Billboard IG

Photo: BINI PH, Thalia - Billboard IG



Mag-iipon na ang mga faney ng BINI, ang Blooms, para sa pakikipag-collab ng paborito nilang girl group sa Telenovela Queen na si Thalía.


Nagkita at nagkatsikahan ang BINI at si Thalía sa backstage ng Global Force Award ceremony ng sikat na international music magazine. Parehong honorees ang BINI at si Thalía that night.


Naka-post sa social media accounts ng BINI ang video ng pagkikita nila ni Thalía sa backstage. Mapapanood sa video na super-tsika si Thalía sa BINI.


For sure, aware si Thalía na taga-Pilipinas ang BINI. At once upon a time, si Thalía ang reyna ng soap operas dito sa atin kaya love niya at hindi malilimutan ang mga Pinoy.


Si Thalía ang original na gumanap sa Mexican telenovela na Marimar, Maria del Barrio, Maria Mercedes, at Rosalinda.


Natuwa pa ang BINI nang magsalita ng ilang Tagalog words si Thalía.

“Mabuhay! Salamat po,” sigaw ni Thalía sa BINI. 


Sey pa niya, “Oh, my God. I have so many beautiful memories from your country.”

Sinabi ng BINI na sana raw ay makapunta ulit sa Pilipinas si Thalía, at makipag-collab with them.


Sagot ni Thalía, “If you’ll invite me.”

Sobrang natuwa ang Blooms sa tsikahan ni Thalía with BINI.

Sey ng mga fans…


“Blooms, ambagan na. Baka wala pa pambayad ang ABS-CBN sa TF (talent fee) ni Thalía, kargo na muna ng Blooms, maitawid lang ang collab with the Mexican superstar and honorary Filipina. ‘Can you imagine?’ Yeah, let’s do this!”


“Aww!!! @thalia, gracias! Thank you for the wonderful opportunity for the #BINI girls meeting you! So exciting for a future collab with you both!”


“Waaahh, this interaction (loved emoji). Gen Z, if you only knew how huge and popular Thalía was in the Philippines back in the ‘90s, you’d totally freak out watching this.”

Agree!





Daniel, tinawag na ‘bayaw’ ni Luigi para wala nang kawala… KAILA, BUNTIS NA RAW KAYA LAGING MALUWAG ANG SUOT



PATULOY na gumugulong ang tsika na buntis diumano ang girlfriend ni Daniel Padilla na si Kaila Estrada.


Lalong lumakas ang duda ng mga netizens na true raw ang tsika sa kumalat na video ni Kaila kasama si Daniel sa birthday celebration ng aktor.


Wa’ pakels na ang magdyowa sa pagbubuyangyang ng kanilang relasyon. Todo-kapit pa si Kaila kay Daniel sa video na sinuklian ng matamis na gesture ni Daniel.


Napansin din ng mga netizens ang mga maluluwag na suot ni Kaila sa mga nakalipas na event, para raw itago ang kanyang tummy.


Dagdag pa rito ang pagtawag ng ‘bayaw’ kay Daniel ng brother ni Kaila na si Luigi Muhlach sa kanyang social media post. 


Parang inunahan na ni Igi si Daniel sa pag-announce para wala na raw kawala ang anak ni Karla Estrada.


Sa nakaraang birthday party ni Daniel, sanib-puwersa na ang pamilya ng aktor at ni Kaila. Bukod kay Luigi, nasa birthday party din ni Daniel ang iba pang kapatid ni Kaila na sina Moira at Inah, kasama ang boyfriend na si Jake Vargas. Habang naroon din ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla, kasama ang ilang kapatid na babae at anak na si RJ Padilla.


May pang-pamanhikan photo na ang ama ni Daniel na si Rommel with Kaila sa party. 

At kitang-kita pa sa kumalat na photos at videos sa socmed (social media) ang pagiging komportable ni Kaila sa pamilya ni Daniel.

Sey ng mga netizens…


“Yes, buntis na!!! Kaila Estrada, buntis na nga sa unang baby nila ni Daniel Padilla. Wow! Ang bilis naman, bakit nakabuo agad sila, pero kay Kathryn, 11 years pero walang nabuo. Talaga bang gusto na ni DJ na lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya na ‘di naibigay ni Kath at kay Kaila n’ya nakita?”


“Easy to get ka talaga, mana ka talaga sa nanay. S’yempre, kung ano ang ina, ganu’n din ang anak. M*landi nga ngayon na sinasabi ninyo kay Kath na 11 years, o sa wala pang 1 year, bumigay ka agad.”


Samantala, sa latest Instagram (IG) Story ni Kaila Estrada ay makikita na nakikipag-usap siya sa isang batang lalaki. Nagpapraktis na kaya ang aktres sa pag-aalaga ng bata?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | April 12, 2026



Mika Salamanca - Instagram

Photo: Mika Salamanca - Instagram



Pasabog ang tsika ni Dina Bonnevie sa kanyang interbyu sa dalawang ex-housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) na sina JM Ibarra at Fyang Smith.


Shocked sina JM at Fyang sa big reveal ni Dina tungkol sa isang PBB winner na kaya raw nanalo ay dahil may nag-sponsor ng P1 million votes.


Tinanong kasi ng aktres ang dalawa kung wala silang sponsor na gaya raw ng ibang nanalo sa PBB


Nagulat naman ang anak ni Dina na si Danica Sotto na katabi niya that time.

“May ganu’n ba? Saan mo nabasa?” paninita ni Danica sa ina.


Ipinagdiinan ni Dina na alam niya na merong nag-sponsor ng P1M votes doon sa PBB winner.


“Basta ang alam ko, merong nanalo. Sinabi naman, eh, na nag-donate s’ya ng P1M,” diin ni Dina.


Sabi ni Fyang, “Talaga? Wala, Ma.”


Paninita ni Dina, “Ako lang ba taga-showbiz dito? Ba’t ‘di n’yo alam ‘yan?”

Todo-react ang mga netizens sa big reveal ni Dina. At gaya ni Dina, alam na alam ng mga netizens ang tinutukoy ng aktres.

Sey ng mga Marites…


“It’s Mika Salamanca, from Dogie. And I think naman valid ‘yun since gusto nila support si Mika. PBB is all about voting din naman.


“Fyang and Mika. But from what I see, there’s nothing wrong with that. Mika is super close with Dogie, Zeinab and other influencers who supported Mika, there’s nothing wrong with that. That just means Mika became a good friend, that’s why her big-shot friends supported her.”


“Ano’ng juicy du’n? Eh, the public knows it’s Mika. Ba’t ginagawang issue ‘to? LOL (laugh out loud).”

‘Yun na!





Pinoy pride raw…

KIM, PROUD NA PROUD SA BINI NA NAG-PERFORM SA COACHELLA



Binati ni Kim Chiu ang BINI sa matagumpay na performance nila sa Coachella kahapon.

Hindi naitago ni Kim ang pagiging proud bilang Pilipino para sa BINI, kaya nag-post siya ng kanyang reaksiyon sa X (dating Twitter).


Say ni Kimmy, “HUGE, HUGE, HUGE Congratulations @BINI_ph for someone na nanood ng Coachella on YouTube (YT)! Iba pala ‘pag Filipino songs napapanood at napapakinggan!! #representation at its finest!!! Congratulations to everyone behind BINI and of course #BINI galing!!! (Philippine flag).”


Natuwa ang mga fans ng BINI sa pagbati ni Kim.

Sey nila… “Thank you, Kimmy! Dahil d’yan ... Oh kalami (masarap), oh kalami.”

“Thank you so much, idol Kim Chiu BINI P-POP PRIDE!”

“Thank you po, Ms. Kim. Kayo ang icing sa aming ‘cherry on top’.”

“Our very own BiniKimmy.”


Totoo namang Pinoy pride ang inihatid na performance ng BINI sa Coachella.

Gumawa sila ng kasaysayan with their Coachella debut noong Sabado, April 11 (Philippine time), bilang kauna-unahang Filipino act na nakapag-perform sa sikat na music festival.


Ang nation’s girl group ay nag-perform sa entablado ng Mojave suot ang kanilang outfit na ipinares sa gintong salakot bago ipinakita ang kanilang makintab na mga piraso ng beaded sa asul, berde, at ginto.


Kinanta ng BINI ang kanilang dating hits at bagong mga kanta sa Mojave stage, starting their set with Shagidi, followed by other crowd favorites gaya ng Zero Pressure, Karera, Cherry on Top, Salamin, Salamin, Blink Twice, and Bikini.


Ipinerform din ng BINI ang kanilang bagong labas na kanta titled Blush live for the first time.


And for their last song, tinapos nila ang kanilang performance sa awitin nila na pinamagatang Pantropiko.


Naka-schedule ang P-pop act to return to the Coachella stage on April 17.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
BINI x ENHYPEN / TikTok

Nakipag-collaborate ang Filipino girl group na BINI sa K-Pop boy group na ENHYPEN sa Los Angeles. Nitong Lunes, nag-post ang ENHYPEN ng video sa TikTok na nagpapakita ng mga miyembro na sina Jay, Heeseung, at Sunoo na sumasayaw sa kanilang kanta na “XO (Only If You Say Yes)” kasama ang mga miyembro ng BINI na sina Colet, Stacey, at Sheena.


“X O in LA (with #BINI) #Colet #Stacey #Sheena #SUNOO #JAY #HEESEUNG #ENHYPEN_XO #OnlyIfYouSayYes #ENHYPEN @bini_ph,” saad sa description ng video. Habang isinusulat ang balitang ito, nakakuha na ang TikTok video ng 13 milyong views, higit sa 2.9 milyong likes, at higit sa 117,000 comments.


Kilala sina Colet at Sheena bilang mga ENGENES (ENHYPEN fans), kaya naman masaya ang mga Blooms (BINI fans) para kay Sheena na nakakuha ng signed album at photocard mula sa ENHYPEN. Parehong nag-perform ang ENHYPEN at BINI sa KCON LA 2024 sa Los Angeles noong Hulyo 27.


Itinanghal ng BINI ang “Cherry on Top” sa “M Countdown” preshow ng KCON LA sa Crypto.com Arena. Nag-headline naman ang ENHYPEN sa “M Countdown” main show kasama ang g.o.d, Jo Yuri, ME:I, NMIXX, at TWS.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page