top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 29, 2023


ree

Viral sa social media ang bagong post ni Joey de Leon tungkol sa kasal ni Maine Mendoza kay Congressman Arjo Atayde kahapon, Biyernes (July 28) sa Baguio City.


Sa Instagram ng TV host ay ibinahagi niya ang lovely photo nila ni Vic Sotto kasama si Maine at nilagyan niya ito ng caption na: “From Kalye-serye to KASAL-SERYE. All the best wishes, Menggay! 14344!”


Sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon ay pare-parehong ninong sa kasal ng dalawa. Sa Facebook page ng News5, ipinost nila ang picture nina Maine at Arjo na may nakalagay na “Today is the day! Kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.”


At ang inilagay nilang caption sa naturang larawan: “THE WEDDING! Ngayong araw na ang kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City. Ano’ng wish n’yo sa #ArMaine?


#News5.”


Inulan naman ng mga congratulatory messages ang post ng News5 tungkol sa kasalang Arjo-Maine…


“Congratulations and best wishes to the new couple!”


“Let the Lord be the center of your marriage. Best wishes!”


“May the Good Lord bless, guide and keep you both in His loving arms… Congrats and best wishes to you, Maine and Arjo and to the happy parents!”


Marami ang nag-abang sa social media kahapon sa mga lalabas na wedding photos nina Arjo at Maine, pero sa kasamaang-palad, bigo ang mga naghihintay na masilayan ang mga kaganapan sa kasal.


May nakarating sa aming chika na pinagbawalan daw ang mga dumalo na maglabas ng mga pictures sa naganap na kasalang Maine-Arjo.


Kaya mag-abang na lang tayo na ang mismong mga ikinasal ang mag-post sa kani-kanilang socmed account ng kanilang pag-iisang-dibdib.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | April 18, 2023



ree

May nakaka-touch na mensahe na ipinost si Sylvia Sanchez sa kanyang IG account para sa kanyang soon-to-be daughter-in-law na si Maine Mendoza.


Kasama ang isang short video habang nakasakay sa roller coaster sina Cong. Arjo Atayde at Maine, panimula ng premyadong aktres, "Watching this brings back so many memories!"


Dagdag pa niya, "Dati, 'pag gusto mong mag-roller coaster, ayaw mong sumakay mag-isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na, bata pa lang, wala pa ring ipinagbago, sigaw at tawa ka pa rin. Hahaha!"


Dagdag pa niya, "Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo. Ako 'yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo's constant adventure buddy!


"Thank you, Maine! My heart is full! Love you both."


Sagot naman ng anak na actor, "Thank you, Ma!!! I love you more!" at pinusuan naman ito ni Maine, ganu'n din ang reaction ni Bea Alonzo.


Totoong-totoo naman ito, dahil nasaksihan namin si Sylvia, na ganu'n talaga siya katapang sa mga rides at walang inuurungan, kaya siya palagi ang niyayaya ng mga anak, pati na ng mga pamangkin.


Ramdam din namin ang pagsigaw ni Arjo sa tuwing sumasakay mga nakakatakot na rides, dahil ganu'n din ang ginagawa namin, para mag-enjoy at mabawasan ang takot.


Kaya naman marami rin ang humahanga kay Maine na chill na chill lang siya, habang ang dyowa niya ay ang sarap ng pagsigaw at kitang-kita ang kaligayahan sa mga sandaling 'yun.


Anyway, ang gaganda ng mga comments sa post na ito ni Sylvia at marami talaga ang natuwa at na-touch.


Sey ni Sunshine Garcia, "Awww! Napaka-sweet na mother-in-law."


Comment ni Christine Bersola-Babao, "At nakakabilib si Maine kasi siya, chill lang, parang dedma sa thrill ride. Hahaha! Kung ako 'yan, wala na akong boses sa kakasigaw!!"


ree

Sabi naman ng cousin na si Marivic Nieto, "Naiyak naman ako du'n, cousin... It's so hard to feel that you have to let go, but on the other hand, masaya ka kasi he finally found his real happiness and his forever. Pero siyempre, ang nanay pa din ang #1."


Narito pa ang mga comments ng mga netizens at followers ng ArMaine…


"@mainedcm, you are so blessed with this beautiful and loving family. God bless you and Congressman @arjoatayde."


"Hahaha! Si Meng, parang wala lang. Dapat kay Meng, pasakayin sa trip to Mars. Tingnan ko kung ganyan pa rin reaction niya. Hahaha! Si Arjo talaga ang nagdala. I love #Armaine."


"I used not to like Arjo for Maine, simply because I was an AlDub fan... but seeing how happy Maine is and how Arjo makes Maine happy... gusto ko na rin sila. I wish you both happiness forever."


"Sana all... sana ganyan din ako tulad ni Maine, if makasakay ako ng roller coaster... chill at kalma lang."


Sabi naman ng isang taga-Kenya, "Hello, Slyvia. You are the best mom on our screens and I hope in real life too."


Anyway, patuloy ngang ipinapalabas ang huling serye na nagawa ni Sylvia sa iba't ibang bansa, ang Huwag Kang Mangamba kung saan gumanap siya bilang si Barang, at ang iba pa niyang teleserye tulad ng Hanggang Saan bilang si Sonia.


For sure, marami na rin ang naiinip kung kailan siya muling gagawa ng teleserye at siguro naman, magkakaroon na ulit siya this year. Siguro ay nagiging mapili lang siya sa role na kanyang tatanggapin dahil dapat ay kakaiba naman at hindi pa niya nagagawa.


Tiyak na masusubukan na naman ang husay niya sa pag-arte, kaya abangan na lang natin ang kanyang announcement.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page