top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Ka Ambo @Bistado | June 24, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Inihayag kapwa ng ERC at Meralco na walang “disconnection” sa mga unpaid bills sa buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo.

Disconnection po ang inihayag, pero magbabayad pa rin tayo—matatabunan ng utang.


----$$$--

Nagkabombahan na naman ang Iran at US.

Lintek, ayaw pang magsitigil!

Para silang pulitikong Pinoy: Propaganda kontra-propaganda!


----$$$--

LOLOBO na naman ang presyo ng petrolyo.

Masasabay d‘yan ang paglobo ng singil sa elektrisidad.


----$$$--

TULOY ang impeachment trial kay VP Sara.

Sa bandang huli, absuwelto rin.

Nag-ubos ng pondo, nag-aksaya ng oras, at nagsayang ng enerhiya.


----$$$--

PAGDATING ng Enero 2027—ilang buwan bago ang 2028 presidential elections—ibang-iba na ang “hilatsa ng pulitika”.

Hindi na isyu ang impeachment, balik sa flood control scam.


-----$$$--

NAPAKALAKING isyu ang flood control scam sa presidential elections.

Hindi na kailangan ang debate r’yan.

Ika nga ng mga botante, “alam na this!”


----$$$--

KUNG dating solido ang boto ng Iglesia ni Cristo, lalong magiging sintigas ito ng asero.

Makakakuha kaya ng boto at endorse sa INC ang mga “manok” ni PBBM?


----$$$--

RAMDAM na ramdam ang pagdarahop.

Kaliwa’t kanan ang pagnanakaw, holdap at mga krimen!


----$$$--

SA pagdarahop, kakambal dito ang prostitusyon.

Kaawa-awa ang mga paslit.


----$$$--

KAAKIBAT din ng pagdarahop ang pagdami ng kaso ng pagkabaliw.

At siyempre, ang karumal-dumal na krimen—at pagpapatiwakal.


-----$$$--

MAGSASARADO ang malalaki at maliliit na negosyo dahil sa krisis.

Ang isyung ekonomiya ang dapat na agenda sa Kongreso. At habang may diskusyon at argumento, magsuot din sila ng robes.

Kumbaga, “hoodlum in robes!!”


---$$$--

SOLIDO at kinikilala raw ng 14 bansa ang Arbitral Ruling ng United Nations na pumabor sa Pilipinas.

Ilang bansa ba ang buong daigdig?

Nasaan ang ASEAN?




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 14, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TOTOO BANG LUMALAGANAP NA NAMAN ANG COVID-19 O DAHILAN LANG ITO PARA HINDI MAKAPAG-ISYU NG PERMIT SA MGA MAGSASAGAWA NG ANTI-MARCOS RALLY? – Matapos iulat ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na dumami ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, nanawagan naman ang Manila LGU sa publiko na magsuot ng face mask, pairalin ang social distancing at umiwas sa matataong lugar dahil umano'y muling lumalaganap ang coronavirus sa Metro Manila.


Totoo ba ito, o ginagamit lang ang isyu ng COVID-19 bilang dahilan para higpitan ang pagbibigay ng permit sa mga magsasagawa ng anti-Marcos rally?


Noong June 30 at July 1, 2026 ay nagsagawa ng anti-Marcos rally sa EDSA Shrine sa Quezon City, habang noong July 2 at July 10, 2026 ay nagkaroon din ng mga protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.


Kung totoong muling lumalaganap ang COVID-19, nararapat lamang na mag-ingat ang mamamayan. Pero kung hindi naman ito totoo at ginagamit lang bilang dahilan para higpitan ang permit sa mga magpoprotesta, mali iyon dahil karapatan ng taumbayan ang magpahayag ng kanilang saloobin laban sa mga polisiyang sa tingin nila ay mali. Period!


XXX


HINDI DAPAT PALUSUTIN SA KASONG PLUNDER SI TED HERBOSA KAHIT NAG-RESIGN NA SIYA SA DOH – Nagbitiw na sa puwesto si Sec. Ted Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).


Si Herbosa, kasama sina Executive Secretary Ralph Recto at Finance Secretary Frederick Go, ay sinampahan ng kasong plunder ni health advocate Dr. Tony Leachon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano'y pagsasabwatan sa paglilipat sa Bureau of the Treasury (BTr) ng mahigit P60 bilyong reserve funds ng PhilHealth at P107 bilyong pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).


Sana naman, kahit nagbitiw na si Herbosa sa kanyang puwesto, ay hindi siya palusutin ng Ombudsman sa kinahaharap niyang kasong plunder. Boom!


XXX


MAY MGA NEGOSYANTENG PUMAPASOK SA PULITIKA PARA LANG MAGNEGOSYO SA GOBYERNO – Sinabihan ni Ombudsman Boying Remulla ang mga negosyanteng pulitiko na iwasan ang conflict of interest dahil isa ito sa mga ugat ng korupsiyon.

Ayon sa kanya, kung magnenegosyo, magnegosyo na lang at huwag nang pumasok sa pulitika.

May punto si Ombudsman Remulla. Sa totoo lang, may mga negosyanteng pumapasok sa pulitika na ang hangad lang kapag nanalo sa eleksyon ay gamitin ang kanilang kapangyarihan para sa negosyo sa gobyerno, sa halip na maglingkod sa mamamayan. Period!


XXX


MGA SMUGGLER NA SINA 'GERRY T.' AT 'KIMBERLY GANG', MARCOS LOYALISTS DAW KAYA UNTOUCHABLES SA CUSTOMS – Napaka-"untouchables" umano sa Customs nina "Gerry T." at ng "Kimberly Gang."


May impormasyon kasi na halos lahat ng kanilang mga "epektos," tulad ng smuggled meat, gulay, plastic resins at ukay-ukay, ay naipupuslit palabas ng Customs.


Ang dahilan umano kung bakit walang nangangahas na hulihin at kasuhan ang mga ito ay dahil sinasabing mga Marcos loyalists sila. Boom!


 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 14, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Kamakailan lamang ay nagtungo ako sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang kumpirmahin ang balita ng mga kapitbahay ko na ang dati kong asawa ay nagpalit ng relihiyon at naging Muslim upang magpakasal sa ibang babae. Laking gulat ko nang makita ko ang kopya ng aming marriage certificate at doon ay may anotasyon na nagsasabing ang aming kasal ay napawalang-bisa na sa bisa ng divorce decree na iginawad ng Shari’ah court. Nais ko lamang pong itanong kung legal po ba ang nangyaring ito?  — Margarita





Dear Margarita,


Sa kasong Malaki and Salanatin-Malaki vs. People of the Philippines, G.R. No. 221075, 15 Nobyembre 2021, sa panulat ni Honorable Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, sinabi ng Korte Suprema na ang isang partido na naunang ikinasal ng huwes, na kinalaunan ay lumipat sa relihiyong Islam at nagpakasal muli sa kabila ng kanyang naunang kasal, ay maaaring mahatulan ng kasong Bigamy.


Ang batas na ginawang batayan ng Korte Suprema sa paggawad ng desisyon sa nasabing kaso ay ang Presidential Decree No. 1083, o ang “Code of Muslim Personal Laws of the Philippines,” na naglalayong kilalanin at ikodigo ang sistemang legal ng mga Muslim sa Pilipinas. Batay sa nasabing batas:

 

“Article 13.  Application. — (1) The provisions of this Title shall apply to marriage and divorce wherein both parties are Muslims, or wherein only the male party is a Muslim and the marriage is solemnized in accordance with Muslim law or this Code in any part of the Philippines.


(2) In case of marriage between a Muslim and a non-Muslim, solemnized not in accordance with Muslim law or this Code, the Civil Code of the Philippines shall apply.”


Sa iyong sitwasyon, ang pagpapalit ng relihiyon ng iyong asawa ay hindi maaaring gawing kasangkapan para magsampa ng petisyon upang ikaw ay kanyang idiborsyo.  Malinaw ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines sa pagsasabi na ang batas na ito ay sumasaklaw lamang sa kasal o diborsyo kung saan:


  1. Ang parehong partido ay mga Muslim; o

  2. Ang partidong lalaki lang ang Muslim at ang kasal ay isinagawa alinsunod sa Batas Muslim o sa nasabing kodigo.


Dagdag pa rito, napapaloob din sa pangalawang Talata ng parehong Artikulo na kung sakaling ang kasal ay sa pagitan ng isang Muslim at hindi Muslim, at ang nasabing kasal ay isinagawa hindi alinsunod sa Batas Muslim o sa nasabing kodigo, ang Bagong Kodigo Sibil ng Pilipinas (New Civil Code of the Philippines) ang susundin.


Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ang inyong kasal ay hindi ganap na naipawalang-bisa sa ilalim ng Batas Muslim dahil ang petisyon para sa diborsyo ng iyong asawa ay hindi dumaan sa tamang proseso.  Dagdag pa rito, dahil hindi ganap na naipawalang-bisa ang inyong kasal, kaya ang pangalawang kasal niya ay maituturing na bigamous. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page