top of page
Search

ni Info @News | December 26, 2025



NPA - Circulated

Photo: File



Umakyat na sa 112 ang ulat ng mga nabiktima ng paputok ngayong Linggo, Disyembre 28, habang papalapit ang Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).


Ayon sa report, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamaraming kaso na nasa 52 habang pumapangalawa naman ang Ilocos Region na nasa 12.


Kasama rin sa listahan ang Central Luzon na nasa 9 ang biktima habang parehong bilang din ang naitala sa Western Visayas.


Gayunpaman, nananatili umano itong mas mababa ng 26% sa parehong period na Disyembre 21 hanggang Disyembre 28 noong 2024.


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



CCG rescued Fil fisherman - Chinese Embassy Manila

Photo: Chinese Embassy Manila



Nagbigay ng humanitarian assistance ang Chinese Navy Ship 174 sa isang Pilipinong mangingisda matapos makaranas ng engine failure sa South China Sea nitong Huwebes, Disyembre 25.


Nag-abot ang mga ito ng pagkain at tubig sa mangingisdang tatlong araw na umanong na-stranded.


Kaugnay nito, matagumpay na na-rescue ng BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang mangingisda.


Bagama't kinikilala ng PCG ang umano’y pagtulong sa mangingisda, may ilang naging paglilinaw si PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa naturang insidente.


Ayon kay Tarriela, walang naging koordinasyon sa kanila ang People’s Liberation Army (PLA) Navy patungkol sa kondisyon ng mangingisda, at hindi totoong tatlong araw na itong stranded dahil kaagad din siyang nakita ng motherboat at ng PCG wala pang 24 oras nang umalis ito para pumalaot noong Disyembre 24.


Iginiit din nito na ilegal ang operasyon ng mga barko ng China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.


“We hope this incident is not exploited as propaganda by China. Instead, it should serve as recognition that Filipino fishermen have full rights to fish in the waters around Bajo de Masinloc,” ani Tarriela.


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



Sara Duterte

Photo: File / Inday Sara Duterte / FB



‘FOR THREATS AND HARASSMENTS’


Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad na muling magsampa ng impeachment complaint laban sa kanya.


Ayon kay VP Sara, pagod na ang taumbayan sa usaping ito dahil wala namang mailapag na ebidensyang magpapatunay dito.


“Nakikita naman natin na wala talagang ebidensya ‘yung kanilang mga reklamo. Totally for threats and harassment lang,” aniya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page