top of page
Search

ni Jeff Tumbado / Benjamin Chavez @News | October 6, 2023




Sumuko na sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na pulis na isinasangkot sa pagpaslang sa 17-anyos na binatilyo na si Jemboy

Baltazar sa Navotas City.


Ang nasabing pagsuko ng mga pulis ay kasunod ng paglabas ng arrest warrant sa kasong murder laban sa kanila ni Presiding Judge Pedro Dabu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286.


Araw ng Miyerkules, Oktubre 4, nang sumuko sa tanggapan ng CIDG Provincial Headquarters sa Camp Nakar, Lucena City sina Police Executive Master Sgt. Roberto Balais, Jr.; Police Staff Sgt. Gerry Maliban; PSSgt. Antonio Bugayong, Jr.; PSSSgt. Nikko

Pines Esquilon; Police Cpl. Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada, dating

mga nakatalaga sa Station Drug Enforcement Group ng Navotas City Police Office.


Agad sumalang sa booking process at documentation ang mga pulis na kapwa napatunayang nagkasala sa pagpatay kay Baltazar noong Agosto 2 sa pumalpak na operasyon dahil napagkamalan lamang ang binatilyo na suspek.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | October 6, 2023




Sa harap ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City nagkasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Gabriela upang kondenahin ang pagpaslang sa lider at organisador ng mga manggagawa na si Jude Fernandez kamakailan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page