top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni MC / Gerard Peter - @Sports | February 1, 2021





Tatargetin umano ni undefeated American boxer Ryan "KingRy" Garcia na ma-knockout si 8th Division world champion Manny Pacquiao sakaling matuloy ang niluluto nilang laban.


Ito ang naging pangako ni Garcia sakaling matuloy ang tapatang “Pacman” at “KingRy” kahit na hindi na itataya ng nag-iisang eight division World champion ang World Boxing Association (WBA) welterweight title at lalabas lang na isang exhibition match ang laban.

Inihayag ng ama ni Ryan na si Henry Garcia na kahit isang exhibition match lang ang salpukan ay asahang magiging isang totoong laban ang harapan ng Filipino legendary icon at rising star athlete.“He's 20 years younger than Pacquiao and we feel that's to our advantage and that's one of the reasons why I feel it's a changing of the guard fight - it's our time,” wika ng matandang Garcia. “We don't know exact details yet but we're looking at a good 10-rounder but it's going to be a real fight, that I do know.”


Nauna ng inilahad ng WBC interim lightweight champion sa kanyang social media account na ang pinapangarap lang na laban ay mistulang magkakaroon ng katotohanan. Sinundan din ito ng ulat mula sa report ni Mike Coppinger ng The Athletic noong nakaraang linggo na kasalukuyang mayroong nagaganap na ‘panimulang pag-uusap’ sa pagitan ng mga kampo nina Pacquiao (62-7-2, 39KOs) at Garcia (21-0, 18KOs).


Everybody has agreed, all there is left are the details. But both parties have already agreed; promoters have agreed, sanctioning bodies have agreed, so we're very close to sealing the deal. We're going to know this week if everything goes through, we're negotiating today, they are already in discussion,” pahayag ni Henry Garcia. “It's not bizarre, it's just two people who want to fight each other; Ryan's fighting a legend and Pacquiao's fighting a rising star, so it's not awkward at all. What I do know is both fighters want to fight each other and it's going to be for real - it's going to be a real fight. Ryan always admired Pacquiao and always wanted to fight a legend before his time was up, he wanted to fight someone of Pacquiao's caliber, so there's a chance it could happen."


Kasalukuyang lumalaban sa lightweight division si Garcia, at iminungkahi ng ama nito na maaaring magkasundo sila sa isang catch-weight sa 143-pounds na idinagdag pang puwede umanong mangyari sa Abril o Mayo sa Texas. “I'd like that fight at 143 and I'd love that fight to happen in April or May. This one is possibly going to be in Texas, we're not sure yet.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | February 1, 2021




Nagsimula na sa indibidwal na pagsasanay ang ilang mga koponan sa PBA, ngunit nananatili pa ring walang malinaw na pagbubukas ng panibagong season ng pinakamatandang liga sa Asya.


Muling nabigyan nang basbas ang ilang mga koponan upang magdaos ng mga pagsasanay ng iba’t ibang lokal na pamahalaang lungsod, gayundin ang pagsusuri ng Games and Amusement Board (GAB) sa mga pasilidad na ginagamit ng mga ito.


Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial na nakumpleto na ng ilang koponan ang mga kinakailangang requirements upang mabigyan nang permiso ng mga nasasakupang local government units (LGUs) at GAB hinggil sa mga safety measures at health protocols, isa na rito ang pagkuha ng swab testing. “Pinayagan na ng ilang teams ng LGUs at na-inspeksyon na ng GAB yung mga lugar na pinag-practice nila,” wika ni Marcial.

Iniangat na sa limang manlalaro kasama ang limang iba pa na binubuo ng coaches at physical therapists ang maaaring makapagdaos ng pagsasanay sa loob ng gymnasium. Matatandaang limitado lamang nung una sa apat na manlalaro kasama ang dalawa pang coach ang magkakasama sa loob ng gym.


Gayunpaman, binigyang-diin ni Marcial ang mahigpit na pagpapatupad sa kautusan ng pamahalaan hinggil sa pagsunod sa health at safety protocols, higit na ang hindi pagkakaroon ng mga scrimmages sa oras ng pagsasanay.


Lumabas sa report na nagsimula ng magbukas ng pagsasanay ang mga koponan ng Philippine Cup runner-up TNT Tropang Giga at NLEX road warriors, habang magsisimula mula ngayong Lunes ang workouts ng Meralco Bolts, NorthPort Batang Pier at San Miguel Beermen, samantalang inaasahang magsusunuran ang mga nalalabing koponan sa linggo, kabilang ang reigning champion Barangay Ginebra na umano'y magsisimula sa huling linggo ng Pebrero.


Inamin ng 59-anyos na ika-10th commissioner ng liga na kahit pa nagsisimula ng magpakondisyon ang mga manlalaro ng bawat koponan ay hindi pa rin malinaw kung kailan ang pinal na pagbubukas ng 43rd season ng Philippine Cup, dahil patuloy na naninindigan ang board of governors na antayin munang magkaroon ng bakuna ang bawat manlalaro at coaching staff.


Nitong Huwebes ay inatasan si Marcial na makipag-usap sa Red Cross at sa pinuno nitong si Sen. Richard Gordon na makabili ng mga bakuna laban sa coronavirus disease (Covid-19), partikular na ang AstraZeneca at Moderna para magamit ng mga koponan.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | January 31, 2021



Pambuwena-manong panalo ngayong taon ang ibinulsa ni dating national karateka Orencio James “OJ” De los Santos nang mapagwagian ang kampeonato sa katatapos lang na 2021 Sportsdata eTournament World Series #1 online competition.


Ito ang kauna-unahang gintong medalya ng kasalukuyang World No.1 online karateka para sa taong 2021, matapos ang matagumpay na pagsukbit ng kabuuang 36 gold medals noong 2020.


Winalis ng 30-anyos na dating 2017 Southeast Asian Games Individual kata bronze medalist ang mga kalaban mula France, Norway, Germany at South Africa para magsilbing motibasyon pa sa mga darating na online-virtual meet sa hinaharap.


Winning my first gold in the most prestigious virtual karate tournament is a great motivator for me to start this year,” wika ng De La Salle University graduate sa panayam ng Bulgar sa online interview.


Unang sinipa nito sa kompetisyon si Frenchman Nicolas Perea sa iskor na 24.9-23 sa Round of 16, sabay sinunod na payukuin si Norwegian Cornelius Johnsen via 24.5-23.1 sa quarterfinals. Nilampaso naman nito sa semifinal match si Bayersicher Karate Bund E.V. representative Nawapon Pattanasakoo sa pamamagitan ng 24.6-23.8, habang kinumpleto nito ang championship match laban sa isa sa mahigpit na katunggali na si South African Silvio Cerone-Biagioni sa final score na 25.3-24.5.


Bago matapos ang 2020 ay nagawa pang kumana nito ng tatlong magkakasunod na Grand Winner Titles sa pamamagitan ng Katana International League #5 – Super Final, Golden League Karate E-Tournament #4 – Grand Final at E-Karate Games Grand Winner 2020.


Ilan sa mga naging kampeonato ng multi-titlist ng Philippine National Games (PNG) nung nakaraang taon ay ang Okinawa E-Tournament World Series #3, 3rd Dutch Open E-Tournament at Athlete’s E-Tournament, 3rd leg ng E-Champions Trophy Series, ang unang hat trick nito na ROME International ENDAS Karate Cup, 2nd Euro Grand Prix at E-Karate Games #3. Ang ika-26th titulo sa Venice Cup 2020 #3 E-kata Tournament ranked event-cash award, Katana Intercontinental Karate League E-Tournament #4 E-Kata Seniors male 16-years and older Top 8, 5th edition ng SportData eTournament World Series, at ang mga tagumpay sa Golden League Karate E-Tournament #3, E-Champions Trophy World Series 2, Okinawa, Nox Dojo Markham City Open eTournament at Athlete’s E-Tournament #2.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page