top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 19, 2026



TALKIES - INAH AT JAKE, BOTO KAY DANIEL PARA KAY KAILA-IG _inah & FB Circulating (Daniel & Kaila)

Photo: IG _inah & FB Circulating (Daniel & Kaila)



Inamin ng aktres na si Inah de Belen na ang kanyang ina, ang multi-awarded actress na si Janice de Belen, ang unang nagmungkahi na magsama na muna sila sa iisang bahay ng kanyang longtime boyfriend na si Jake Vargas.


Ibinahagi ito ng magkasintahan nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Tinanong ni Boy Abunda si Inah kung bakit sila nagdesisyong mag-live-in.

Tanong ni Boy, “You’ve lived together for five years now. Bakit kayo nagdesisyon na mag-live-in?”


Ipinaliwanag ni Inah na may nangyari sa kanyang buhay limang taon na ang nakalipas na naging dahilan upang imungkahi ng kanyang ina ang setup na iyon.


Saad ni Inah, “Actually, Tito Boy, something happened five years ago. So I think my mom was the one who suggested na, ‘Bakit hindi na lang kayo mag-live-in?’ Kasi during that time also, I was always not at home anymore. Halos every day, every week, s’ya (Jake) na ‘yung kasama ko. That was also the time na parang sabi ng mom ko, ‘Why don’t you guys live together?’”


Nang tanungin ng King of Talk na si Boy kung ano ang naging reaksiyon niya sa mungkahi ng ina, sinabi ni Inah na nagulat siya noong una, bagama’t napag-uusapan na rin nila ni Jake ang posibilidad na magsama sa iisang bahay.


Aniya, “Nu’ng una, s’yempre, Tito Boy, nagulat ako kasi sabi ko nga, ‘Totoo ba ‘to?’ But then, leading up to that, I had already thought about it. We were talking about it na rin, pero ‘di naman kami talaga nagpaplano na, ‘O, ito, gagawin natin, ha? Let’s talk to my parents about it.’ So, when she said that, parang ‘yun na rin siguro ang blessing n’ya, na okay for you guys.”

Samantala, inamin din ni Jake Vargas na nagulat siya sa mungkahi ni Janice.

Saad ni Jake, “Nagulat din ako, Tito Boy.”


Nang tanungin kung kinabahan ba siya sa desisyong mag-live-in, sinabi ng aktor na marami rin siyang naisip noong una.


Aniya, “Medyo. Kasi magli-live-in na kami, iba kasing usapan ‘yun. Ang daming tanong—kaya ba namin? Siguro, iniisip ko na lang, love naman namin ang isa’t isa, kaya siguro makakaya naman namin.”


Sa panayam, napag-usapan din ang kapatid ni Inah na si Kaila Estrada at ang karelasyon nitong aktor na si Daniel Padilla.


Tanong ni Boy, “Boto ba kayo kay DJ (Daniel Padilla)?”

Agad namang sumagot si Jake ng “Yes.”


Samantala, sinabi ni Inah na nakikita niyang masaya ang kanyang kapatid sa piling ni Daniel.


Saad ni Inah, “You know what, Tito Boy, the many times that we’ve been spending time with them, nakikita ko na okay s’ya at masaya ‘yung kapatid ko (Kaila Estrada). And you know what, boto ako sa happiness ng kapatid ko. And when I see them together, happy sila.”

Well, in fairness, tipong love na love nina Daniel at Kaila ang isa’t isa, tulad din nina Inah at Jake, ‘di ba naman, madlang people?





NILINAW ni JAMSAP Entertainment Corporation President at CEO Jojo Flores na wala na siyang anumang koneksiyon sa Jams Artist Production. 


Aniya, nakatuon na ang kanyang buong panahon, atensiyon, at pamumuno sa patuloy na pagpapatatag at pagpapalawak ng JAMSAP Entertainment Corporation, JAMSAP TV at JAMSAP Entertainment Academy.


Ayon kay Jojo, mahalagang maging malinaw sa publiko na ang JAMSAP Entertainment Corporation at ang Jams Artist Production ay dalawang magkaibang entidad.


“Iba na ang direksiyong tinatahak ko. Ang buong pokus ko ngayon ay ang pagpapalago ng JAMSAP Entertainment Corporation at ang pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong may talento sa pamamagitan ng JAMSAP TV at JAMSAP Entertainment Academy,” ani Jojo.


Dagdag pa niya, isa rin itong panibagong yugto sa kanyang personal na buhay.

Aniya, “Single na rin po ako at buong puso kong tinatanggap ang bagong kabanatang ‘to. Ang lahat ng aking oras, lakas, at dedikasyon ay ilalaan ko sa aking pananampalataya, pamilya, negosyo, at sa pagtulong na matupad ang mga pangarap ng mas maraming kabataang Pilipino.”


Patuloy namang pinalalawak ng JAMSAP Entertainment Corporation ang mga programa at inisyatiba nito sa larangan ng entertainment, digital media, sports, at talent development. Layunin nitong makapagbigay ng positibong impluwensiya at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipinong may talento.


Nananatiling gabay ni Jojo ang kanyang personal na paninindigan na, “Every dream is valid.”


At ito ang mensaheng nais niyang iparating sa bawat nangangarap, “Be the change that you wish to see in the world.” 


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 19, 2026



SPECIAL - IVANA, NAKIRAMAY SA RIDER NA HINOLDAP AT PINATAY, ANAK DINALAW DIN-IG _ivanaalawi

Photo: IG _ivanaalawi



Na-touched ang maraming mga kababayan natin sa ginawa ni Ivana Alawi na pagdalaw sa burol ng namatay na 46-anyos na motor taxi rider na si Fabio Norberte, Jr. matapos holdapin at saksakin ng ice pick ng pasaherong nagpahatid sa kanya sa Caloocan City nu’ng July 14.


Napakasimple ni Ivana nang dumating sa burol, naka-plain black blouse at pants lang ito at parang wala pang make-up.


Nagdala si Ivana ng ilang boxes ng gatas at diaper para sa 3-year-old na lalaking anak na naulila ng rider. Namatay na rin daw ang nanay ng bata kaya ang lola na lang ang nag-aalaga rito. 


Wala pa kaming natanggap na info kung nagbigay din ng cash ayuda si Ivana, pero knowing her, sa sitwasyon ngayon ng naulilang bagets, eh, kusang-loob siyang magbibigay sa taba ng kanyang puso.


Ang ikinatutuwa at ikinapupuri ng mga netizens kay Ivana sa nag-viral na photos niya sa naturang burol ay naglalaan talaga ito ng oras para iparamdam ang kanyang pakikiramay at pagtulong sa mga kababayan nating may pinagdaraanan.


Sa kabila ng busy schedule ni Ivana, personal pa rin itong nagpupunta sa mga taong gusto niyang tulungan. Hindi raw lahat ng artista ay tulad niya. ‘Yung iba, makakaalala lang kapag panahon ng eleksiyon o ‘yung iba naman, kundi magpo-promote ng pelikula o TV show, eh, gagamiting content sa vlog.


In fairness kay Ivana, kahit naman nu’ng pandemic, consistent talaga siya sa pagtulong. Kaya sa mga nag-iisip na “pampapogi” lang niya ito ngayong naba-bash siya dahil sa kanyang iPhone giveaway promo na para raw sa ine-endorse niyang online gambling, eh, inggit-pikit na lang kayo. 





3 lang daw ang kuwarto sa condo…

MIKA, IKAMAMATAY DAW ANG P39K NA BILL SA KURYENTE



MIKA, IKAMAMATAY DAW ANG P39K NA BILL SA KURYENTE


NALOKA at talagang ikina-shocked ni Mika Salamanca ang kanyang latest Meralco bill na umabot sa P39 thousand!


Sa kanyang latest Instagram reel, habang nasa loob ng kanyang van at bumibiyahe ay may pa-“kuryente bill reveal” ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner at siya mismo ay na-shocked nang makitang umabot nga sa ganu’n kalaki ang kanyang babayaran ngayong buwan.


Ang sentimyento ni Mika, lagi raw siyang wala sa bahay dahil busy sa kanyang showbiz career at tatlo lang naman daw ang rooms sa condo niya, may isang TV, isang electric fan at bihira ring gamitin ang oven.


Well, hindi naman nag-iisa si Mika sa pambubulabog sa Meralco dahil sa sobrang taas nga ng singil sa kuryente.


Kaya nang sabihin ni Mika na ikamamatay niya ang pagbabayad ng ganito kataas na bill sa kuryente, eh, tiyak na relate much ang marami sa kanya, lalo na si Barbie Imperial na ganito rin ang reaksiyon nang makita ang Meralco bill niya.





FINALLY ay engaged na ang sexy actress na si Yassi Pressman sa kanyang longtime boyfriend na si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte.


Kagabi, July 18, ay nag-post si Yassi sa kanyang Instagram account ng ilang photos at short videos ng naganap na marriage proposal sa kanya ni Cong. Luigi.


Naganap ang proposal sa tila isang farm kung saan may naka-setup na parang catering table sa kanilang background.


Sa video post ni Yassi, makikitang umiiyak siya at nagsabing “Guess what?” kasunod ang pagpapakita ng kanyang engagement ring, habang nakatayo naman sa likuran niya si Cong. Luigi. 


February, 2024 nang ma-hard launch ang relasyon nina Yassi at Cong. Luigi nang mag-share sila ng video habang sila’y naghahalikan.


After that, mas madalas nang makitang nasa CamSur si Yassi na hitsurang First Lady na ang datingan dahil laging kasama sa mga public events ng kongresista.

May mga naniniwala ring nagli-live-in na sila dahil nga laging nandu’n si Yassi at kasamas ang boyfriend.


Marami namang mga showbiz friends ni Yassi ang bumati sa kanyang engagement kabilang na sina Karen Davila, Jericho Rosales, Nadine Samonte, Yam Concepcion, Kim Atienza, Jessy Mendiola, Jugs Jugueta, Charlie Dizon among others.

Congratulations, Yassi and Cong. Luigi!!!

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 19, 2026



FRANKLY - MOND, GAME GUMAWA NG BL PROJECT-IG _mond

Photo: IG _mond



Matagal-tagal ding hindi napanood si Raymond Gutierrez sa local TV dahil for quite some time ay nag-focus siya sa mga negosyo niya at international hosting stints.


Aminado ang kakambal ni Richard Gutierrez na na-miss niya ang TV kaya tinanggap na rin niya finally ang offer ng Bilyonaryo News Channel (BNC) na maging bahagi ng Agenda kasama sina Korina Sanchez, Pinky Webb, and Willard Cheng.


Actually, taong 2024 pa nang unang i-offer ito sa kanya ng BNC subalit tinanggihan niya ito since busy siya nang panahong iyon.


Opisyal nang pumirma si Raymond with BNC kamakailan, followed by a mediacon. Dito natanong siya ng entertainment press kung may posibilidad ba na magkatrabaho sila ng twin brother niyang si Richard ngayong balik na siya sa local TV.


“I would like to interview him here in Bilyonaryo. As in, ‘di pa s’ya nai-interview here, so ‘yun ‘yung isa sa mga goals ko rin na to make Chard appear in Bilyonaryo,” sey ni Mond.

Ayon kay Raymond, sobrang proud siya sa kanyang kakambal sa mga na-achieve nito sa showbiz.


“I’m very proud of him. He hasn’t stopped working and ‘di madali ‘yung mga shows na ginagawa ni Chard, so ako, very proud ako as a twin brother sa lahat ng achievements na nagawa n’ya,” he said.


Marami ang hindi nakakaalam na nagsimula sina Chard at Mond sa showbiz bilang child actors at nakagawa rin sila ng ilang pelikula.


Pero as they grew up, naiba ang landas na tinahak nila sa showbiz. Nag-focus si Raymond sa pagiging TV host habang si Richard naman ay nagpatuloy sa kanyang pag-arte. At pareho naman silang naging successful sa kanilang piniling career.


“When Chard started getting into acting, I was very supportive. Ako pa nga ‘yung minsan, nagsa-shopping for him, nag-i-style sa kanya sa mga big events n’ya.


“But when it came time na I wanted to join showbusiness, I really wanted to do hosting kasi, you know, it’s something that I felt came naturally to me.


“A lot of people think that hosting is an easy entry point into showbiz. ‘Di nila alam, mas mahirap actually ang hosting lalo ‘pag live kasi bawal ka magkamali. Lahat ng sasabihin mo, kailangan tama, especially now na everything’s online,” pahayag ni Mond.


“Ako, I really love hosting and it’s something that I’m very proud of. So, nu’ng time na I got to choose which projects I wanted to do, I really wanted to do hosting,” dagdag niya.


Marami ang hindi nakakaalam na dati ring child star si Raymond tulad ng kanyang twin brother at nakagawa na rin sila ng ilang pelikula noon. Kaya naman natanong sa kanya kung interesado pa siyang bumalik sa pag-arte.


He revealed na nagkaroon siya ng offer for a BL (boy’s love) project na seryoso raw niyang ikinonsider na tanggapin.


“But because of the pandemic, ‘di natuloy,” aniya.

If ever ay open naman daw siya sa mga ganitong klaseng pelikula.


“I think, it all boils down to the project, kung tama ba, kung okay ba ‘yung story. It’s not something I’m closing my doors on, but it’s not also something that I’m actively searching for.

“So, I think when the time is right and when the project is right, why not?” pahayag ni Mond.





SA isang pambihirang pagkakataon, muling uupo sa coaching panel si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, kasama sina Pop Rock Royalty Yeng Constantino at Filipino rap legend Gloc-9 bilang bagong coaches ng The Voice Kids (TVK).


Handog ng GMA Network ang sanib-puwersa ng tatlong mahuhusay na OPM icons para pangunahan ang bagong season ng pinakamalaking reality singing competition sa bansa.


Sa nalalapit na pagbabalik ng TVK sa telebisyon, magsasama-sama ang coaches sa iisang entablado para gabayan ang susunod na henerasyon ng singers at ang mga susubok maging kampeon ng season na ito.


Bitbit nina Julie Anne, Yeng, at Gloc-9 ang kani-kanilang makulay na karanasan sa musika na humubog sa kanila para maging mahuhusay na artists ngayon. Dahil sa kani-kanilang natatanging pananaw sa musika, matutulungan nila ang mga batang nangangarap na magtagumpay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page