top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Kayshie Bago (OJT) @Sheet Matters | July 22, 2026



SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI SI SEN. ALAN-IG _joshuagarciae

Photo: IG _joshuagarciae



Naging usap-usapan sa social media si Joshua Garcia matapos mapansin ng ilang netizens ang umano'y mga TikTok repost niya na may kaugnayan sa mga video na sumusuporta kay Vice-President Sara Duterte. 


Tila nandiri ang ilan dito at hindi inaasahan ang pangyayari dahil matatandaang dati nang inihayag ng aktor ang kanyang suporta kay dating Vice-President Leni Robredo noong nakaraang halalan. 


Dahil dito, marami ang nagtaka na nabago na ang kanyang paninindigan sa pulitika. 

May mga netizens namang nagsabing wala umanong masama kung iba na ang kanyang sinusuportahan dahil karapatan naman ng bawat isa ang pumili ng kandidatong nais nilang suportahan. 


Pero para sa iba, nakalilito umano ang naturang mga repost dahil taliwas ito sa dati niyang ipinakitang paninindigan.

Bunsod nito, bumuhos ang iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Kabilang sa mga komento ang: 


"Ay hala, 8080 pala 'to talaga,"

"Eww DDS."

“Kadiri, nuh?” 

"Ganyan talaga ‘pag bulakbol sa school. Hahaha!”


Makalipas ang ilang oras, napansin ng ilang netizens na nawala na ang ilan sa mga TikTok reposts na may kaugnayan sa pagiging pro-Sara ni Joshua.


Gayunpaman, nanatili pa rin umano ang isang video tungkol sa mga highlight ng impeachment trial ni VP Sara na mula sa isang content creator na hayagang sumusuporta sa bise-presidente. 


May ilang tagahanga ang naniniwalang maaaring aksidente lamang ang pagkaka-repost ng aktor at hindi niya ito agad napansin. Ngunit may iba namang tumutol sa paliwanag na ito at iginiit na ilang araw na umanong naka-repost ang mga naturang videos bago ito naalis, kaya para sa kanila ay mahirap paniwalaang simpleng pagkakamali lamang ang nangyari.


Samantala, bukod dito, may mga netizens ding nakapansin na wala na umano sa following list ni Joshua sa Instagram sina VP Sara at Senador Alan Peter Cayetano. Ito ay kasunod nga ng pagbura ng aktor sa mga repost niya ng video ni VP Sara sa Tiktok.


Kaya naman, sari-saring espekulasyon ang lumabas online. May mga nagsabing maaaring nais lamang niyang tapusin ang isyu habang may iba namang naniniwalang bunga ito ng matinding batikos na kanyang natanggap sa social media.


Kabilang sa mga komento ng mga netizens ang…

 "Joshua Garcia – a disappointment," 

"Paktay ang career ng starlet. Dasurb."


Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Joshua Garcia hinggil sa mga isyung kinasasangkutan niya. 


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 21, 2026



SHEET - BOSS TOYO, BINANATAN SI KARA NA PEKE ANG DOKYU, NIRESBAKAN NG GMA-7, TODO-SORRY-IG __bosstoyo & _iamkaradavid

Photo: IG _bosstoyo & _iamkaradavid



“Veteran and reputable journalist vs. vlogger/content creator na influencer kuno... Na nagpo-promote ng sugal at kapit kung saan ang viral... Alin ba ang mas credible... Sana masampolan ng legal action,” isa lang ito sa mga komento ng netizens sa kilalang content creator na si Boss Toyo dahil pinuna nito ang report ng batikang broadcast journalist na si Kara David.


Umere sa I-Witness ang episode na Ibinasurang Paraiso na idinokumento ni Kara David tungkol sa epekto sa kapaligiran at sa mga tao ng open dumpsite sa Sitio Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales, partikular sa komunidad ng mga Aeta na naninirahan sa lugar.


Binigyang-diin ng dokumentaryo kung paanong pinayagang mag-operate ang open dumpsite sa lupang ninuno ng mga Aeta, na nagdudulot ng malubhang panganib sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at pamumuhay.


Noon pang 2022, natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang operasyon ng dumpsite ay lumalabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Sa kabila ng mga natuklasang ito, nagpatuloy ang operasyon ng dumpsite, kaya naman naglabas muli ang DENR ng cease-and-desist order noong nakaraang Marso. 


Inatasan din ng DENR na ilipat ang mga basura sa isang akreditadong sanitary landfill bilang bahagi ng pagsasara ng nasabing lugar.


Pero tila kinontra ng kilalang content creator ang report ni Kara David dahil noong pumunta raw siya sa nasabing lugar ay wala siyang naamoy o anuman.

Post ni Boss Toyo sa kanyang Facebook (FB) account:


“Nagulat ako dahil wala akong naamoy na masangsang na amoy. Tinanong ko sila kung normal ba ‘yun, at sinabi nilang wala raw talagang mabahong amoy. Kahit mga langaw ay halos wala.


“Tinanong ko rin kung saan sila nakatira. Itinuro nila ang kanilang komunidad sa ibaba ng bundok.


“Nalaman ko rin na pribadong tao na ang may-ari ng lupang ‘to. Ayon din sa mga impormasyong nakalap ko, segregated na ang mga basurang narito at karamihan ay mga ‘di nabubulok na plastic.”


Sa isang comment ng ibang content creator ay sumagot si Kara David, “Isang buwan po naming sinaliksik ang isyung ito. DENR mismo ang nagpasara sa dumpsite dahil ito ay declared illegal.


“NCIP mismo ang nagsabi na ito ay ancestral land (not owned by a private individual).

“Nag-interview kami ng mga Aeta at pinuntahan ang mga bahay nila. At para patas, kinuha rin namin ang panig ng mayor’s office.


“Malinaw na may paglabag sa batas at sinabi ng mayor’s office, ‘We accept accountability.’ Napanood n’yo naman siguro. Kayo na lang po ang humusga.”


Sey naman ng mga netizens, magkaibang lugar ang pinuntahan nina Kara at Boss Toyo. Ang illegal dumpsite ay nasa Sitio Tibag na ini-report ng una, at ang Sitio Alibang naman ang maaaring pinuntahan ng content creator.


Samantala, naglabas ng official statement ang GMA Public Affairs tungkol sa reaksiyon ni Boss Toyo.


“Following the documentary’s broadcast, the issue drew widespread public attention and renewed calls for action. For the third time, the DENR issued another cease-and-desist order this month for the full closure of the dumpsite. In recent days, however, several claims seeking to discredit the documentary have circulated online. We believe it is important to address these claims with the facts.


CLAIM: The dumpsite is on private property (sabi ni Boss Toyo)

FACT: I-Witness spent more than a month researching and documenting the story.

“During that process, the team obtained a copy of the Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) issued by the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), confirming that the area is part of the Aeta community's ancestral domain.


“Furthermore, based on the official records of the NCIP, Sitio Tibag, where the dumpsite is located, is within the boundaries of the recognized ancestral domain of the Aeta Ambala Indigenous Cultural Community.


“CLAIM: There is no foul odor coming from the dumpsite (sabi ni Boss Toyo)

FACT: I-Witness interviewed residents living near the dumpsite, many of whom said they have endured the odor for years, particularly during the rainy season. Some families told the team they eventually left their homes because of its impact on their health and daily lives.


“CLAIM: The Aeta community is several kilometers away from the dumpsite (sabi ni Boss Toyo)

FACT: I-Witness documented several abandoned houses located just a few meters from the dumpsite. Residents told the team that some families had been forced to leave because of the persistent foul odor, the proliferation of flies, and concerns about the long-term effects on their health. The team also documented a stream at the foot of the dumpsite where garbage was being carried by the flowing water. According to residents, the stream is no longer safe for drinking. In addition, the I-Witness team interviewed the chieftain and council of elders of nearby Sitio Alibang, a larger community situated at the foot of the mountain. In recorded interviews, the community leaders confirmed that parts of their traditional hunting grounds and sources of livelihood are located within the same area as the dumpsite. They expressed deep concern over the dumpsite’s presence but said they felt powerless to stop its continued operation.


“These findings are not based solely on residents’ accounts. They are corroborated by official government documents and are consistent with the DENR’s own findings and regulatory actions.


“The environmental impact of a dumpsite cannot be assessed solely by the presence or absence of nearby houses or by whether it emits a foul odor. The long-term effects of improper waste disposal on the environment, forests, and ecosystems must at all times be considered.


“For nearly three decades, I-Witness has been committed to accurate, fair, and responsible journalism. Every documentary is grounded on extensive research and credible reporting.

“We stand firmly by the documentary and the facts presented in Ibinasurang Paraiso.”

At dahil sa kaliwa’t kanang batikos ngayon kay Boss Toyo ay humingi na siya ng public apology kay Kara David na ipinost niya sa kanyang Facebook (FB) account kasama ang mga bata sa dumpsite na pinuntahan niya.


Pahayag ni Boss Toyo, “Gusto ko lang humingi ng pasensya sa aking naratibo sa pagbisita ko sa dumpsite sa Subic. Parehas ninyo, ayaw ko ring makita ang ating kabundukan na maging tapunan ng basura. Kaya nga po ako nagpunta ru’n agad para makita ang kalagayan nila.


“Pero ayon sa mga kagawad sa baba ng dumpsite, walang komunidad na lumikas o nawalan ng tirahan doon.


“May amoy o wala, may komunidad o wala, may langaw o wala, pasensya po sa lahat. Gusto ko rin lang mamulat tayo na sa atin din galing ang mga basura na ‘yan sa siyudad na wala nang mapaglagyan. Kung ‘di tayo magkakadisiplina, tanggapin man natin o hindi, darating ang araw na talagang marami pang dumpsite na katulad nito ang makikita natin.


“Muli, pasensya po sa lahat. Wala po akong planong makipagtalo o makipag-argumento, lalo na po sa mga trolls. Ang aking naratibo ay ang aking naabutan sa dumpsite at ang mga kasagutan mismo ng mga namamahala at mga kagawad sa komunidad na malapit sa dumpsite. Walang sobra, walang kulang. Pasensya po sa lahat. Pasensya po kung iba ang naging punto ko sa punto ninyo. Pasensya po. Wala po akong ipinagtatanggol. Sinabi ko lang ang aking naabutan sa dumpsite, walang labis at walang kulang. Sa mga galit sa akin at sa mga trolls, mas maigi na simulan na ninyong ‘wag gumamit ng mga plastic at non-recyclable materials upang hindi na makadagdag sa basura.”

Hayan, nagkapaliwanagan na. Case closed.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 22, 2026



RUNWILD - IZA BUTI NA LANG MABAIT AKO KAY COCO-IG _missizacalzado & _cocomartin_ph

Photo: IG _missizacalzado & _cocomartin_ph



Si Iza Calzado ang current president ng AKTOR - League of Filipino Actors, at si Dingdong Dantes ang founding chairman.


Dumalo sila sa pirmahan ng MOA (Memorandum of Agreement) ng AKTOR, Unilab, at SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa Health and Wellness Program noong Hulyo 1 sa Bayanihan Center, Pioneer St., Mandaluyong City.


Ang AKTOR - League of Filipino Actors ay isang SEC-registered organization na may mahigit 400 members na karamihan ay independent contractors.


Ayon sa kanilang website, “We exist to support actors — not to manage or represent them in projects.


“We’re also not a political group. Our focus is on community, advocacy, and helping actors grow in character, craft, and connection.”


Ayon kay Iza, sobrang saya niya na makaraan ang anim na taon ay nag-member na rin si Coco Martin sa kanilang organization.


Kuwento ni Iza, “Coco, thank you! Sumasagot, tinatawag talaga akong ‘Ate Iza’! I love you, Coco!


“Ate, sige, sige. Kasama ko kasi s’ya dati sa Batanes, du’n kami unang nagkatrabaho.”

Ito ang movie na pinagbidahan nina Iza at Ken Chu ng F4, na idinirehe nina Adolf Alix, Jr. at Dave Hukom.


Dagdag pa ni Iza, “Nakilala ko s’ya talaga nu’n, and grabe... parang... buti na lang, mabait talaga ako sa lahat, ‘no?!


“Buti na lang, buti na lang. Kasi imagine-in mo kung maldita ka, tapos minalditahan mo s’ya.

“Eh, ako naman, tandang-tanda ko s’ya. Naalala ko, sabi ko kay Adolf nu’n, parang... ‘Sino s’ya? Bakit ang galing n’ya?!’


“Kasi ang simple nu’ng eksena namin, nagbitaw s’ya ng ‘di naman dramatic line, pero para kang sinuntok ng energy n’ya!


“Sabi ko, ‘Ahh!’ Tapos tinandaan ko s’ya. At that time, Daisy Siete days pa yata. Then, lumipat s’ya sa [Channel] 2, then sinubaybayan ko naman.


“‘Yan, nagkasama kami sa Ang Probinsyano. Sa pilot week nu’n, kasama ko s’ya. Ako ‘yung nag-train kay Cardo Dalisay supposedly.


“So, parang nakita ko naman ‘yung trajectory ng career n’ya and what he has done, and what he is doing for the industry.


“Providing jobs. ‘Yan talaga... What he is doing with his power and platform is really admirable.


“So talagang finally, sumama s’ya! Parang thank you!”


Naikuwento rin ni Iza ang isang malaking project ng AKTOR para sa taong ito.

“We are excited because we are doing our best. We are mounting an AKTOR Awards. It is in the works and hopefully before the year ends,” saad ni Iza.


Pahabol niya, “It is strictly for the community, parang SAG (Screen Actors Guild) Awards. Actors voting for their fellow actors. It is really what we want to emphasize.


“Para ma-feel mo rin ‘yung support ng people from the community.”


So, ito kaya ang first big project na pamumunuan ni Coco kasama ang kanyang CCM Productions?


Well, abangan na lang natin ang announcement ng AKTOR sa mga susunod na buwan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page