top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 21, 2026



BIDA - LEA, FIRST PINAY SA HOLLYWOOD WALK OF FAME_IG _msleasalonga

Photo: IG _msleasalonga



May Filipina nang magkakaroon ng sariling bituin sa Hollywood Walk of Fame. Ito ay walang iba kundi si Lea Salonga, bilang pagkilala sa kanyang outstanding contribution sa live theater/live performance. 


Gaganapin ang ceremony sa September, halos kasabay ng Manila International Film Festival (MIFF) na naka-schedule sa September 3 to 6. Tatanggapin naman ni Lea ang MIFF Icon Award sa Closing Night Gala sa September 6 sa The Beverly Hilton.


And speaking of Lea, active ang career nito sa ngayon. She is on a roll, ‘ika nga. Kasama siya sa cast ng DreamWorks Animation na Forgotten Island (FI) bilang kontrabida. 

Sabi ng mga directors ng movie na sina Joel Crawford at Januel Mercado, hindi sila nahirapang kunin si Lea. Nagpadala sila ng pitch at mabilis ang sagot ng team nito, kaya tinanggap ang offer.


Sina Liza Soberano at H.E.R. naman ang lead sa movie at sila rin ang mga boses ng mga pangunahing karakter.

Pinangungunahan din ni Lea ang mga Filipino talents sa soundtrack. Sa 37 tracks, she has six songs, kabilang ang A Parallel World (Amping Mix) kasama ang BINI.





Kumalat online… REGINE, PARTE NA RAW NG THE AVENGERS, PUMIYOK



“WHAT!!!!! IMBENTO!” ito ang naging reaksiyon ni Regine Velasquez sa kumalat na balitang kabilang siya sa susunod na Marvel Cinematic Universe (MCU) movie bilang bagong member ng Avengers at makikilala bilang Songbird.


Nagsimula ang usapan nang kumalat online ang isang post na nagsasabing “Songbird will be introduced in the MCU’s next saga,” at “She will be an official member of The New Avengers.” 


Kalakip ng post ang edited na larawan ni Regine.

Pero agad itong nilinaw ni Regine at sinabing imbento lamang ang naturang balita. Ginawa rin itong biro at memes ng mga netizens dahil sa bansag sa kanya na ‘Asia’s Songbird’ na ikinonekta nila sa Marvel character na si Songbird.


Sobrang ganda at malaking balita sana ito kung totoo. Kaya naman maraming netizens ang nakisakay sa biro na naglabas ng kani-kanyang nakakatawang komento.


Ang MCU ang interconnected universe ng Marvel movies at series, kabilang ang Iron Man, Spider-Man, Captain America at The Avengers.





Bumoto raw sa mga magnanakaw dahi idol…

JOHN, MGA ‘BOBOTANTE’ ANG SINISI SA MATINDING BAHA



RAMDAM ang galit ng aktor na si John Arcilla sa post niya tungkol sa matinding baha sa Metro Manila dahil sa sunud-sunod na bagyo. 


Para sa mga botante ang post ng aktor na ang sabi ay, “Marami nang mga namatay na kababayan natin dahil sa baha. Mas importante ba talaga ‘yung tigas ng ulo ninyo na bumoto sa mga IDOL n’yo DAHIL GUSTO N’YO LANG kahit KURAKOT, kesa sa buhay ng mga kababayan natin? Maayos ang buhay ng mga NAGNANAKAW ng pondo ng bayan, inuuto na kayo, sila pa rin ang PINIPILI ninyo.


“Marami sa aming nagsasalita na maayos din ang buhay—kaya kami nagsasalita dahil gusto namin na ang buwis na ibinabayad namin ay makapagligtas sa inyo pero ayaw n’yo maniwala at makinig. Puwede naman kaming manahimik na lang at panoorin kayong nalulunod sa baha pero hindi nagsasawa sa pagpapaalala. Kung mas pinipili ninyong maghikahos at lumubog sa baha, sige, BOTO LANG NANG BOTO ng mga MAGNANAKAW NG PONDO na dapat ay para sa kaligtasan ninyo at sana ng buong bayan.”


Marami ang sumang-ayon kay John na maraming ‘bobotante’ at sila ang dahilan kung bakit nananalo ang mga hindi dapat manalo.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 20, 2026



WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH

Photo: IG _BINI_PH



“Our revenues are recovering,” pahayag ng pangulo at CEO ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak sa annual Stockholders’ Meeting ng Kapamilya Network last Wednesday.


Dahil daw ito sa pagbaba ng gastusin at pagkabawas ng kanilang mga utang. 

Kaya ipagpapatuloy daw ng ABS-CBN ang pamamaraan nila tungo sa pagbawi sa pananalapi, pagre-report ng mga tumaas na kita at pagpapaliit ng mga pagkalugi.

Ito ay dahil na rin sa matagumpay na content partnerships at ang global breakout ng kanilang ng mga artists.


Una na nga d’yan ang BINI na umaani ng global recognition. 

“BINI’s global success is proof that ABS-CBN can channel its creative strengths to reach an international audience,” sabi ni Carlo.


Bukod sa BINI, binanggit din ni Carlo ang iba pang pruweba na ang ABS-CBN ay nananatili bilang isa sa country’s leading storytellers. 


“ABS-CBN broke new ground with the highly successful Pinoy Big Brother Collaboration with GMA Network.  


“In music, BINI has hit 2 billion streams across various music platforms. They have catapulted Filipino music to the global stage, becoming the first all-Filipino group to perform in Coachella. They were also recently tapped by DreamWorks Animation and Universal Pictures to perform the soundtrack for the film The Forgotten Island.  


“BINI’s global success is proof that ABS-CBN can channel its creative strengths to reach an international audience.


“We also produced a mini-series, The Silent Noise for Amazon Prime [Video], which won the Best Asian Content at the Global OTT Awards 2026,” paglalahad pa ni Carlo.

Kabog!





Tumalak sa socmed…

SOFIA, ISINISISI SA PAGTATAPON NG BASURA AT GHOST PROJECTS ANG PAGBAHA



MULING naglabas si Sofia Andres ng pagkadismaya dahil sa sinapit ng mga mamamayan sa ilang araw na pagbaha.


Nag-post ang aktres ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang sakripisyo at paghihirap ng mga Pinoy. Sa caption ay inihayag ni Sofia ang kanyang simpatya at pagbatikos sa kawalan ng hustisya sa gitna ng krisis.


Aniya, “Paano na? Sa inyo, pera ang baha. Sa kanila, tubig, gutom at pangamba.”

Sa comment section ay may nag-post na ang isa sa mga argumento niya kaya nalulunod ang kapaligiran sa baha ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura.


Sinagot ni Sofia ang nagkomento nito sa kanyang Instagram (IG) post.

Reply ni Sofia, “Agree. Disiplina sa basura, disiplina rin sa ghost projects.”

Sey ng mga netizens na sumang-ayon sa sagot ng aktres…

“Agree.”


“Both! People and the Government.”

“Ghost projects that start way back and continuously hanggang ngayon... need wise votes talaga.”


May pumuri rin kay Sofia sa pagiging vocal sa pag-share ng kanyang hanash sa nangyayari sa bansa.


Komento ng isa, “I stan a true queen. ‘Di tahimik sa issue ng bansa.”

Agree.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 20, 2026



TEKA NGA - RICHARD, NASAPAWAN DAW SI DANIEL, OUT SA INCOGNITO 2-IG _richardgutz & FB Daniel Padilla 2.5 Era

Photo: IG _jinkeepacquiao



May bali-balitang hindi na raw kasama si Richard Gutierrez sa Incognito 2 (I2), kaya may mga fans na nagrereklamo dahil nasasapawan na raw niya si Daniel Padilla.


Maging ang mommy ni DJ na si Karla Estrada ay napansin umano na mas maraming exposure si Richard at madalas ay dito nakatutok ang kamera, hindi kay Daniel. Kaya ipinarating umano ito ni Karla sa production staff ng Incognito.


Well, hindi naman daw insecure si Daniel kay Richard, pero sa pagkakaalam ng kampo ng aktor, siya ang lead role at hindi pantay ang level ng karakter nila ni Richard.


Kaya naman, deserve ni Daniel na magtanong at mag-demand tungkol sa kanyang status sa serye. 


Magaling din namang aktor si Richard at marami siyang fans na sumusuporta sa kanya, kaya tiyak na magtataka ang mga ito kung tuluyan siyang mawawala sa I2.





LUCKY HOUSE NI VICE GANDA, FOR SALE NG P35M



TIYAK na susuwertehin ang sinumang makakabili sa P35 M bahay ni Vice Ganda (VG) na may tatlong palapag.


Napakaganda ng design nito, sosyal na sosyal at pangmayaman ang porma.

Ayon kay Vice Ganda, ‘lucky house’ ito at isa sa mga unang naipundar niya mula sa kanyang kinikita sa showbiz. 


Naging stand-up comedian muna si VG bago naging host ng TV show at nagkaroon ng mga pelikula.


Safe at accessible ang bahay na nasa Proj. 6, Quezon City (QC) at bagay na bagay sa isang artistang tulad niya. 


Pero dahil mas nadagdagan na nga ang yaman niya, kailangan na rin niyang lumipat sa mas malaki, mas safe at private na tirahan.


Isang caretaker na lang ang nagbabantay at nag-aalaga sa dating bahay ni Vice Ganda.





Sa galing magpatawa, may ‘K’...

CHARIZ, NEXT AI AI, UGE AT RUFA MAE



DAHIL sa kanyang talent sa pagkokomedya, marami ang nagsasabing posibleng sumunod ang Kapuso actress na si Chariz Solomon sa yapak nina Eugene Domingo, Ai Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto.


Bihasang-bihasa na si Chariz sa pagpapatawa dahil matagal siyang naging bahagi ng gag show na Bubble Gang (BG). Kasama rin siya sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), na 15 years nang umeere. Ngayon, kasama niya si Buboy Villar sa pagho-host ng talk show na Your Honor (YH)


Natural na natural ang atake ni Chariz sa pagiging komedyante. Sa bawat project na natatanggap niya, mas pinagbubuti rin niya ang kanyang pag-arte habang nananatiling humble. Thankful siya sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan at pagbibigay sa kanya ng regular shows.


Samantala, makulay ang love life ni Chariz. Hindi niya itinatago sa publiko na hiwalay na siya sa tatay ng kanyang mga anak pero muli siyang umibig at nag-propose na sa kanya ang kanyang non-showbiz partner na si Vince Teotico.


Wala pa silang wedding plans dahil pareho silang abala sa kani-kanilang career.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page