top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2026



WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Nag-trending ang post ni Sen. Robin Padilla na video clip ng pelikula nila ni Joshua Garcia na Unexpectedly Yours (UY) sa Facebook.


Gets agad ng mga netizens ang ibig sabihin ni Sen. Robin sa pag-post niya ng scene nila ni Joshua na ipinalabas noong 2017.


Nang-aasar daw si Robin sa mga bashers ni Joshua.

Caption ni Robin: “Unexpectedly Yours.”


Ang pagbabahagi ni Robin ng video ay timing sa kasagsagan ng mga batikos na natanggap ni Joshua online dahil sa pag-repost niya ng isang TikTok (TT) video na tila nagpapahayag ng suporta kay Vice-President Sara Duterte. 


As expected, kani-kanyang hanash ang mga netizens kina Robin at Joshua.

“Pang-asar ba ‘to, Sen. Padilla?”


“What a title. Fit na fit for Joshua. UNEXPECTEDLY YOURS, dedicated to Sara and the rest of the DDS.”


“Magagalit ang mga Kakampink (Leni Robredo supporters) nito, Robin.”


“Unexpectedly DDS (Duterte diehard supporters) pala. Hahaha!”


“Naturuan mo ng tamang ideology si Joshua, Sen. Robin Padilla.”


“Gamit na gamit ka na ng mga DDS @iamjoshuagarcia proud ka na?”


Ironically, parehong Kakampinks naman ang mga leading ladies nina Sen. Robin at Joshua sa movie na sina Sharon Cuneta at Julia Barretto.


Well, sabi nga ni Kris Aquino, “Love, love, love!” lang, mga DDS at Kakampinks.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 24, 2026



TALKIES - VICE TUWING NABA-BASH AKO, NAGKAKA-AWARD AKO-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Buong-pagmamalaking ipinakita ng Unkabogable Star at It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda ang koleksiyon ng kanyang mga tropeo sa kanyang latest vlog.


Aminado ang TV host-comedian na wala siyang nakikitang masama sa pagdi-display ng kanyang mga natanggap na parangal dahil bunga umano ang mga ito ng kanyang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.


“Nakita ninyo ‘yung background ko? Puro trophy ko. Mayabang din ako talaga. Oo, ipinagmamayabang ko talaga ‘yan kasi produkto ‘yan ng pagsusumikap ko, ng pagtatrabaho ko nang lubos, at ‘di pagsuko sa hamon ng aking karera,” ani Vice.


Ayon pa sa kanya, ang bawat tropeo ay nagsisilbing paalala na naging sulit ang lahat ng hirap, sakripisyo, at pambabatikos na kanyang hinarap sa industriya.


“Sa dami ng pinagdaanan ko sa showbiz industry, ito ang nagpapaalala sa akin na it’s all worth it. ‘Yan ang nagpapa-smile sa akin at nagpapalakas ng loob ko sa gitna ng napakaraming bashing na inabot ko,” aniya.


Ikinuwento rin ni Vice ang napansin niyang tila kakaibang ‘pattern’ sa kanyang career.

Aniya, “Napapansin n’yo ba? Napapansin n’yo ba ‘yung pattern? Tuwing maba-bash ako, after a few days, may award ako. Kaya minsan, sinasabi ko, ‘Ayoko muna ng award this week.’ Ganu’n talaga ang pattern. Tuwing may nang-ookray sa akin, magkaka-award ako. ‘Yan ang ipinagmamalaki ko,” habang itinuturo ang mga tropeo.


Ibinahagi rin ng komedyante na matagal nang ugali ng kanyang ina ang ipagmalaki ang kanyang mga tagumpay. Mula pa umano noong nag-aaral siya ay naka-display na sa kanilang bahay ang kanyang mga medalya, sertipiko, at iba pang parangal.


Ayon kay Vice, bilang breadwinner ng kanilang pamilya, walang katumbas ang pakiramdam na makita at maramdaman ang buong suporta at pagmamalaki ng kanyang mga mahal sa buhay.


Aniya, “Masarap sa puso na maramdaman mo na ‘yung mga taong dahilan ng pagsusumikap mo at pagtatrabaho mo nang husto, ng pagkakaroon mo ng pangarap, eh talagang sumusuporta sa ‘yo.”

Korek ka riyan, Vice!


Matatandaang nasungkit ni Vice Ganda ang ilang prestihiyosong parangal ngayong 2026. Kinilala siya bilang Best Host for Entertainment, habang itinanghal naman ang IS bilang Best Variety Show sa inaugural ng FAMAS Broadcast Awards.


Bago ito, noong Hunyo, nagwagi rin ang kanyang kantang Rainbow Christmas bilang Christmas Song of the Year sa 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music.





SANA all, may gobernador na tulad ni Star for All Seasons-Gov. Vilma Santos-Recto!


Hindi lang sa pelikula at telebisyon bida si Gov. Vi—pati sa serbisyo publiko, patok din ang kanyang istilo.


Habang sa ibang lugar ay kailangan pang bumiyahe o maglakad nang malayo ang mga residente para makahingi ng tulong sa kanilang mayor o gobernador, sa Batangas ay ang pamahalaang panlalawigan na mismo ang lumalapit sa mga mamamayan.


Sa pamamagitan ng kanyang H.E.A.R.T.S. Program, na sumasaklaw sa Health, Education, Environment, Economic Development, Agriculture, Arts, Roads and Infrastructure, Rehabilitation, Tourism, Technology, at Social Services, isa sa mga tampok na inisyatiba ang Capitol on Wheels, isang programang nagdadala ng mga serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa 29 na munisipalidad at limang component city ng Batangas, na nahahati sa anim na distrito.


Ayon kay Gov. Vi, layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mas maraming Batangueño.


“Kami na talaga ang lumalapit sa mga bayan-bayan, mga distritong dati ay hindi namin nararating. At ang maganda r’yan,  lahat ng mga LGUs at mga katuwang naming opisyal ay talagang supportive at nakikiisa sa pagdadala namin ng mga serbisyo,” ani Gov. Vilma Santos-Recto.


Congratulations, mga Batangueño! Mayroon kayong gobernador na kung magtrabaho ay talagang may puso at malasakit sa kapwa.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 24, 2026



SHEET - SCARLET, 11-ANYOS PA LANG, SOLO FLIGHT NA SA LONDON-IG _scarletsnowbelo

Photo: IG _scarletsnowbelo



Sa edad na 11 ay susubukan na ng anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo na maging independent dahil sa Harrow School sa London siya mag-aaral at doon din ang dormitoryo niya.


Ipinost ni Scarlet sa kanyang Instagram (IG) account ang mga larawan niyang nasa Harrow School at may bitbit na unan at maleta, kasama ang mga kapwa-estudyante.

Ang caption ng dalagita ay “POV (point of view): I traded a few days of comfort for a lifetime of growth.


“Spending time at Harrow School in London gave me a glimpse of boarding school life, challenged me to become more independent, and introduced me to friends from every corner of the world. Exploring law through one of the world’s most historic schools made the experience even more inspiring. I came home with new friendships, greater confidence, and a reminder that growth begins where your comfort zone ends.

“Thank you Dad and Mom for letting me have this experience!”


Nag-comment ang kanyang Ninong Jojie Dingcong, na manager din niya, “OMG! Yes, you are growing beautifully, wonderfully strong, our dear girl!!”


Komento rin ni Doc Hayden sa anak, “So proud of you, my love.”


Maraming celebrities at friends ng Belo family ang bumati sa bunsong anak ni Dra. Vicki. Pinayuhan din siyang mag-ingat palagi at ikinatuwa ng marami na pinayagan siyang maging independent ng kanyang mga magulang.


Early September pa ang simula ng pasukan sa Harrow School at Hulyo pa lang ay dinala na nina Doc Vicki at Hayden ang anak para masanay sa lugar at maayos ang mga kakailanganin nito sa eskuwelahan.


May video post naman si Doc Vicki kasama ang asawang si Doc Hayden na naka-sexy shorts habang ipinapasyal nila ang anak bago nila ito iwan doon at bumalik ng Manila.

Ang caption ng mom ni Scarlet, “A few beautiful memories from this trip. The best part of every trip will always be the time spent with family. Creating moments I’ll cherish forever. Until next time, London.”


Ang bilis ngang lumaki ni Scarlet na halos kasingtangkad na niya ang mommy niya. Parang kailan lang nang pinagkukuwentuhan pa namin siya ng Kuya Quark Henares niya na siya ang nagbigay ng pangalan ng bunsong kapatid.





NAKITA namin ang larawan nina Jolina Magdangal at TV5 executive Enrico C. Santos na ipinost ng huli sa kanyang Facebook (FB) account kaya tinanong namin kung ano’ng project ito.


Binanggit sa amin na balik-tambalan nina Jolens at Marvin Agustin na mapapanood sa Kapatid Network sa umaga.


“Morning series s’ya,” kaswal na sagot ni ECS (tawag namin kay Enrico).

Naalala namin ang hit series ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart (BCWMH) nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na tumagal nang mahigit dalawang taon, mula 2012 hanggang 2014.


Nabanggit na makakasama ng MarJo love team si Dominic Ochoa at ilang Star Worx artists na pinasisikat ng TV5.


Inamin din ni Enrico na silang dalawa ni Ginoong Guido Zaballero, presidente at CEO ng TV5, ang nag-offer kina Marvin at Jolina na magbalik-serye silang dalawa.

Tinanong namin kung sino ang direktor.


Ang sagot, “Si Roman Perez at s’ya rin ang line producer.”

“Huh, ‘di ba’t pawang sexy at action ang ginagawa niyang pelikula sa Vivamax?” tanong namin kay Enrico.

“Kenkoy ‘yun!” sagot kaagad sa amin.


Sabi pa, “Dating drama and comedy ng ABS-CBN at GMA ang project n’ya.”

Para sa working title ng MarJo series, “Ano ba ang mas magandang title, Mommy Guard o Guard Ko si Babe?


Sinagot namin na Mommy Guard para mas madulas ang pagbigkas, at nag-thumbs up naman si ECS.


Pero huli naming naisip na mas maganda ang Guard Ko si Babe para may recall dahil ito ang tawagan ng dalawa sa pelikula nilang Hey, Babe (HB) noong 1999 at ito rin naman ang term of endearment nila.


Kaya lang baka gusto namang maiba ni ECS ang tawagan ng MarJo para hindi magmukhang sequel.


“Hindi,” ang sagot ni Enrico sa tanong namin kung mag-asawa ang role ng MarJo.

At kung hindi magbabago ang plano ay sa October daw ito eere sa TV5.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page