top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni RJ Matociños (OJT) @pecial Article | July 26, 2026



SPECIAL ARTICLE (RJ) - VICE, BINUGAHAN NG TUBIG SA MUKHA ANG BABY DOLLS MEMBER, NA-BASH, TODO-SORRY-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Muling uminit ang ulo ng mga netizens at binatikos ang It’s Showtime host na si Vice Ganda matapos ang pambabastos at ‘below-the-belt’ na gesture at biro nito sa miyembro ng Baby Dolls na si Johaira Moris nu’ng Biyernes nang hapon.


Nag-viral online ang video kung saan makikitang hinagisan ni Vice ng unan sa mukha at binugahan pa ng tubig si Johaira.


Hindi pa nakuntento ang host, hiniritan nito ang dancer tungkol sa kulay ng kanyang balat at sinabihan ng “Ano’ng nangyari sa ‘yo, bakit nagputik ka?” matapos bugahan ng tubig.


Dahil dito, nabuhay na naman ang dating insensitive rape joke rin ni Vice kay Jessica Soho at inihambing nga ito sa ginawa niya ngayon kay Johaira.


Giit ng marami, tila wala pa ring character development ang komedyante at dapat na itong aksiyunan o i-report sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Inulan ng matitinding resbak at diskusyon ang ginawa ni Vice. Sey ng mga netizens…

“VIOLENCE IS NOT A JOKE! Especially against women.”


“Where the heck is @MTRCBgov, there’s such extreme indecency on live TV. So rude, really!”

“Very wrong ‘yung ginawa ni Vice and I won’t defend that. I’m not a fan too. Pero bakit walang nakapansin sa sinabi n’yang (Johaira) ‘Hoy, chaka?!” Isn’t that hurtful too?”

“Maybe I’m too woke up pero ‘yung mga jokes ni Meme Vice about Johaira and her skin color are not funny at all.”


Samantala, bago matapos ang programa kahapon (Hulyo 25), humingi na ng paumanhin sa madlang people si Vice Gand a.


Inamin ng TV host na aware siya na marami ang na-offend sa kanyang ginawa. Idinagdag pa niyang ang gusto lang naman nila ay mapasaya ang madlang pipol, kaya ina-acknowledge niya ang lahat ng batikos.


“We will try to do better,” pangako ni Vice matapos humingi ng tawad at aminin ang naging pagkukulang.





KINILIG ang batikang Kapuso broadcast journalist na si Kara David matapos siyang sorpresahin at bigyan ng napakatamis na pagkilala ng crew ng PAL Express sa kanyang biyahe mula Manila patungong Cagayan de Oro (CDO).

Aniya, “What a nice surprise!” 


Sa kanyang Facebook (FB) post, buong-pusong nagpasalamat si Kara sa PR2533 flight crew matapos makatanggap ng sulat ng papuri at pa-package ng cookies na may tatak na ‘Dolce Mia’ (my sweet one).


Inihayag ng flight crew, sa pangunguna nina Capt. Demalata, FO. Sinaking, FA. Kylie, FA. Angel, FS. EJ at FS. Jon, ang kanilang paghanga kay Kara.


Pahayag nila, “Maraming salamat sa iyong tapat na serbisyo at walang kinikilingang paghahatid ng balita. Isa kang inspirasyon ng bawat Pilipino. Mabuhay ka!”


Samantala, patungo si Kara sa CDO para magturo ng media literacy at fact-checking sa 100 high school teachers mula Mindanao.


Agad na inulan ng magaganda at touching na komento mula sa mga netizens ang nakakakilig na post ni Kara.


Ilan sa mga komento ng mga netizens…

“Ang ganda ng daliri, kitang-kita ang husay at sipag.”

“Idol, have a safe flight. Waiting for the next Documentary… PAX SILICA.”

“Marami kaming naniniwala sa ‘yo kahit minsan, comedy ka, pero ‘yung impact mo, tagos. We need more journalists like you.”



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 26, 2026



SHEET - DAMIT NG ATE LAKAM NIYA, ISINAMA SA MGA IBINENTA NI KIM-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Mga damit ng Ate Lakam ni Kim Chiu, nasama sa ginanap na Kim Chiu Closet Bazaar 2026?


Naitsika ito sa amin ng aming source na nitong nagkaroon nga ng bazaar si Kimmy, hindi na umabot ng tatlong araw – as scheduled – dahil isang araw at kalahati pa lang ay nalimas na nang dagsain ito ng mga supporters ng aktres.


Tsika pa sa amin ay halos bago pa ang pre-loved items ni Kim na isang beses lang nagamit, mula sa sariling koleksiyon na Outfit of the Day ni Kimberly Sue Chiu o #OOTDKSYC (OOTD) looks. 


Nakitang suot niya ang mga ito sa mga naging programa niya at posted din ito sa kanyang Instagram (IG) account.


Tsika ng aming source, “Bakit may damit si Lakam na nasama? Kaya may buyer na pumakyaw ng mga damit ng ate ni Kim, tapos isinauli kay Lakam. ‘Di ba, nakakatawa?”

Wala namang binanggit kung mga supporters ng aktres ang pumakyaw sa mga damit ni Lakam.


“Hindi raw kasi size ni Kim. Eh, parang namukhaan na damit ni Lakam daw,” sey ng aming source.


Baka noong nagplano si Kim na magkaroon ng Kim Chiu Closet Bazaar 2026 ay bati pa sila ng Ate Lakam niya at nagsabi ito na isama rin ang ibang gamit niya na hindi na rin ginagamit. 


Sa madaling salita, matagal nang nasa box ang mga ito at hindi na rin siguro tsinek ng aktres.


Anyway, balitang iniurong na ni Kim ang kasong qualified theft sa Ate Lakam niya na isinampa niya noong Disyembre 2, 2025 sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City (Justice Cecilia Muñoz Palma Hall, DOJ - Department of Justice Building).

Pero hindi pa rin ayos ang magkapatid, sabi ng aming source.


“‘Di totoong okay na sila. Wala nga si Lakam sa mga family gatherings,” sabi pa.





Matulungin kuno, pero iba sa likod ng kamera…

STAFF NG AKTRES NA MAY ONLINE BUSINESS, WALANG SSS, PAG-IBIG AT PHILHEALTH



BLIND ITEM:


TRULILI kaya na walang benepisyo ang mga staff ng kilalang aktres na may online business?


Nalaman ng isa sa mga staff ng kilalang aktres sa kaibigan niyang nagsisilbi rin sa kilalang personalidad na nagpapasalamat sila kay ‘Ma’am’ dahil may benepisyo raw sila tulad ng SSS (Social Security System), Pag-IBIG at PhilHealth. 


Bukod dito ay may bonus at 13th month pay pa.


Nagulat siyempre ang staff ng kilalang aktres dahil halos nasa 10 silang staff pero ni isa sa mga nabanggit na benepisyo ng kaibigan niya ay wala sila, maliban sa 13th month pay. Pero kapag maraming benta ay may bonus naman daw sila.


Nagulat kami nang malaman namin ito dahil nakilala ang aktres na matulungin sa mga nangangailangan. Bakit pagdating sa mga naninilbihan sa kanya ay tila malayo ang kanyang tingin?


Binalikan namin ang aming source na baka gumagawa lang ng kuwento ang staff ng kilalang aktres.


“Hindi, may mga nagpatunay na rin na iba ang ugali n’ya sa harap ng kamera at sa likod ng kamera,” mariing sabi ng aming kausap.

Kung totoo nga ito, nalungkot kami, sa totoo lang.





NAGKAISA ang PlayTime Entertainment at iWant ng ABS-CBN Corporation upang gumawa ng mga orihinal na programang Pilipino, simula sa romantic comedy na Will You Fake Marry Me? (WYFMM) na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith, at Sparks Camp Season 4 (SCS4).


Ang pagsasamang ito ang una sa ilang proyektong naglalayong maghatid ng de-kalidad na nilalamang lokal na tatatak sa mga Pilipinong manonood.


“Ang pakikipagtulungang ito sa PlayTime Entertainment ay nagbibigay-pahintulot na kami ay gumawa ng mas maraming kuwento, lalo’t higit ay itaas ang kalidad ng mga programa,” pahayag ni Jolly Estaris, Head ng iWant. 


Sabi pa, “Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng aming mga creative expertise at ng pangako ng PlayTime Entertainment sa paghahatid ng mga makabagong istorya, patuloy kaming magbibigay ng mga nilalamang akma sa mga Pilipinong manonood habang itinataas ang pamantayan para sa local entertainment.”


Sa hinaharap, sinabi ng PlayTime Entertainment na nais nitong palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa iWant sa pamamagitan ng pagbuo ng mas maraming orihinal na produksiyon sa iba’t ibang genre, paglikha ng mga kuwentong nakaaaliw, nagdudugtong sa mga manonood, at sumasalamin sa magkakaibang karanasan ng mga Pilipino.



 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 26, 2026



FRANKLY - JAKE AT RABIYA, SUPER IN LOVE, TODO-DISPLEY NG LAMBINGAN-IG _juancarloscuenca

Photo: IG _juancarloscuenca



So much inlababo (in love) ngayon ang showbiz couple na sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo dahil bago pa nga ang kanilang relationship.


Ito nga kasi ‘yung mga panahong parang wala silang nakikitang ibang tao sa paligid at sobrang saya ng pakiramdam nila sa tuwing magkasama.


Sa kanyang latest Instagram (IG) post, ifinlex ni Rabiya ang reels ng PDA (public display of affection) moments nila ni Jake sa iba’t ibang lugar na kanilang pinuntahan.

Kitang-kita sa mga clips ang kanilang sweetness at kaligayahan sa piling ng isa’t isa.

“Happy looks good on us,” ang maikling caption ni Rabiya.


Inulan naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens at celebrities.

“Lover boyyyyyyy! Happy for you brother!” komento ni Sofia Andres.


Nag-react naman ng smiling face with heart eyes emoji si Ruffa Gutierrez, gayundin si Kim Rodriguez.


Sey naman ni MJ Lastimosa, “Amen.”


Heart emojis din ang reaksiyon ni Marco Gumabao.


May mga nagkomento rin na perfect match daw ang dalawa at baka magkatuluyan na ang mga ito.





MAS marami nang Pilipino ang makakasabay sa mga kuwentong minahal ng TV5 viewers. Simula July 27, mapapanood na rin sa ABS-CBN platforms ang dalawang teleserye ng TV5—ang My Bespren Emman: Ang Totoong Laban (MBEATL) tuwing 2:30 PM, Lunes hanggang Sabado, at A Secret in Prague (ASIP) tuwing 9:30 PM, Lunes hanggang Biyernes.


Sa MBEATL, hindi na sapat ang basta maghintay at umasa. Handa nang lumaban si Ruth (Shaina Magdayao) para sa anak, pamilya, pag-ibig, at katotohanan, habang ginagawa naman ni Mateo (JM de Guzman) ang lahat upang makabalik sa babaeng mahal niya. 


Mas matindi ang sakit, mas malalim ang mga lihim, at mas malaki ang laban, pero nananatili sa puso ng serye ang pananampalatayang nagbibigay-lakas para bumangon at hindi sumuko.


Sa A Secret in Prague naman, patuloy na susundan ng mga viewers ang kuwento nina Mikoy at Chiara, na ginagampanan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes. 

Mula sa panganib at mga sikretong iniwan sa Prague, haharap sila sa isang mas personal na tanong – kaya ba nilang ipaglaban ang tahimik at simpleng buhay kasama ang isa’t isa? 


Dahil sa likod ng misteryo, habulan, at panganib, ang tunay na sikreto ay pag-ibig.

Ang pagdating ng dalawang programa sa ABS-CBN platforms ay patunay sa kalidad at lumalawak na appeal ng mga teleseryeng likha ng TV5. Isa rin itong mahalagang bunga ng patuloy na pagtutulungan ng dalawang media giants, ang ABS-CBN at TV5, upang mas mailapit sa mas maraming Pilipino ang mahuhusay, makabuluhan, at tunay na nakaaantig na mga kuwento.


Bahagi rin ito ng mas bukas at mas welcoming na TV5—isang network na inuuna ang viewers at naniniwalang mas masaya ang panonood kapag mas maraming kasali. Lampas sa kulay ng network at nakasanayang hangganan, iisa ang layunin – mas maraming kuwento, mas maraming pagpipilian, at mas maraming paraan para manood. 


Kaya simula July 27, tara, makisama sa Totoong Laban ng MBE tuwing 2:30 PM at sumugal sa pag-ibig kasama ang ASIP tuwing 9:30 PM sa TV5 at ABS-CBN platforms.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page