top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 21, 2026



RUNWILD - BAGONG KANTA NI STELL, ‘DI PA INILALABAS, TRENDING NA_IG _stell16

Photo: IG _stell16



Nasa Top 10 trending ng X (dating Twitter) ang #1DayTilStellComeback at #GO1NG (going) CRAZY BUKAS NA yesterday, August 20.


Tungkol ito sa solo comeback single ni Stell na may title na Crazy. Ini-release na ito sa iba’t ibang top music streaming platforms kaninang 12 AM Philippine time (August 21).


Isang araw bago ito ilabas, sobrang excited nga ang A’Tin (SB19 fans) kung anong genre ang ihahatid ni Stell sa milyun-milyong tagahanga ng Kings of P-pop. Sobra-sobra nga ang expectation na marinig ang sinasabi nilang ‘heavenly voice’ nito.


By this time, siguradong pinag-uusapan na ito sa social media at trending topic pa rin.





THE COMPANY, GAME MAKIPAG-COLLAB SA SB19



SPEAKING of SB19, nagpahayag nga ng interest ang legendary OPM vocal quartet na The Company na maka-collab ang P-pop Kings.


Kuwento ng The Company, “Actually nu’ng 40th anniversary namin, we did come up with a song, Bente, written by Moy (Ortiz) and Sweet (Plantado). It was actually a very witty ‘P-pop’ senior edition song, and we posted it, ang daming SB19 fans na nagsasabing ‘Collab na ‘to!’”


Open daw ang grupo sa isang actual cross-generational collaboration.

“We are open. We’d love to work with SB19,” pahayag pa ng The Company na may collab concert kasama ang pop-rock band na Neocolours, na may titulong


Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin na produced ng Echo Jham Entertainment Production. Magaganap ito sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.


Hirit pa ni Sweet, “Matututo kayo sa amin!”


Samantala, nagkaroon nga ng historic sneak preview ang version ng SB19 sa iconic rap song ni Francis M. na Mga Kababayan Ko sa Lollapalooza 2026 sa Chicago.


Ang naturang classic song na minahal ng mga Pinoy ay mula sa collaboration nina Francis M. at Jimmy Antiporda ng Neocolours. Kaya happy si Jimmy na magkakaroon ito ng bagong rendition na inaabangan din ng A’Tin sa buong mundo.


Kasama ito sa OST (official soundtrack) ng DreamWorks animated film na Forgotten Island na ipapalabas sa September 25.





Ex-BF ng aktres, nag-post sa socmed…

REP. JAVI, NAKIRAMAY SA PAGPANAW NG NANAY NI SUE



LABIS na nagdadalamhati ngayon ang aktres na si Sue Ramirez sa pagpanaw ng kanyang Mommy Concepcion ‘Chit’ Dodd nitong Lunes, August 17, 2026.


Si Mommy Chit ay isang lider-manggagawa na nagsilbing vice-president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).


Sa kanyang Instagram (IG) Story noong August 18, ibinahagi ni Sue ang larawan nilang mag-ina na kuha noong birthday celebration niya.


“Mahal na mahal kita,” caption ni Sue kasama ang white heart emoji.

Ibinahagi rin niya ang isang malungkot na video clip kung saan nasa loob siya ng kotse habang malakas ang ulan.


“Kasabay kong umiiyak ang langit,” madamdaming lahad ng aktres.

Matatandaan na nagkaroon ng open-heart surgery si Mommy Chit noong Enero 2026.


Humingi pa ng tulong si Sue para sa blood donations para sa operasyon ng kanyang ina.

Samantala, agad namang nag-post ng pakikiramay ang dating boyfriend ni Sue na si Negros Occidental Rep. Javi Benitez.


“This is how I will remember Mommy Chit… flowers in her arms, that radiant smile, beautiful and completely herself,” pahayag niya sa Facebook (FB) page, kasama ang larawan ng ina ni Sue na hawak ang bouquet of flowers na ibinigay niya.


“Make no mistake, she was not soft. She had strong opinions and stronger principles, and she fought for the Filipino worker like it was personal.


“So when she smiled at you like this, you knew you mattered. I brought her flowers whenever I could. She always gave back more,” pagpapatuloy pa ni Rep. Javi.


Nagpaabot din si Javi ng pakikiramay at panalangin:

“A daughter of Sipalay, Negros Occidental. My deepest condolences and prayers to her loved ones.


“Salamat sa imo kabuhi nga ginhalad para sa mga mamumugon. Pahuway na, Tita (Salamat sa paglaan ng buhay mo sa pagtulong sa mga manggagawa. Pahinga na, Tita.)”

Our deepest condolences to Sue and her family.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 21, 2026



FRANKLY - CLAUDINE, GINAMIT NG MGA SCAMMERS, PUMALAG_IG _claubarretto

Photo: IG _claubarretto



Gumawa na ng legal na aksiyon si Claudine Barretto hinggil sa matagal na niyang problema sa mga pekeng social media accounts na nakapangalan sa kanya at ginagamit din ang kanyang mga larawan para makapanloko ng mga tao.


Sa kanyang Facebook (FB) page, ini-repost ni Claudine ang babalang inilabas ng isa sa

kanyang mga fan pages.


“On behalf of Claudine Barretto, please stop using her name with such unreliable sources.

“It’s completely okay to use her name with fan pages on it. But what she asks though is to put ‘Fan Page’ first before the name.


“It’s completely fine to have a fan page of her. But on her side, she just asks it so people can be aware who’s the REAL Claudine Barretto,” bahagi ng pahayag.


Ang inilagay namang caption ni Claudine sa post niya ay “This is my last warning. Naka-report na po kayo. My Claudinians, thank you to all of you. Mahal na mahal ko kayo.”


Sa isa pang post ng aktres ay nilinaw niyang hindi siya namimigay ng pera o iPhones. Sinabi rin niyang kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad ang mga scammers na ito na ginagamit ang kanyang pangalan.


“‘Di po ako namimigay ng pera through GCASH or cellphones, iPhones or tablets. Walang kahit sinong Claudinians ang namimigay on my behalf. Thank u and please, report. Under investigation na po sila. These are not my supporters, these are scammers,” ang babala ni Claudine.


Sinabi rin niya na isa lang ang kanyang tunay na FB account na may nakalagay na blue check, simbolo na ito’y verified and legit.





LALONG pinainit nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador ang Primetime Bida sa kanilang pangmalakasang aktingan at tumitinding puksaan sa Kapamilya teleseryeng Someone, Someday (SS), na nagtala ng all-time high record na 353,672 peak concurrent viewers sa YouTube (YT) noong Miyerkules (Agosto 19).


Nangibabaw ang ‘mata-mata’ acting ng dalawang aktres sa isang malupit na komprontasyon, kung saan sinampal ni Billy (Kathryn) si Abi (Maja) at tinawag na sinungaling matapos siyang traydurin nito. 


Agad na pumatok at umani ng papuri ang eksena mula sa mga netizens dahil sa kanilang husay sa pagganap.


Tuluyan na ngang ipinakita ni Abi ang kanyang tunay na ugali, mula sa pagbabait-baitan bilang fan ni Billy na ngayon ay number one na nitong karibal na determinadong pabagsakin ito.


Kaabang-abang naman ang mas umiigting na tapatan nina Kathryn at Maja dahil nanggagalaiti na sa galit si Billy at hindi na siya magpapatalo, lalo na nang malaman nila ng best friend niyang si Jordan (James Reid) na pineke pala ni Abi ang kanyang pagkatao para makapasok sa buhay nila at Bea ang tunay nitong pangalan.


Napapanood ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC. Available rin ito 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 21, 2026



BULGARY - BELA, AYAW PAG-USAPAN SINA KIM AT ANGELICA_IG _bela

Photo: IG _bela



Tumanggi si Bela Padilla na pag-usapan ang kasalukuyang estado ng pagkakaibigan nila nina Kim Chiu at Angelica Panganiban, a.k.a. AngBeKi.


Tinanong si Bela tungkol dito habang ipino-promote ang paparating niyang pelikulang Life After You (LAY), kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.


“Are you still friends with Kim [Chiu] and Angelica [Panganiban]?” tanong ng reporter.

Diretsong sagot ng aktres, “I won’t talk about it po. Thank you.”


Dahil dito, muling umingay ang espekulasyon ng mga netizens tungkol sa kanilang matagal nang pagkakaibigan. Dati ay madalas nakikitang magkasama ang tatlo at nagbabahagi ng mga bonding moments online.


Tumindi ang usap-usapan matapos mapansing wala si Bela sa ilang bonding moments nina Angge at Kim. Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa tatlong aktres na nagkaroon ng lamat o tuluyang nagwakas ang kanilang pagkakaibigan.


Isa sa mga nabanggit na insidente ay ang naging komento ni Bela tungkol sa desisyon ni Kim na i-freeze ang kanyang mga egg cells sa programa ni King of Talk Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Sa kanyang latest response, hindi kinumpirma o itinanggi ni Bela ang mga espekulasyon, sa halip, tumanggi siyang pag-usapan ito.





Isnabera at maldita raw, pumiyok sa blind item…

FRANCINE, AMINADONG HIRAP SA PAKIKISAMA



NAGSALITA na ang aktres na si Francine Diaz tungkol sa mga blind items (BI) na isnabera, mahirap lapitan at maldita raw siya.


Sa isang panayam na inilabas ng ABS-CBN noong Agosto 19, sinabi ni Francine na aware siya sa mga BI tungkol sa kanya at aminadong ‘confused’ sa mga ito.


Ipinaliwanag niyang madalas siyang tahimik, lalo na kapag pagod o overwhelmed sa trabaho, kaya posibleng napagkakamalan siyang suplada o maldita.

Sey ng aktres, “I am very, very confused.”


Aminado rin siyang nahihirapan siyang hanapin ang tamang balance kung kailan dapat manahimik at kung kailan mas magiging outgoing at makulit. 


Ayaw niyang mailang ang mga taong kasama niya, kaya sinusubukan niyang maging mas present at approachable.


Nagsalita raw siya dahil napansin niyang sunud-sunod na ang mga blind items na tingin ng mga netizens ay siya ang tinutukoy.


May punto rin si Francine na kapag tahimik siya, may masasabi pa rin ang ibang tao, kapag maingay naman siya, may naririnig pa rin siyang komento. 

Sa halip na dibdibin ang lahat ng criticisms, natututo na rin daw siyang i-differentiate ang constructive criticism sa bashing.


Kapag may punto at may bagay siyang puwedeng baguhin sa pakikitungo o trabaho, handa niya itong pag-isipan. Pero kung puro paninira o labeling lang, ayaw na niyang hayaang makaapekto iyon sa kanya.


At mukhang sinusubukan ni Francine na maging mas aware sa sarili niya nang hindi hinahayaang diktahan ng mga blind items kung ano ang totoong pagkatao niya.





Mahilig daw sa sikat… KYLE, KINA ANDREA AT KAI NOON, KAY AIAH NG BINI NGAYON



NAG-ENJOY ang aktor na si Kyle Echarri sa kanyang vacation trip sa Japan.

Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Dream like a kid in a candy store, because why not? Pagdamgo (mangarap) ba?”


Nagkomento naman si Maris Racal, “Where’s the slide where we got lost in a cemetery?” na tila may tinutukoy na dating na-experience nila. 


Balik-tanong ni Kyle, “@mariesteller, do you have a video?”

Samantala, napansin ng ilang netizens ang paglitaw ng pangalan ni BINI Aiah sa comments section, kaya naglabas sila ng kani-kanilang reaksiyon.


“KaiKyle (Kai Montinola at Kyle) fan po ako, pero hindi ko po bina-bash si Aiah kasi support ko kung sino ang ka-real (karelasyon) nila. ‘Wag kayo manghimasok sa love life ng mga idol n’yo.”


“‘Wag mo na lang patulan, Sis. Hayaan na natin si Kyle kung saan s’ya masaya.”

“Ikaw ba naman maging dyowa si BINI Aiah, bakit ‘di ka nga sasaya?”


May ilan namang pumuna kay Kyle at nagsabing tila lumalapit siya sa mga babaeng sikat.


Sabi ng isang basher, “Pansin ko, kung saan sikat, du’n lumalapit si Kyle. Una kay Blythe (Andrea Brillantes), pangalawa kay Kai, tapos ngayon kay BINI Aiah.”


May netizen ding nagkomento tungkol sa umano’y ‘soft launch’ sa Japan nina Kyle at

Aiah, habang may ilan namang nagtatanggol sa BINI member laban sa mga tumatawag sa kanyang ‘malandi’ at ‘easy to get’.


Sey naman ng isang netizen na pumuna sa pagiging mapanghusga ng ilang fans, dati raw, kapag puro lalaki ang kasama ni Kyle, iniisyuhan siya,  ngayon namang babae ang kasama niya, may problema ulit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page