top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 29, 2026



RUN WILD - PRODU NG IT’S SHOWTIME, PINAGPAPALIWANAG NG MTRCB-IG _itsshowtimena

Photo: IG _itsshowtimena



Nakatanggap kami ng e-mail mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kung saan ipinatawag ng ahensiya ang mga producers ng It’s Showtime (IS) dahil sa mga reklamo sa July 24, 2026 episode ng noontime show na may diumano’y inappropriate na eksena at racially insensitive at colorist na komento.


Pahayag nila, “Ayon sa notice to appear, nakatanggap ang ahensiya ng maraming ulat at reklamo mula sa mga concerned citizens tungkol sa episode at sa mga kilos at salita ng TV host at comedian na si Vice Ganda.


“Inutusan ng MTRCB ang GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation bilang respondents na dumalo sa isang hearing ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee. Ang hearing ay gaganapin sa 29 Hulyo 2026, Miyerkules, 10:30 AM.


“Maaaring magpadala ng kinatawan o abogado ang mga respondents sa hearing. Bago o sa takdang araw ng hearing, dapat silang magpakita ng proof of authority na sila ang inatasang kinatawan ng mga respondents.”


Bahagi pa ng press release, “Ayon sa mga natanggap na ulat at reklamo at sa isang ulat ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) ng Ahensya, ang tinutukoy na insidente ay ang Memerimar skit sa Laro Laro Pick segment ng nasabing noontime show. 


“Inireklamo ng mga concerned citizens ang diumano’y racist at colorist na pahayag ni Vice Ganda at ang ‘lugaw’ scene nina Vice Ganda at Ion Perez. 


“Bago matapos ang 25 Hulyo 2026 episode ng It’s Showtime, humingi ng tawad si Vice Ganda para sa mga biro na kanilang sinabi sa nakaraang episode.”


Ayon pa sa MTRCB, “Nais malaman ng Ahensya kung ang It’s Showtime ay tumupad sa provisions ng Section 3(c) ng Presidential Decree No. 1986 na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng TV programs na ‘contrary to law, good customs, public order, public morals, or are otherwise objectionable.’”


Dagdag pa ng ahensiyang pinamumunuan ni Chair Lala Sotto, “Itinuturing nilang waiver ng karapatan na maghain ng ebidensiya kung hindi dadalo ang mga respondents at ireresolba ng ahensiya ang isyu base sa mga records na kanilang hawak.”


Iba’t ibang komento at opinyon naman ang nabasa namin sa mga Facebook (FB) posts. Maraming nang-bash kay Vice Ganda at meron ding nagtatanggol. 

Hindi rin naiwasan ng mga netizens na i-compare ang pangyayaring ito sa ilang episodes ng Eat… Bulaga! (EB!).


Well, abangan na lang natin ang magiging statement ng show tungkol dito.





Ipinagbunyi ng A’TIN ang worldwide fanbase ng SB19 dahil opisyal nang ipinahayag ng Department of Tourism (DOT) ang global P-Pop powerhouse bilang newest Tourism Ambassador ng Pilipinas, na para sa mga tagahanga ay long-overdue na.


Kinikilala ang P-Pop Kings hindi lamang bilang source ng national pride, ngunit bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kinatawan ng kulturang Pilipino ng bansa.


Bago ang US at Japan tour leg ng grupo, nagpadala ang DOT sa sikat na boyband ng isang ‘Galingbayan’ box bilang send-off package, na naka-post sa opisyal nitong social platform, ang Tourism Philippines. 


Kinilala ito ng SB19 na kinabibilangan nina Pablo, Josh, Ken, Justin at Stell sa kanilang mga social media account, at kinumpirma ang kanilang pagiging ambassador.


Bago ang announcement, nag-create ang DOT ng internet buzz noong Hulyo 23 matapos mag-post ng limang goat emojis sa mga social media platform nito, na karamihan ay tama ang naging hula tungkol sa bagong partnership.


Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Sec. Dita Angara-Mathay ang halagang hatid ng SB19 bilang mga kinatawan ng bansa.


“SB19’s talent is undeniable—their music is powerful, and so is their influence. They have the reach to connect with fans across the United States, Europe, ASEAN, and beyond,” pahayag niya. 


At bilang Tourism Ambassador, makikipagtulungan ang SB19 sa DOT para hikayatin ang A'TIN sa buong mundo na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang kultura nito mismo, sa tag na #LoveThePhilippines.


Ayon pa kay Josh Cullen, “Matagal na po itong moment na ‘to na inaantay namin.”

Kilala ang SB19 sa personal na pag-conceptualize ng kanilang sariling mga music video at content, ang limang miyembro ay matagal nang hinabi ang Filipino heritage sa kanilang artistry, lalo na sa kantang GENTO, ang kanilang global breakout hit.  


Saktung-sakto ang partnership na ito dahil patuloy na dinadala ng SB19 ang watawat ng Pilipinas sa mga makasaysayang global milestone.  


Ngayong Hulyo 29, sila ang kauna-unahang grupong Pilipino na maghahagis ng ceremonial first pitch sa Major League Baseball, bago ang laban ng Chicago White Sox vs. New York Yankees.  


Sa Hulyo 30, sila naman ang first Filipino act na magtatanghal sa Lollapalooza sa Grant Park, Chicago, isa sa pinakamalalaking music festivals sa mundo.


Sa pagsapit ng Agosto, aabot ang international reach ng grupo sa kanilang pagtatanghal sa Summer Sonic 2026 sa Osaka at Tokyo, Japan, kasama ang fellow Filipino artist na si Ena Mori at ang BINI, na kamakailan ay napili rin bilang Tourism Ambassador.


Pina-finalize pa ng DOT at SB19 ang mga detalye para sa mga events kung saan iso-showcase ang grupo sa mga darating na buwan, kaya abangan na lang ang announcements.

Congrats, P-Pop Kings!


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 29, 2026



FRANKLY - SHUVEE, NAPAIYAK SA SINABI SA KANYA NI DINGDONG-IG _dongdantes

Photo: IG _dongdantes



Napaiyak ni Dingdong Dantes ang GMA Sparkle artist na si Shuvee Etrata.

Sa Instagram (IG) post kasi ng aktor ay pinuri-puri niya ang dalaga bilang katrabaho sa GMA Primetime series nilang The Master Cutter (TMC).


“I first met @shuveeetrata on Amazing Earth when I interviewed her. But it was on The Master Cutter where I really got to know her,” aniya.


Tsika ni Dingdong, masayang kasama si Shuvee at lagi raw namimigay ng ice cream sa set.


“Kahit sa set, lagi n’ya kaming binibigyan ng mga Bisaya challenges. That’s just her… always jolly, authentic, and unapologetically herself. Parati pa namimigay ng ice cream!” kuwento ni Dingdong.


“What makes it even more special is seeing that same authenticity translate into her craft. Seeing what she did with Tonette just proves she’s got so much more to offer as an actress,” patuloy pa niya.


Payo ng aktor kay Shuvee, “Never lose that spark(le), Shuvee. It’s your superpower.”

Aniya pa, “Isang Kapuso. Isang proud Bisaya. And someone we can all look forward to seeing even more of.”


Sa comment section ay sumagot naman si Shuvee na labis na na-touch sa mga magagandang sinabi ni Dingdong tungkol sa kanya.


“Kagabi pa po ako umiiyak! Kuya Dong, thank you po dahil marami po akong natutunan sa inyo. Isa ka sa pinakamagaling na artista at pinakamabait sa lahat. ‘Di alam ng lahat na may kulit ka rin, kahit na ikaw na si ‘Mr. Dingdong Dantes’!


“Habambuhay po mananatili sa akin ang mga memories natin d’yan sa set. Thank you dahil tinanggap n’yo ang pagka-Bisaya ko. At higit sa lahat, thank you sa pagmamahal n’yong lahat! Dadalhin ko po lahat ‘yun sa puso ko forever.” mensahe ni Shuvee kay Dingdong.





MAINIT ang naging pagsalubong ng mga manonood sa comeback teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador matapos mag-premiere ang Someone, Someday (SS) bilang most-watched show sa Netflix Philippines sa loob lamang ng 12 oras. 


Pasok din ang serye sa listahan ng Top 10 most-watched shows sa Singapore at Malaysia.


Inabangan din ng mga Kapamilya ang TV premiere ng primetime series noong Lunes (Hulyo 27), na nakapagtala ng 334,170 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa YouTube (YT).


Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa X (dating Twitter) matapos purihin ng mga manonood ang ‘refreshing’ na kuwentong handog ng serye.

Ipinakilala sa pilot episode ang matibay na samahan ng mag-BFF na sina Billy (Kathryn) at Jordan (James), lalo na nang palakasin ni Jordan ang loob ni Billy matapos itong iwanan sa altar ng kanyang fiancé (JC De Vera).


Ibinida rin sa episode ang pagiging mapagmahal na ate ni Billy na handang gawin ang lahat para sa kanyang kapatid na si Oliver (Migz Casimiro), na may diabetes. 

Kaabang-abang din ang mga susunod na episodes sa pagpasok ng misteryosong karakter ni Maja.


Napapanood ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 29, 2026



BULGARY - NADINE AT CHRISTOPHE, MARAMING UNFORGETTABLE MOMENTS SA RESORT NILA SA SIARGAO-IG _nadine

Photo: IG _nadine



Ibinahagi nina Nadine Lustre at Christophe Bariou ang loob ng kanilang eco-conscious resort na Maison Bukana sa Siargao sa vlog ni Karen Davila. Matatagpuan ang resort sa Brgy. Malinao, General Luna, Siargao.


Ayon kay Christophe, ang pangalang ‘Maison Bukana’ ay sumisimbolo sa pagsasanib ng kulturang Pranses at Pilipino/Ilocano.


Ang Maison ay nangangahulugang bahay o pamana sa French, habang ang Bukana ay ang lugar kung saan nagtatagpo ang ilog at dagat.


Doon unang nagkakilala sina Nadine at Christophe. Naalala ni Christophe na una niyang napansin si Nadine dahil kahit nasa beach ay abala pa rin ito sa pagtatrabaho gamit ang kanyang laptop.


Inamin naman ni Nadine na una niyang naisip na cute si Christophe, ngunit hindi pa siya naghahanap ng romantikong relasyon noong panahong iyon.


Sey ng aktres, “I thought he was cute, but at that time, I wasn’t really... I wasn’t looking for anything. I just found him really attractive, but I didn’t think anything of it.”


Ipinakita sa vlog ang iba't ibang bahagi ng resort, kabilang ang sunken living room, swimming pool, garden room villa at apat na kuwarto. Marami sa mga kasangkapan ay lokal na gawa sa Siargao, kabilang ang mga upuang hinabi ng mga lokal na mangingisda.

Ayon kay Christophe, ang disenyo ng resort ay inspirasyon din ng isang bangka o deck.

Ibinahagi naman ni Nadine na mayroon silang mas simpleng bahay sa bayan ng Siargao bukod sa Maison Bukana.


Sa vlog, tinalakay din nila ang kanilang relasyon, ang mga katangiang hinahangaan nila sa isa't isa, ang mga hamon na kanilang nalampasan, at ang kanilang plant-based vegan restaurant.


Binuksan nina Nadine at Christophe ang resort para ipakita ang buong kagandahan nito sa loob.


Inilarawan ni Nadine ang resort bilang ‘baby’ ni Bariou at tahanan kung saan nila ginugol ang karamihan sa kanilang mga ‘di malilimutang sandali tulad ng kanilang mga kaarawan.





Kahit amo, ‘di raw ipinararamdam… 

PIOLO, KASABAY KUMAIN ANG ALALAY AT DRIVER



ILANG dekada na rin kung tutuusin ang paninilbihan ni Moi Bien sa aktor na si Piolo Pascual bilang personal assistant.


Sa interview niya with Kara David sa i-Listen, ibinulgar niya ang tunay na ugali at pagtrato ni Papa P sa kanila ng kanyang mga kasamahan sa bahay.


Ani Moi, “Kasambahay kami, driver ‘yung kasama ko. Pero ‘di naman n’ya kami itinuturing na iba.”


Paliwanag pa niya, ang mga kilos ng aktor ay sumasalamin sa kanyang mga sinasabi.


Hindi raw ugali ni Piolo na iparamdam na amo siya. Mas gusto raw nito ‘yung lahat ay komportableng makakasalamuha ang isa't isa.


“‘Yung trato n’ya, parang barkada lang,” aniya.


Madalas daw silang kumain nang sabay-sabay sa halip na magkakahiwalay. Dagdag pa niya, kadalasan ay siya ang naghahanda ng mga pagkain.


Aniya, “Magluluto ako. Ayaw n’ya ng parang kakain kayo nang kani-kanya.”

Ayon pa kay Moi, sinigurado pa ni Papa P na walang pagkakaiba sa mga kagamitan at kainan na ginagamit ng lahat sa bahay.


Kuwento pa niya, “Pare-pareho ‘yung baso, pare-pareho ‘yung kutsara.”

Diin niya, “Wala s’yang arte.”


Sa madaling salita, ipinapakita ng panayam na humanga si Moi kay Piolo hindi lamang bilang artista kundi bilang taong marunong rumespeto at makitungo nang pantay sa kapwa tao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page