top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 21, 2026



TEKA NGA - AIKO, SINULSULAN DAW NI ONEMIG PARA KUMALAS KAY OGIE_IG _aikomelendez & _ogie_diaz

Photo: IG _richardgutz & FB Daniel Padilla 2.5 Era



Marami ang nagulat at hindi inasahan ng marami na kakalas sa management ni Ogie Diaz si Aiko Melendez. Matagal na panahon din silang nagka-tandem. Tinulungan ni Ogie ang career ni Konsehala Aiko upang umangat.


Maging sa personal na mga problema ay karamay ni Aiko ang dating manager. At ito ang nagtatanggol kapag may mga bashers na nanlalait sa kanya. 


Pero nangyari nga ang hindi inaasahan, kumalas si Aiko sa management contract kay Ogie.


May ilang nagsasabi na may kulay-pulitika raw ang pagkalas nito sa dating manager. Alam ng lahat na ‘Pinklawan’ o Leni Robredo supporter si Ogie, habang DDS (Duterte diehard supporter) naman si Aiko. 


Bukod dito, may nagdadawit pa kay Onemig Bondoc na diumano ay siya ang nakaimpluwensiya kay Aiko upang umalis na sa management ni Ogie.


Well, tanggap naman ng manager ang naging desisyon ng dati niyang alaga. Wala siyang tampo at sama ng loob kay Aiko.


Pero may mga netizens na dismayado dahil hindi man lang daw nito personal na pinuntahan si Ogie upang magpaalam nang maayos. Sa social media lang niya idinaan ang pagkalas sa kontrata niya sa dating manager.


Bilang respeto man lang sana sa mahabang panahon ng kanilang pinagsamahan, hindi sapat na sabihin lang ni Aiko na walang magbabago sa pagkakaibigan nila ni Ogie.





HINDI ikinahihiyang aminin ni Mommy Rizza, ina ni Ryzza Mae Dizon, na siya ay naging kasambahay bago niya ipinanganak si Aling Maliit (Ryzza).


At kahit bata pa si Ryzza, kinakitaan na niya ang anak ng talento at pagiging bibo. Kung saan-saang show ito nag-o-audition para lang mapansin at makapasok sa showbiz.


At nang manalo nga siyang Little Miss Philippines sa Eat… Bulaga! (EB!), doon nagsimula ang kanilang suwerte.


Malaking tulong si Ryzza Mae sa kanilang pamilya. Siya na ang tumayong breadwinner kung saan naitaguyod niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Nakapagpundar siya ng bahay para sa kanyang pamilya. Kaya naman, ngayon na medyo nakakaluwag ang kanilang buhay, sila naman ang nagse-share ng kanilang blessings sa mga nangangailangan. 


Namimigay ang ina ni Ryzza Mae ng bigas, itlog, packed lunch/merienda sa kanilang lugar sa Pampanga.


Well, patuloy na bine-bless ang EB! host dahil nananatili siyang humble, mabait at matulungin. Hindi siya nagpapaapekto sa mga taong nanlalait sa kanya.





NAKAKARANAS ngayon ng bashing ang Kapuso actress na si Max Collins dahil sa kanyang role sa The Master Cutter (TMC) as Elaine/Audrey.


Awang-awa na ang mga viewers sa child star na si Sienna Stevens (as Ibyang) dahil mas kinakampihan ni Elaine si Janine (played by Ericca Laude), na inakala niyang ang nawawala niyang anak.


Maldita at bully si Janine, kaya hindi natuloy ang pag-ampon ni Natoy (Dingdong Dantes) kay Ibyang. 


Kaya nabaling kay Audrey ang galit ng mga viewers dahil hindi naman pala ito mabait at kakampi ni Ibyang.


Ganoon ka-effective si Max sa kanyang role, kaya medyo maingat siya kapag nasa malls at regional shows. Baka raw awayin at sugurin siya ng mga fans.

Pati si Natoy, damay sa galit ng mga viewers kay Max.





BF vs. ex ng aktres… DOMINIC, NAUNAHAN PA NI JAVI SA PAG-POST NG PAKIKIRAMAY KAY SUE



INIINTRIGA ng ilang netizens kung bakit daw nauna pang nag-post sa social media ng pakikiramay si Cong. Javi Benitez, ex-BF ni Sue Ramirez, kaysa sa BF ng aktres na si Dominic Roque. Dapat daw ay si Dominic ang unang-unang dumamay kay Sue sa pagpanaw ng kanyang Mommy Chit.


Ganunpaman, baka naman ayaw lang ng aktor na ilantad sa publiko ang pakikiramay sa pamilya ng GF na si Sue. Gusto niyang bigyan ng privacy ang pagluluksa ng pamilya nito at ayaw niyang pagpiyestahan ng lahat ang wake ni Mommy Chit.


Samantala, mahigpit ang pamilya sa venue ng wake ng ina ng aktres at hindi ito open sa publiko at sa media na nais makiramay. May nag-i-screen daw sa lahat ng gustong pumunta sa wake. 


Pampamilya, close relatives and friends lang daw ang pinapapasok.

Well, karapatan naman ng pamilya ni Sue kung gusto nila ng privacy sa panahon ng kanilang pagluluksa. Walang media coverage.

 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 21, 2026



TALKIES - EDU- MAY DAPAT MANAGOT SA BAHA!_IG _realedumanzano

Photo: IG _realedumanzano



Hindi nagpahuli ang aktor na si Edu Manzano sa pagbabahagi ng kanyang saloobin tungkol sa patuloy na pagbaha na nararanasan ng maraming Pilipino bunsod ng malalakas na pag-ulan.


Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Edu ang kalagayan ng mga manggagawang napipilitang lumusong sa baha upang makapasok sa trabaho, kahit hindi ito ligtas.


Aniya, may mga taong walang ibang pagpipilian dahil kailangan nilang kumita para sa kanilang pamilya.


Ani Edu, “‘Di pa ba tayo nagsasawa? Habang may ilan na maaaring manatili sa loob ng kanilang mga bahay, may mga Pilipinong kailangang lumusong sa baha para pumasok sa trabaho.


“‘Di dahil gusto nila, ‘di dahil ligtas. Kundi dahil wala silang choice.

“May kailangang kumita, kailangang pakainin, kailangang bayaran. At taun-taon, paulit-ulit nating nakikita ‘to. ‘Wag nating gawing normal ang ‘di naman dapat normal.”


Sey pa ni Edu, “‘Di normal ang bumaha dahil sa kapabayaan, ‘di normal na may pondo pero walang resulta, at lalong ‘di normal na parang wala nang nananagot.”


Sa huli, nanawagan ang aktor para sa isang mas maayos at responsableng

pamahalaan.


Aniya, “‘Di tayo dapat masanay. ‘Di tayo dapat manahimik. We deserve better. At panahon nang maningil tayo ng mas maayos na pamahalaan.”


Well, maraming sumang-ayon sa comment section ng post ni Edu, lalo na ang mga netizens na nakararanas ng hirap dulot ng pagbaha.





Tunay na pinagpala raw…

SEN. ROBIN, TODO-THANK YOU KAY MARIEL NA UMABOT SILA NG 16 YRS.



Mala-makata ang mensaheng ibinahagi ni Sen. Robin Padilla na puno ng pagmamahal at pasasalamat sa biyaya ng kanilang pagsasama ng kanyang misis, ang TV host-aktres na si Mariel Rodriguez Padilla, sa pagdiriwang ng kanilang ika-16 na anibersaryo, gayundin sa pamilyang kanilang nabuo.


Aniya, “Alhamdulillah (Salamat sa Diyos). Sa biyaya ng pag-ibig na tapat, labing-anim na taon na kaming magkatuwang. Sa hirap at ginhawa, walang pagkukulang.


“Isang lihim na sorpresa ang biglang sumalubong, mula sa dalawang anak na sa amin ay lumingon. Kasabwat ang mga kasama sa aming tahanan, binuo ang isang gabi na puno ng kagalakan.


“‘Di man engrande o marangya ang handaan, damang-dama ang pag-ibig sa bawat sulok.

“Mula sa pagkaing inihanda hanggang sa kantahan, sila ang nagsilbi sa hapag ng aming pagmamahalan.


“Ang pinakamagandang regalo sa mahabang paglalakbay ay ang makitang ang mga anak ay gabay at kaagapay.


“Salamat sa sorpresa, Mariel, aking sinta, sa pamilyang binuo natin, tunay na pinagpala.”

Anyway, happy sweet 16th wedding anniversary, Robin and Mariel!





SUPER sweet ang birthday message ni Zoren Legaspi para sa kanyang misis na si Carmina Villarroel last August 17, na ibinahagi niya sa isang Instagram (IG) post.


Ani Zoren, “Happy Birthday, @mina_villarroel (red heart emoji).

“Our queen, and truly the heart of this family. You bring so much love, warmth, and happiness into our lives, and we are so blessed to have you.


“I love you, and we all love you more than words can say.

“@mavylegaspi @cassy, thank you for being part of this beautiful family and for making every moment even more meaningful.


“Happy birthday, our queen. We love you always (red heart emoji).”

Anyway, happy birthday, Carmina Villarroel-Legaspi!

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 21, 2026



SHEET - PARUSA SA IRESPONSABLENG GUN OWNER, MAS BIGATAN – CONG. JAVI_IG _javibenitezzz

Photo: IG _javibenitezzz



Dahil sa magkasunod na insidente ng pamamaril na sangkot ang mga menor-de-edad sa Tacloban City nu’ng Hunyo 22, at Ateneo de Zamboanga noong isang araw, isinusulong ngayon ng dating aktor at ngayon ay Assistant Majority Leader at Negros Occidental 3rd District Rep. Javier ‘Javi’ Miguel Benitez na mas bigatan ang parusa sa mga loose firearms offenses.


Ayon kay Benitez, ang panukala ay Final Firearms Amnesty and Loose Firearms Accountability Act of 2026. Nais nitong amyendahan ang Republic Act No. 10591 at ipawalang-bisa ang Republic Act No. 8294, pati na ang natitirang probisyon sa Presidential Decree No. 1866.


Gusto ni Cong. Javi na maging non-bailable offense ang pagkakaroon ng hindi rehistradong baril o loose firearm. Layunin din ng panukala ng kongresista na bigyan ng huling 120 araw na palugit ang mga may hawak ng hindi rehistradong baril upang gawing legal ang kanilang pagmamay-ari.


“Our schools should be the safest rooms in the Republic. In 57 days, two of them became crime scenes. In Tacloban, the guns that killed three children came from the adults around them, and the strongest charge we could file against the firearm keeper was malversation. That is not justice. This bill fixes the law that failed those families,” sabi niya.


Base sa record ng Philippine National Police, nasa 1.7 milyon ang loose firearms sa bansa kumpara sa 4.12 milyong registered guns, at 700,000 naman ang napaso na ang registration.


Ang amnestiya ay tatagal ng 120 araw lamang at hindi na maaaring palawigin, simula sa pagpasok sa bisa ng implementing rules and regulations (IRR) ng batas.


Ipagpapaliban o aalisin ang delinquency fees, surcharge at iba pang multa, habang ibababa naman ang registration fees at para sa mga aplikanteng indigent o kapos sa kita ay libre ang pagpaparehistro.


Sinabihan din ang Philippine National Police (PNP) na magtayo ng one-stop centers sa bawat provincial capital at highly urbanized city, gayundin ang pagpapadala ng mga mobile registration team sa mga rural, isla, kabundukan at agricultural communities upang mas mapadali ang proseso.


Maglagay din daw ng implementing rules na simple at abot-kayang proseso para sa pagpaparehistro ng mga heirloom firearms, gayundin ng mga baril na may cultural, customary, o indigenous significance.


“To the more than one million licensed and responsible gun owners of this country, you are not the problem, and this bill says so. To everyone holding a loose firearm, this is your last open door. Walk through it, because after 120 days, the gate locks and enforcement begins in full,” sabi ni Cong. Javi.


Dagdag pa, “Amnesty first, accountability forever after. Amligan ta ang aton mga kabataan. Let us protect our children.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page