top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 31, 2026



SHEET - BELA, IBINULGAR ANG MATINDING PINAGDARAANAN-IG _bela

Photo: IG _bela



Naglabas ng mahabang caption si Bela Padilla sa video post niya sa kanyang Instagram (IG) account na nagmamasa siya ng brown dough na sa tingin namin ay nag-aaral siya ng baking.


Mula sa awitin ni Alek Olsen na Someday I’ll Get It ang background music ng aktres na tungkol sa taong nawala sa kanya at nagdulot ng sakit na hanggang ngayon ay dala-dala niya.


Pahayag niya, “I use this song for work, when I need to release big emotions at the end of the day. When I’m not working, I avoid it at all costs. But today… I let myself be upset.

“Since the year started, I’ve received so many blessings — new projects offered and completed, movies doing well in theaters and streaming, shoots, covers, personal projects, travels, nominations, recognitions…


“So when a few sad things happened, and with the backdrop of what’s been happening in our country, I felt like I had no right to complain. I stayed quiet — probably shocking to some, since I usually speak up for what I believe is right and lend my voice to the silent.”

At dito inamin ni Bela na may personal siyang pinagdaraanan.





Aniya, “The truth is, a lot was happening in my personal life too. While I filled my few free days with happy moments, I was learning the hard way who I could actually trust. People I’ve uplifted over the years turned a blind eye when they could have easily spoken up and helped carry my burden, for once. That wasn’t an easy pill to swallow. And things that hurt me as a child started showing up dressed as care and love. So maybe now you have a clearer picture of why I’ve been quiet.”


Ilang linggo na ang nakararaan ay may posts ng mga larawan sina Kim Chiu at Angelica Panganiban na hindi kasama si Bela. May kinalaman kaya ang post niyang ito sa pagkasira raw ng friendship nila?


Matatandaang hinanapan ng reaksiyon si Bela sa viral photos nina Kimmy at Angge, pero dedma ang una at ngayon lang siya nag-post.


Sey niya, “Recently, I’ve started finding my voice. I’ve started pushing back. The problem with being compliant your whole life is that people get startled when you finally say ‘enough.’ Just the sound of your voice can offend the people who hurt you once you start naming what they did. That’s okay — don’t be scared.


“If you’re in the same boat... I haven’t figured it all out either. But I figured it out today.

“My advice, if you need to get through today: listen to Someday I’ll Get It on loop and give yourself a good cry. You’ll feel better. Tomorrow, we’ll figure out the next steps again. And someday, we will actually get it. (praying hands and heart emojis).”


Maraming komentong nagpahatid ng suporta kay Bela at isa-isa niya itong sinagot ng pasasalamat.


Pero itong si @beirut1234 ay iba ang post, “Baka naman ‘di pa handa at on healing pa

ang taong tinutukoy mo. Not all are confrontational. Kailangan din nating maging patient at mag-self-check. True friendship is unconditional.”


Sagot ng aktres, “I’m the least confrontational person you will come across. (laughing face emoji). This post wasn’t directed towards specific people. But if you interpret it that way, that’s on you… If you’re attacking for something that’s meant to be positive, maybe you didn’t get it? (heart emoji).”


Sa kasalukuyan ay trending sa social media ang post ni Bela at halos 9,000 na rin ang komento sa kanyang IG account.





DOBLE ang saya at doble ang panalo sa panonood ng primetime shows ng ABS-CBN sa ALLTV2 dahil puwedeng manalo ng cash prizes na hanggang P50,000 sa pagbabalik ng Tutok 2gether special promo.


Todo-todo ang saya dahil mas maraming Kapamilya ang maaaring manalo sa simpleng pagtutok sa paboritong primetime shows na TV Patrol ng 6:30 PM, Coco Martin’s Sigabo ng 8 PM, at Someone, Someday (SS) ng 8:45 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang Biyernes.


Maaaring ma-enjoy ang promo simula Hulyo 27 hanggang Setyembre 18, kung saan magkakaroon ng 20 daily winners ng P2,000 at dalawang weekly winners ng P25,000. Mas pinalaki pa ang premyo sa ‘Doble Panalo’ na handog, kung saan ipi-flip ang lucky coin para malaman kung dodoblehin ang cash prize.


Mas malinaw ang panonood ng Kapamilya primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes. Huwag palampasin ang pagkakataong manalo sa Tutok 2gether.


Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB, X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT), o bisitahin ang ABS-CBN newsroom.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 32, 2026



Instagram ni Dingdong Dantes

Photo: Instagram ni Dingdong Dantes



Aminado si Dingdong Dantes na kabilang din siya sa mga celebrities na apektado sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente at maging ng mga bilihin. Kaya nga raw talagang nag-isip na rin sila ng misis na si Marian Rivera ng mga paraan kung paano makakatipid.


“We all want to think of ways on how to save, lalo na sa monthly bills or anumang gastusin,” sey ng aktor sa media launch niya bilang ambassador ng MARSTEK Philippines na ginanap last Wednesday.


“Lahat naman po tayo, gusto natin na maging efficient ang ating pagkonsumo na ‘di naaapektuhan, kasi puwede kang maging efficient pero may kapalit, ‘di ba? Papatayin mo 'yan, ‘di mo gagamitin ito (electric appliances), pero siguro, sa isang ideal na sitwasyon, magandang efficient s’ya pero at the same time, nagagamit mo pa rin 'yung mga appliances na gusto mo para maging komportable rin po ang pamumuhay sa loob ng bahay,” aniya.


He revealed na hanggang ngayon nga raw ay magkakasama silang natutulog na buong pamilya sa isang kuwarto.


“We like sleeping in one room, pero ‘yan, ‘di naman dahil sa gusto naming magtipid, kundi dahil gusto naming makasama ang isa't isa. Magkaiba po ‘yun, bonding po ‘yun,” natatawa niyang sabi.


Kaya naman para mas lalong makatipid ay nagdesisyon na si Dingdong na magpakabit ng solar panels na isa sa mga ino-offer ng MARSTEK PH, an AI-powered energy storage brand.


At very timely din naman na siya ang napili ng nasabing kumpanya to be their newest brand ambassador.


“Bukod sa pagtitipid at kung sakaling mawalan ng electricity, malaking bagay na alam mong may backup ka, alam mong handa ka kung sakaling may isang bagay na darating, kung brownout man 'yan o sakuna. It's good to know that you’re assured na may ganitong

technology na backup,” saad ng aktor.


As the face of MARSTEK Philippines, Dingdong will spearhead the company's advertising, digital, promotional, corporate, and product campaigns, representing the brand's commitment to innovation, reliability, and excellence.


Samantala, during the interview with the press ay natanong si Dingdong tungkol sa collaboration project ng AKTOR PH with its newest member na si Coco Martin.

Ayon sa aktor ay hahayaan na lang niya si Coco na mag-announce.


“Gusto ko mang mag-share ng details pero ayaw ko munang i-spoil ang details dahil magkakaroon s’ya ng separate announcement,” aniya.


“Excited na ako maibahagi ‘yun very soon, pero for now, pinag-uusapan na namin ang detalye at nasa planning stage, at gusto ko, s’ya ang mag-announce,” dagdag niya.

When asked kung magiging part din siya ng project, sey ni Dong, “Baka... siguro. Pero inaayos namin.”


Puring-puri rin niya si Coco dahil ideya raw nito ang nasabing collab project para makatulong sa industriya.


“Ang idea na ‘to ay nanggaling sa kanya, at bilib na bilib talaga ako sa kanyang dedication at sa kanyang utak sa mga ganitong bagay na para talaga sa industriya. Ramdam na ramdam mo talaga ang kanyang pagmamahal at dedikasyon,” aniya.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 31, 2026



BULGARY - NETIZENS KAY SEN. ROBIN NAKAKAHIYA KA!-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Isang netizen ang nag-post sa Threads tungkol sa sagupaan nina Sen. Robin Padilla at Jay Tristan Tarriela, isang rear admiral ng Philippine Coast Guard (PCG) at tagapagsalita nito para sa West Philippine Sea (WPS). Isa siya sa mga pangunahing opisyal na nagbibigay ng update tungkol sa mga insidente sa WPS at sa mga operasyon ng PCG.


Sey ng isang netizen, “Ang Shakit (sakit), Rub-IN (Robin). Ang sabi ko sa ‘yo, bago ibuka ang bibig, pag-isipan nang hundred folds. ‘Yan tuloy, ikaw na naman. Pambansang Dugol. 

“Mga Kumarites, sayang pera ng bayan sa ganitong senador.”


Nag-ugat ang sagupaan nina Tarriela at Padilla sa AI-generated video ng China Daily na naglarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy sa gitna ng isyu sa WPS.


Sinabi ng senador na si Tarriela umano ang ‘drew first blood’ o nagpasimula ng paglala ng ‘wartime propaganda’ laban sa China dahil sa transparency campaign ng PCG tungkol sa mga insidente sa WPS.


Tumugon si Tarriela na hindi propaganda ang kanilang ginagawa kundi pagdodokumento lamang ng umano’y pangha-harass ng China sa mga Pilipinong mangingisda at mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Pinuna rin ni Tarriela ang naging pahayag ni Padilla tungkol sa ‘monkeys of different colors’ at iginiit niyang “Hindi po tayo unggoy,” at hindi dapat tanggapin ng mga Pilipino ang ganitong uri ng panlalait mula sa kahit na anong bansa lalo na sa China.

Siyempre pa, ang mister ni Mariel Padilla na naman ang binanatan ng mga bashers.


“Robin, everytime you speak, maraming controversies. Think before you speak. Make some sense naman. Nakakahiya ka, eh.”


“Tagos sa buto ‘yun, Robin. Frontliner ‘yan ng bansa, ikaw backliner. Sasakay ka ng bus liner ‘pag nagkagera.”


“Yes, Commodore Tarriela, gusto ko ‘yan, walang takot mangatwiran sa senador na walang alam.”


“Go, Sir PCG Jay Tarriela, for our motherland.”

“Taumbayan din ang may kasalanan, ibinoto s’ya kahit walang alam.”

“I salute you and proud of you, PCG Jay.”


“Kaya malakas ang loob ng mga Intsik na ‘yan dahil kinakampihan ng senador na ‘yan.”

May ilan namang nagtanggol sa senador.


Sey ng isang fan, “Bobo ‘tong si Tarriela. ‘Di n’ya ba alam kung ilan ang nailigtas ni Sen. Robin sa Abu Sayyaf?”


Sa ganang amin, kaya malimit magtanong ang senador ay dahil gusto niyang malaman kung ano talaga ang sitwasyon.


Hindi sa kinakampihan niya ang China. Siya lang kasi ang may lakas ng loob na magtanong upang maintindihan ng buong bayan ang buong pangyayari.





JM, HINALIKAN AT SINABIHAN NG “MASARAP KA” ANG ISANG BATA, NA-BASH



UMANI ng batikos mula sa mga netizens ang Kapamilya actor na si JM de Guzman matapos umanong sabihang ‘masarap ka’ ang isang bata.


Sa isang kamakailang post sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng video na umani ng mga negatibong komento laban sa aktor.


Makikitang hinalikan ni JM ang bata sa pisngi. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi marinig, pero idiniin sa video na sinabi umano ng aktor sa bata na “Masarap ka.”


Pagkatapos noon, pabirong itinuro ng direktor ang kumukuha ng video at sinabing mahilig itong mag-post sa social media. Habang nakangiti, sinabi ni JM na baka magalit ang ina ng bata.


“‘Di ko masyadong maintindihan ‘yung ibang part na sinabi, pero it’s giving me creepy vibes. Hinalikan pa talaga. 


“Sabi sa comment section, ang narinig daw nila ay ‘‘Wag kang magpapaiyak ng mga babae, ha, pasarap lang.’ Mali pa rin ‘yun! Kitang-kita sa body language ng bata na alam n’yang may mali.


“Sa showbiz industry, normal na mag-joke ang mga manipulative predators,” ayon sa caption ng post.


Sa comment section, binatikos din ng ilang netizens ang actor.

“Baka kaya bet na bet n’ya si Donnalyn Bartolome kasi may pagka-childish vibes si girl. Hahaha! Remember nu’ng nag-cosplay s’ya bilang young girl o toddler? Na-bash s’ya ru’n.”


“There are so many clowns in ‘Pinas and others even continue idolising them. Don’t watch this garbage.”


“Kinabahan pa kasi may nagbi-video. Paano na lang kaya s’ya umasta sa harap ng mga minor kung walang camera?”





SI Angel Locsin ang nasa ikatlong puwesto sa Most Followed Celebrity on Facebook 2026. Nakapagtala ang aktres ng 24 million followers. Ang listahan ay may sariling pamantayan dahil hindi isinama ang content creators, influencers, vloggers at bloggers.


Hindi ito listahan ng lahat ng may pinakamaraming FB followers kundi ng isang partikular na kategorya ng mga celebrities. 


Hindi ito nangangahulugang siya ang pangatlong may pinakamaraming Facebook followers sa lahat ng public figures o celebrities sa buong mundo.


Well, ilang taon ding naging inactive ang actress sa kanyang social media. Kamakailan lang niya muling binuksan sa publiko ang kanyang platforms nang i-call out niya si Sen. Robin Padilla.


Ilan sa mga komento ng mga netizens:


“‘Yan ba ‘yung may pinagdaraanan dahil nagsasabi lang ng totoo? Congrats, Ma’am.”

“Congrats, Ms. Angel! Ang bait mo kasi at matino ang pag-iisip.”


May pasaring naman ang isang commenter sa misis ni Robin, “Mariel Rodriguez Padilla, 5.6M followers.”


“Sabi n’yo, laos. Inactive pa ‘yan, ha?”


“‘Yan ba ang tinatawag na laos?”


“Ang alam ko, ilang beses s’yang pinuntahan ng ABS-CBN para bumalik sa showbiz pero declined pa rin.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page