top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 2, 2026



Mark Alcala at Kathryn Bernardo - Circulated

Photo: Circulated



Nakunang tumatawid sa mga monoblock chairs si Kathryn Bernardo kahapon dahil baha sa location ng taping ng Someone, Someday (SS) series nila nina James Reid at Maja Salvador.


“Go guys, thank you po. Live na live po dito sa Cainta, Rizal. Thank you, Kuya,” maririnig sa video na nai-share sa social media ng @dKapamilyaTV.


Mula sa tent kung saan ang standby area ng aktres ay nilagyan ng mga monoblock chairs bilang tulay niya patungo sa kanyang van, at mukhang ine-enjoy ni Kath ang moment na iyon dahil ang ganda ng ngiti niya.


Inabutan si Kath ng malakas na ulan sa nasabing lugar na nagdulot ng pagbaha na abot hanggang kalahating binti, base sa napanood naming video.


May nabasa kaming ang arte raw ni Kathryn dahil bukod sa paglalagay ng mga monoblock chairs ay pinapayungan pa ang aktres gayung huminto na ang ulan.


May mga nagtanggol naman sa aktres, “‘Di kaartehan ‘yan. Nag-iingat lang, baka magkaroon ng sakit na leptospirosis at nakakamatay ito.”


May isa pang komentong “Kung si Queen Kaila (Estrada) namin ‘yan, lulusong ‘yan sa baha at ‘di kailangan ng upuan at payong, kaya nagustuhan ng aming King DJ (Daniel Padilla).”

Susme, hindi pa rin nakaka-move on ang mga bashers sa pagkukumpara kina Kathryn at Kaila? 


Hello, ilang taon na ang nakalipas at parehong masaya na sa kani-kanilang partner sina DJ at Kath.


Anyway, may paglilinaw ang taong ayaw ipabanggit ang pangalan na hindi raw totoong hiwalay na sina Kath at Lucena City Mayor Mark Alcala, taliwas sa mga naglabasang blind items sa social media.


Sey ng isang source, “Sinundo ni Mayor Mark si Kath sa taping kailan lang. Paanong naghiwalay?”


Hirit namin, “Kailan sinundo?” Kasi kahit nu'ng isang araw lang sinundo, baka that day din ay nagkaroon sila ng gusot?


Anuman ang totoo, lalabas din isa sa mga araw na ito.





Nahuli ng NBI dahil sa human trafficking… 

SIKAT NA AKTRES, ‘DI RAW ESCORT GIRL PERO TODO-KABADO NA MADAMAY KAY LITO DE GUZMAN



BLIND ITEM


HOW true na dahil sa pagkakakulong ngayon sa NBI detention facility ng talent manager na si Lito de Guzman ay may ilang contract stars niyang gusto nang kumalas dahil nangangamba sila kung hanggang kailan mananatili sa kulungan ang kanilang manager?


Human trafficking ang ikinaso kay Lito at walang bail ito, kaya habang dinidinig ang kanyang kaso ay mananatili siyang nasa detention facility.


Sa pagkakaalam namin ay maraming talents si Lito na mostly ay lumalabas sa Vivamax movies, kaya siguro nangangamba silang hindi na sila maaasikaso.


Hindi ba’t co-managed naman ni Lito ang mga ito sa Viva? Hindi naman siguro sila pababayaan ni Boss Vic del Rosario.


Isa pang nakarating na balita sa amin ay “‘Yung isang kilalang aktres na minsan nakunan n’ya (Lito) ng booking, naloloka ngayon. Sana raw, ‘di lumabas ang pangalan n’ya.”


Natawa kami to the max sa reaksiyon ng kilalang aktres. ‘Di ba, sabi n’ya, hindi siya pumapatol o katulad ng ibang escort girls? Bakit may ganito siyang emote ngayon?


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 2, 2026



Katrina Llegado - IG Eduarda Barum

Photo: Katrina Llegado - IG Eduarda Barum


Bongga ang pagpasok ng unang araw ng Agosto dahil isang magandang balita ang bumulaga sa mga Pilipino nang masungkit ng pambato ng bansa na si Ma. Katrina Llegado ang titulong Miss Supranational sa Poland.


Isang modelo, negosyante, at military reservist si Katrina na nagtapos sa De La Salle University (DLSU). Siya ang pangalawang Pilipinang nanalo ng titulo matapos ang kompetisyon na ginanap sa Nowy Sącz, Poland, noong Hulyo 31 (Agosto 1 sa Maynila). Si Mutya Datul ang unang winner ng Miss Supranational noong 2013.


Kinabog ni Katrina ang 66 pang kandidata mula sa buong mundo upang makuha ang korona mula sa nagwagi noong nakaraang taon na si Eduarda Braum ng Brazil.


Hindi ito ang kanyang unang international competition. Una niyang ini-represent ang Pilipinas sa 2019 Reina Hispanoamericana pageant sa Bolivia, kung saan nakamit niya ang Quinta Finalista o 5th runner-up.


Bago nakuha ni Llegado ang titulong 2026 Miss Supranational, nakapasok siya sa finals ng 2025 Miss Universe Philippines pageant kung saan si Ahtisa Manalo ang winner.


Ang first runner-up naman sa Miss Supranational ay ang seasoned contender na si Ève Gilles ng France, na naging semi-finalist din sa 74th Miss Universe pageant.

Congrats, Katrina Llegado! Ano kaya ang masasabi ng mga bashers na nagsabing hindi siya makakapasok sa Top 20?


Isang malaking sampal sa kanila ang kanyang pagkapanalo.





ANG itinanghal na Best Picture sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na I’mPerfect, ang first-ever Filipino feature film na tampok ang mga aktor na may Down syndrome, ay nakatanggap ng official invitation sa Lucania Film Festival.


Isa na namang malaking karangalan ito para sa Pilipinas at malaking hakbang para sa patuloy na pag-angat ng Philippine independent cinema sa world stage.


Dumating na sa Italy ang cast na kinabibilangan nina MMFF Best Actress Krystel Go, Earl Amaba, Javi Sarmiento, at Angela Batallones. Kasama rin ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez at ang creative team ng award-winning Filipino independent film na I’mPerfect upang opisyal na i-represent ang Pilipinas sa 27th Lucania Film Festival na gaganapin mula August 2 to 5 sa Pisticci, Italy, kung saan kabilang ang pelikula sa official international line-up ng prestihiyosong festival.


Ang film festival ay isa sa mga kinikilalang international festivals na nagbibigay-pugay sa independent films at nagtitipon ng filmmakers, producers, at artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo.


Isa nga itong napakalaking milestone para sa I’mPerfect, na mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo, na patuloy ang pag-ani ng international recognition matapos ang matagumpay nitong festival run noong Disyembre, 2025.

Habang nasa Italy, nakikibahagi ang Philippine delegation sa iba’t ibang festival activities kasama ang filmmakers at industry professionals mula sa Europa, Asya, at iba pang mga bansa.


Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa cultural exchange, networking, at posibleng international collaborations.


Sa pamamagitan ng I’mPerfect, maipapakita sa international audience ang isang natatanging kuwentong Pilipino, pati na rin ang world-class creativity at husay ng ating mga filmmakers.


Ayon kay Ria Atayde-Marudo, CEO ng Nathan Studios, ang pagkakapili sa  pelikula ay bunga ng dedikasyon at pagsisikap ng buong production team at isang pagkakataon upang maipakita ang galing ng mga Pilipino sa mas malaking pandaigdigang entablado.


Higit pa sa festival screening, ang paglahok ng I’mPerfect sa Lucania Film Festival ay patunay na lalo pang kinikilala ang Philippine cinema sa international film community, kung saan patuloy na nakakakuha ng invitations, awards, at magagandang reviews ang mga pelikulang Pilipino.


Ngayong nasa ika-27 taon na ang Lucania Film Festival, nananatili itong isa sa mahahalagang international events na nagsusulong ng independent filmmaking at cultural exchange sa pamamagitan ng pelikula.

Congrats, Team I’mPerfect!

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 2, 2026



Aljur Abrenica at AJ Raval sa interview - Circulated

Photo: Aljur Abrenica at AJ Raval sa interview - Circulated



Agaw-pansin ang pagrampa ng magdyowang Aljur Abrenica at AJ Raval sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 na ginanap nitong July 30 sa Isla Ballroom ng Shangri-La EDSA, Mandaluyong City.


Ito kasi ang kauna-unahang pagsasama ng dalawa sa isang bonggang fashion show.

Kabilang sina Aljur at AJ sa mahigit 40 celebrities na isa-isang rumampa sa naturang jewelry fashion show sa pangunguna ng CEO at presidente ng Maddox na si Ms. Charo Cordial.


Sa panayam sa kanila matapos ang kanilang pagrampa, masayang-masaya ang magdyowa sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga nanood ng naturang event.

“Everything that happened tonight, we consider it as a blessing from God. It’s a first time. Coming from you na maganda ang tanggap ng mga tao, naramdaman namin, nag-enjoy kami,” sabi ni Aljur.


Natuwa rin ang aktor na makita ang iba pang celebrities na nakatrabaho na niya.

“Nangyari kanina sa backstage, parang nagkaroon ng konting reunion. Mga nakatrabaho ko dati, sina Kris (Bernal), Ara Mina, Polo (Ravales),  du’n ko nakita ‘yung saya ng event na ‘di nakita ng audience. Nakakatuwa sila!” pahayag ni Aljur.


Natanong naman ang dating Vivamax Queen kung may plano na siyang bumalik sa pag-aartista at sey niya ay hindi pa niya masabi sa ngayon.


“‘Di pa ako masyadong nakapag-decide pero mas priority namin ‘yung mga bata sa ngayon. Pero pakonti-konti po, babalik ako. For now po, mas priority namin ‘yung family and also, nag-aaral din po kasi ako ulit ngayon, eh,” ani AJ.


Sinagot din ng dalawa ang tanong tungkol sa pagpapakasal at sey ni Aljur, “Everything happens at the right time, ‘di ba? Kung anuman ang nangyayari ngayon, ang masasabi namin, our priority is our kids. Lahat ng mga bata.”


Sa naturang fashion event ay ka-join din nilang rumampa ang action star at tatay ni AJ na si Jeric Raval bilang isa sa ‘10 Icons of Timelessness’.


Ang iba pang rumampa sa star-studded fashion show ay sina Pokwang, Claudine Barretto, Beauty Gonzalez, Ara Mina, Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Maureen Larrazabal, DJ Durano, Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Gary Estrada, Alma Concepcion, Ryza Cenon, Edgar Allan ‘EA’ Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, Negi, at marami pang iba.





MUKHANG tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik sa limelight ni Kris Aquino.

Nagbahagi ng larawan sa kanyang social media page ang kaibigan at dating katrabaho ni Kris sa Kris TV na si Jasmin Ignacio Pallera, kung saan makikitang nag-meet sila kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.


Nasa larawan din ang bunsong anak ni Kris na si Bimby at isa pang kaibigan at dating katrabaho na si Darla Sauler.


Caption ni Jasmin, ang haba raw ng tsikahan nila ni Kris na puwede nang pang-isang linggong episode.


“Unfiltered chikahan worthy of week-long episodes. Hahaha! I miss you, Krisy and Bimb!” sey ni Jasmin.


Sa naturang larawan ay makikita na mukhang bumabalik na talaga ang dating kalusugan ni Kris. Hindi na siya payat na payat tulad ng mga nakaraang taon at maganda rin ang kanyang kutis ngayon.


Come to think of it, sa Pilipinas na-achieve ni Kris ang ganito kagandang estado ng kanyang kalusugan, unlike noong nasa United States (US) siya na humpak na humpak ang kanyang mga pisngi at halos hindi na siya makilala sa sobrang kapayatan.


Ngayon ay nagkakalaman na siya, mamula-mula ang mga pisngi, at parang mas bumata pa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page