top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 3, 2026



BIDA - SARAH, NATANGGAP NA ULI NG PARENTS, MATTEO, ‘DI PA RIN-DB Circulated

Photo: DB Circulated



Muling nakasama ni Sarah Geronimo ang kanyang parents. Mas malinaw ang photos at makikita ang masayang mukha ni Sarah at ng parents niyang sina Delfin at Divine Geronimo. 


Ikinatuwa na naman ito ng mga supporters ni Sarah na matagal nang hinihintay na magkaayos sila.


Ramdam din ang saya sa post ng dad ni Sarah na, “Magandang umaga na bumabati kami sa ‘yo ng isang napakaligayang kaarawan ngayong birthday mo na ‘tong araw na ‘to. Nandito kami, magulang mo, tunay na pamilya mo, mga kapatid mo, nagmamahal sa ‘yo nang walang sawa kahit ano’ng mangyari. ‘Di ka namin makakalimutan, anak.


Mahal na mahal ka namin. Love you, Sarah. Happy Birthday! God bless! Daddy Delfin.”

Hindi lang maiwasang hanapin ng mga fans ang husband ni Sarah na si Matteo Guidicelli dahil wala ito nang mga oras na kasama ni Sarah ang parents niya. May nag-comment na mas masaya sana kung kasama nila si Matteo. 


May nag-comment pa na, “Sana, matanggap na ng parents ni Sarah si Matteo,” na sinundan ng “Not complete without Matteo,” “Mas masaya sana kung kasama si Matteo,” at “Sana, kasama na si Matteo sa family ni Sarah para lubos ang kaligayahan ni Sarah.”


Umaasa ang mga fans ni Sarah na darating din ang araw na makakasama nina Sarah at ng kanyang parents si Matteo. Ipinagdarasal daw nila ito. Kasama nga sa wish at prayers nila na makasama ng mga ito sa isang family event ang parents ng dalawa.





Nag-iingay lang daw bilang host…

MOND, PROUD NA CLEAN MONEY GIRLS ANG FRIENDS



May mga na-trigger sa Instagram (IG) Story post ni Mond Gutierrez na, “What a joy to have REAL friends. #CleanMoneyGirls.” 


Sa hashtag nag-react ang mga netizens. Shading daw ‘yun na kinontra ng ibang mga netizens.


Wala naman daw masamang ibig sabihin si Mond, nag-enjoy lang siya kasama ang mga kaibigan. Ang photos sa kanyang post ay glass ng drinks ng friends niya na hindi na ipinakita. Gusto silang makita ng mga nag-react at na-trigger para malaman kung galing nga sa malinis na paraan ang kanilang pera.


Nagulat siguro si Mond sa naging reaction sa kanyang post, pero marami ang kumampi sa kanya. Wala raw masama sa post niya, binigyan lang ng double meaning ng mga netizens. 


May nag-akusa pa kay Mond na nagpapa-relevant mula nang kunin ng Bilyonaryo News Channel (BNC).





Ayaw paniwalaan ng netizens…

CIANNE, TODO-TANGGOL NA ‘DI BUNTIS SI KIM



  • Cianne Dominguez at Kim Chiu
    Cianne Dominguez at Kim Chiu - Instagram


May mga naniniwala pa rin na preggy si Kim Chiu kahit naglabas na ito ng workout video na nagpapatunay na fake news ang balita. Nakipagsagutan na rin ang co-host ng It’s Showtime (IS) na si Cianne Dominguez sa makukulit na naniwalang buntis si Kim.


Sa nag-comment ng “Not a mom but I’m a nurse. I can tell that’s a baby bump. If I’m wrong, isasauli ko license ko,” sagot ni Cianne, “Isauli mo na po, ako na ang nagsasabi.” 

Sa nag-comment na, “Te, ‘di ka na-inform ni Kim,” sagot ni Cianne, “Sabi n’ya sa ‘yo, te.” 

Sa nag-comment na, “‘Di naman kayo close ni Kim,” sagot ni Cianne, “Ay, nakakasama ka namin lagi?”


Pinasalamatan ng mga fans ni Kim si Cianne dahil sa pagtatanggol kay Kim at pagpapatunay na hindi buntis ang aktres. 


Tanong tuloy ng mga fans, ano ba ang dapat nitong gawin para maniwala ang tao na hindi siya buntis?


Ang sagot ng ibang fans ni Kim, wala itong dapat gawin at hayaang mamatay ang isyu. Malalaman din naman kung buntis siya kapag lumaki ang kanyang tiyan, na dahil mali ang tsismis, hindi aabot na lalaki pa ang kanyang tiyan.





BIRTHDAY ni Dingdong Dantes kahapon at noong isang araw, in-announce ng GMA na nagbabalik siyang host ng The Voice Kids (TVK). Ikinatuwa ito ng mga viewers ng TVK dahil swak daw na host si Dingdong bilang ama at nakaka-relate siya sa mga batang contestants.


Pero may iilang mga netizens na nagreklamo. Bakit daw laging si Dingdong ang napipiling host ng GMA-7? May iba pa raw talent ang network na puwedeng maging host ng TVK, at binanggit si Drew Arellano. Bakit daw hindi nila subukan si Michael Sager at iba pang talents na into hosting din?


Well, isang sagot dito ay madaling ibenta sa sponsors si Dingdong dahil alam nilang magaling siyang host. Kung susubok daw sa iba, baka hindi kagatin ng sponsors at advertisers.


Anyway, si Gabbi Garcia ang Journey host ng TVK at sina Julie Anne San Jose, Yeng Constantino, at Gloc-9 ang coaches ng new season.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 2, 2026



Nadia Montenegro at Robin Padilla - File - FB

Photo: Nadia Montenegro at Robin Padilla - File - FB



Dasal ang tugon ni Nadia Montenegro sa ipinu-push na panukalang pagtakbo ni Sen. Robin Padilla bilang presidente ng bansa sa susunod na halalan sa 2028.

Kilalang malapit na kaibigan ni Sen. Robin si Nadia. Naging miyembro pa ito ng Senate staff ng aktor-pulitiko.


“Ah, only God knows…” sey ni Nadia sa suhestiyon na Robin for president.

Aniya pa, “Thy will be done, kumbaga. Hahaha! ‘Di natin alam, eh. Kahit naman sa sarili nating buhay, we don’t know what’s going to happen tomorrow, ‘di ba?


“I think kung meron mang dasal, para sa lahat, sa bayan natin. We need prayers kasi, eh. Kawawang-kawawa na ang mga Pilipino.”


Nakausap namin si Nadia sa bonggang Maddox Runway Diamond Fashion Show sa EDSA Shangri-La last Thursday. Naitanong din namin kay Nadia kung nag-unfollow din ba siya kay Angel Locsin sa mapanuksong statement nito kontra kay Sen. Robin.

“Hindi,” malumanay na sagot ni Nadia.


Paliwanag niya, “Wala naman akong mga ganu’n. ‘Di ako nakikisali sa mga ganu’n.

“Ah, kung si Robin nga, walang reaksiyon, ‘di ba? Pero ako kasi, ‘di ko rin maintindihan ‘yung mga past-past nila. Tsaka alam n’yo, kung puwedeng ‘di ako magbasa ng tungkol sa pulitika, ayoko na talaga. Sobrang sakit sa ulo talaga. Masakit sa dibdib ng mga Pilipino ang mga nangyayari ngayon.”


Naka-focus daw si Nadia sa kanyang catering business ngayon, plus sa kanyang family life, especially ngayong tatlo na ang kanyang mga apo.


Kapapanganak lang daw ng daughter niyang si Alyn sa kanyang third grandchild. Isa roon ay ang three-year-old daughter ni Ynna Asistio sa mister na si Bully Carbonel.

Present din si Ynna sa Maddox Fashion Show ng alaherang si Charo Cordial. Isa si Ynna sa mga nag-guest sa vlog ni Madam Charo. And from there, nagkaroon na ng collaboration sa jewelry sina Ynna at Madam Charo.


“Si Ynna kasi is HIA graduate. Nag-aral sa LA ‘yan. So nu’ng nag-guest s’ya kay Ms. Charo, nagkasundo naman sila sa mga negosyo. But Ynna has her own business. Nagko-collab ‘pag halimbawa, may customer si Ynna na gustong ipagawa na customized item,” paliwanag ni Nadia.


Habang ang bunso niya na si Sophia, na anak nila ni Baron Geisler, ay nakatakdang mag-enroll sa college next week.


Si Nadia raw ang magbabayad ng tuition fee ni Sophia sa enrollment. Bahala na si Baron kung mag-share siya bilang ama nito.

Ganern?!





Kim, nakabalik na…

VICE, NO SHOW PA RIN SA IT’S SHOWTIME



MISSING in action (MIA) pa rin si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) kahapon. Ilang days nang nami-miss ng madlang people si Vice sa show.


Since bumalik ang ibang hosts from Australia gaya nina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Darren Espanto — waley pa rin ang beauty ni Vice.


Mabuti na lang at super-nakakaaliw pa rin ang mga contestants sa Miss Q & A segment.


Nagbabalik para sa next level of competition ang mga ‘Mhiema’ na sa talak ay hindi lang basta ‘mema. kundi may laman ang sinasabi. Weekly finals na ulit ng Miss Q & A.


Sa unang araw ng August sa IS, hindi man lang pinagpawisan ang mga kandidata sa unang round. Ang bilis nilang pumindot at maibigay ang mga tamang sagot. 


But, unfortunately, kailangang magbawas ng isa at si Jinger ang unang naligwak.

Iba’t ibang putahe ang inihain ng ladies sa Round 2. 


Pati sina hurados Max Collins, Ralph de Leon at Nicole Cordoves ay nagpakitang-gilas sa biglaang pagtalak.


Good vibes at pag-asa ang hatid ng It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa ABS-CBN, ALLTV 2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 2, 2026



Bong Revilla - Circulated

Photo: IG _chinitaprincess



Isang simpleng “Salamat!” ang naging tugon ng aktor-dating senador na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanyang paglabas matapos siyang payagan ng Sandiganbayan Third Division na makapagpiyansa ng P1 milyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ayon sa mga mamamahayag na naroon, kapansin-pansing maluha-luha ngunit nakangiti si Sen. Bong habang isinasakay sa sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


Bukod sa salitang “Salamat,” wala na siyang ibinigay na pahayag sa media.

Samantala, ibinahagi ng filmmaker, scriptwriter, at media personality na si Portia Ilagan ang isang larawan na nagpapakita kay Sen. Bong na dumiretso sa puntod ng kanyang mga magulang matapos siyang makalaya.


Sa kanyang post, inilarawan ni Portia si Sen. Bong bilang ‘dutiful, loving, happy, and respectful son’.


Dagdag pa niya, “Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr. went straight to their family mausoleum at Eternal Garden Park in Toclong, Imus, Cavite, from the Payatas Jail after posting bail at the Sandiganbayan on the afternoon of July 31, 2026.


“The former three-term senator was incarcerated for more than the past six months (since he voluntarily surrendered last January 19, 2026) for alleged cases of AntiGraft and Corruption and Malversation of Public Funds in connection to the DPWH (Department of Public Works and Highways) Flood Control Ghost Projects. 


“The soon-to-be 60 years old (on September 25) former Titanic Action Star of the Philippine movie industry, before he became senator of the Republic of the Philippines, vehemently denies both allegations. And the truth is out slowly, but surely. Starting with this approved bail application for a crime that is non-bailable. No proofs nor strong evidences enough to keep him further in jail for MALVERSATION of public funds. 


"Wheels of Justice moving. Amen.”


Amen to that, BFF Portia. God is good all the time!





IBINAHAGI ng singer-songwriter na si Ice Seguerra ang isang throwback na larawan kasama ang mga Dabarkads ng noontime show na Eat… Bulaga! (EB!) sa kanyang social media account bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng programa.


Kasabay ng larawan, ibinahagi rin ni Ice ang isang bukas na liham para sa pamunuan ng EB!, kung saan nagpahayag siya ng taos-pusong pasasalamat sa programang naging bahagi ng kanyang karera.


Ani Ice, “Dear Eat… Bulaga! Happy 47th Anniversary sa aking pinagmulan at walang hanggang tahanan.


“Maraming salamat sa tiwala, pag-aalaga, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin at sa aking pamilya, mula noon hanggang ngayon. Congratulations!!! Love, Batang Eat… Bulaga since ‘87, Ice.”


Matatandaang nagsimula si Ice Seguerra bilang isa sa mga pinakasikat na child stars ng Eat… Bulaga! noong dekada '80. Sa kasalukuyan, isa na siyang direktor ng programa.


Happy 47th Anniversary, Eat… Bulaga!.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page