top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 2, 2026



FRANKLY - CLAUDINE RAYMART, MY FAVORITE MISTAKE-IG _claubarretto & _raymartsantiago

Photo: IG _claubarretto & _raymartsantiago



Hanggang ngayon, kahit ilang dekada na ang nakaraan, ang pagpanaw ng ex-boyfriend na si Rico Yan ang itinuturing pa rin ni Claudine Barretto na isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay.


Sa panayam sa aktres sa vlog ng aktres-komedyanang si Dang Cruz, isa sa mga naging paksa nila ang mga lalaking minahal ni Claudine tulad nina Mark Anthony Fernandez, Rico Yan at ang napangasawa niyang si Raymart Santiago.


Sa naturang interview, sinabi ni Claudine na ‘greatest love’ niya si Rico, habang si Mark Anthony naman ang kanyang first love. Inilarawan naman niya si Raymart bilang kanyang ‘favorite mistake’.


Inamin ng aktres na pinagsisisihan pa rin niya ang hindi niya pagsagot sa 7 missed calls ni Rico sa kanya the night before he died.


At naging isang malaking leksiyon ito sa kanya kaya ngayon daw, sinasagot na niya ang lahat ng calls.


“Ngayon, kahit sino’ng tumatawag sa akin, kahit kaaway mo, sasagutin mo na lang, eh. Minsan, mumurahin ka pala, ‘di ba? Okay lang, kasi baka wala na bukas ‘to. Diyos ko, Lord,” natatawang tila naiiyak na sabi ng aktres.


That time ay 21 years old pa lang daw siya, pero matindi na ang kanyang pinagdaanan sa pagkawala ni Rico. Sinisi niya ang sarili that time at galit na galit daw siya sa kanyang sarili.


“‘Yun ‘yung ‘di alam ng mga tao. Kung ano’ng galit nila sa akin, sobrang naintindihan ko ‘yun,” aniya.


Naikuwento rin niya na muntik nang mag-propose sa kanya si Rico noong 2001.

“Nu’ng December sana nu’n, nu’ng 2001, magpo-propose na si Rico. May singsing na,” aniya.

“And nagsabi na rin siya kina Mr. M (Johnny Manahan, former head ng Star Magic) without telling me, at sa parents ko at sa Star Cinema na aalis kami, lilipat kami ng Vancouver,” dagdag niya.


Matatandaang pumanaw ang dating aktor at heartthrob noong March 29, 2002 habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan kasama ang mga kaibigan, kabilang na si Dominic Ochoa.





‘Di raw kayang kasama ang tamad…

HEART, AMINADONG KAYOD-TO-DEATH PARA SA BISYONG SHOPPING 



VIRAL na naman sa online community ang mga pahayag ni Heart Evangelista sa recent episode ng show niya sa GMA-7 na The People Have Spoken (TPHS).


Sa nasabing episode, tinanong si Heart ng “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o walang bisyo pero tamad?”


Para sa Queen of Creative Collaborations, mas pipiliin na niya ang masipag na may bisyo kaysa tamad.


“Ang tamad, tamad kahit ano’ng mangyari. Ang hirap kasama ‘pag mabigat ‘yung tao,” aniya.


Siya man daw ay may bisyo, pero grabe naman daw siya kung magtrabaho, to the point na nahihimatay na siya at naoospital.

At ang kanyang bisyo? Shopping!


“Ako, may bisyo. Bisyo ko ang shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital, everything! Para mabili ko ‘yung gusto ko,” sey niya.


Giit pa niya, “So, wala naman akong sinasaktan nang dahil du’n, so agree ako ru’n. Tamad is tamad. Ekis ‘yun sa ‘kin.”


Hahaha! May point naman siya, huh!

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 4, 2026



Barbie Forteza at Alden Richards

Photo: Barbie Forteza at Alden Richards



Pinasalamatan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Alden Richards at Barbie Forteza sa paggamit ng kanilang plataporma upang hikayatin ang publiko na maging responsableng taxpayers. Kinilala rin ang dalawa na kabilang sa mga top taxpayers ng bansa.


Ayon kay Alden, hindi lang sa pagbabayad ng buwis nagtatapos ang tungkulin ng isang mamamayan. Mahalaga rin aniya na gampanan ng pamahalaan ang responsibilidad nito upang umunlad ang Pilipinas.


“We are all here for the betterment of the country, na maiahon sa kahirapan ang nakararami nating mga kababayan. We’re very honored to have this platform to serve as a reminder, ‘di lang sa mga mamamayan at taxpayers, kundi maging sa mga kawani ng gobyerno, na tulungan natin ang isa’t isa para maiahon ang Pilipinas,” sambit ng Kapuso actor.


Para naman kay Barbie, mahalagang makapagbayad ng tamang buwis ang bawat manggagawa dahil nakatutulong ito sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.


“Yes, I understand that this is both an honor and a responsibility. Maraming LGUs (local government units) at mga programa ang kumukuha ng pondo mula sa ating national taxes, tulad ng health care, educational programs, at public welfare. Maliit man ang kontribusyon ng bawat mamamayan, malaki ang maitutulong nito sa ating mga kababayan,” ani ng Kapuso actress.





Hirap na hirap na raw, laylay pa…

TONI, IPINATANGGAL NA ANG SILICON SA SUSO



  • BULGARY - TONI, IPINATANGGAL NA ANG SILICON SA SUSO-FB Toni Fowler.
    Photo: FB / Toni Fowler.


SUMAILALIM sa operasyon ang sikat na content creator-vlogger na si Toni Fowler upang alisin ang kanyang 10-year-old breast implants.


Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Toni na ipinagpaliban muna niya ang operasyon upang unahin ang pagdiriwang ng 10 years of relevance ng ToRo Family at tapusin ang kanyang mga trabaho.


Ayon sa kanya, matagal na niyang gustong maranasan ang maging flat-chested dahil hindi pa niya ito naranasan sa buong buhay niya.


Sey niya, “Buong buhay ko, ‘di ko talaga na-experience ang maging flat. Kaya talagang naging fantasy ko ‘yun kasi minsan, kung ano ang wala sa ‘yo, ‘yun ang gusto mong maranasan.”


Ikinuwento rin niya ang matagal na niyang nararanasang hirap dahil sa bigat ng implants.


Aniya pa, “Ang hirap na rin sa araw-araw ng buhay ko na palaging ang bigat-bigat ng dala ko. Kaya it’s about time na tanggalin na ang nagpapakuba kay Toni Fowler.”


Sa buong proseso ng kanyang recovery, hindi siya iniwan ng partner na si Vince Flores, habang inalagaan din siya ng anak niyang si Tyronia. Bumisita rin ang isa pa niyang anak na si Tyrone.


Sey niya, “Sobrang masuwerte ‘ko talaga sa mag-ama ko kasi binabantayan nila ako. Mas grabe ang sacrifice ni Vince. Halos wala na siyang tulog, pinapakain n’ya ako palagi at sinisiguradong nasusunod ang oras ng pag-inom ko ng gamot.”


Isa sa mga pinakanakaaantig na sandali sa vlog ang unang beses na nakita ni Toni ang resulta ng operasyon matapos alisin ang gasa.

“Grabe, sobrang gaan,” ani Toni.

“Nakakapanibago,” dagdag ni Vince.


Iginiit din ni Vince na walang magbabago sa pagmamahal niya sa kanyang misis.

Sey pa ni Toni, “Parang bigla akong nalungkot, pero masaya rin ako. Nagustuhan ko ang pagkakagawa sa akin. Ang ganda n’ya, ‘di na s’ya ganu’n kalaylay dahil nagka-baby na ako.”


Dagdag pa niya, pansamantala niyang naramdaman na tila nawalan siya ng bahagi ng kanyang pagkababae.


Kuwento niya, “Nu’ng nakita ko na flat (suso) na s’ya, parang ‘di ko na-feel na mommy ako o babae ako. Pero alam kong emosyon lang ‘yun dahil groggy pa ako sa gamot at anesthesia."


Ipinakita rin ni Toni ang breast implants na nasa kanyang katawan sa loob ng 10 taon na tumitimbang ng tig-280 gramo.

Sey niya, “OMG! Ang bigat nito sa araw-araw na buhay ko. Ngayon, ang gaan-gaan na.”





IPINAGLABAN ni James Reid na maisama sa soundtrack ng comeback series nilang Someone, Someday (SS) ang ilan sa kanyang mga kanta, kabilang ang Pauwi Na, Sandal, Traffic, Hurt Me Too, at Pahinga (feat. TJ Monterde).


“Talagang ipinaglaban ko! I’m incredibly grateful that my music made it into the show. I’ve been focused on music for the past 5 or 6 years, so I’m truly thankful that I was able to include it in a project of this scale,” lahad ng aktor-singer.


Inamin din ni James na kinabahan siya sa pagbabalik sa telebisyon matapos ang halos 10 taon, lalo na nang malaman niyang makakasama niya si Kathryn Bernardo.


Nagpasalamat siya sa ABS-CBN, Dreamscape, at sa aktres sa tiwala at pagkakataong maging bahagi ng proyekto, na nagsilbing daan sa kanyang pagbabalik sa primetime television.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 4, 2026



BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala

Photo: IG _alex.eala



Hinahaluan na ng pulitika ang kasikatan ni Alex Eala bilang tennis player. May mga nag-comment na maka-DDS (Duterte diehard supporter) daw si Alex dahil ilang araw nang kulay green ang suot tuwing may laban. Kinakantiyawan ng mga DDS ang Kakampink at mga supporters ni President Bongbong Marcos (PBBM) dahil dito.


Pero ang nabasa namin, ang mga organizers ng tennis ang pumipili kung anong kulay ang isusuot ng mga players na maglalaban on a particular day. Sumusunod lang si Alex, ginawa na itong isyu.


Kaya may pakiusap si Arnold Clavio, “‘Wag nang ikalat ang litrato ni Alex na ang pagsusuot n’ya ng kulay green ay para kay VP (Vice-President) Sara Duterte. ‘Wag ninyo nang idamay ang bata sa pulitika. Sa ngayon, tanging s’ya lang ang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.”


And speaking of Alex, may mga bashers ito, hindi mga Pinoy kundi foreigners na galit na galit sa kanya. 


Nag-tweet pa ang isa sa X kung gaano niya ka-hate si Alex at pinaratangan pa itong nandaraya. Wala pa raw itong title kaya huwag magmayabang ang mga fans nito.

Mabuti na lang at masipag sumagot ang mga fans ni Alex na napapansin namin, hindi puro Pinoy. Ipinagtatanggol nila ito sa mga bashers at ang payo nila sa mga bumabanat sa tennis player, kung ayaw kay Alex, huwag manood ng laban nito sa tennis at huwag ding mag-scroll online kung saan maraming news tungkol sa kanya.


Kung hindi raw naniniwala ang mga bashers sa Eala Mania, manahimik na lang sila. Inokray pa nga ang mga bashers na siguro raw ay natalo sa pustahan kaya galit kay Alex.





NAKATULONG talaga kay Heart Evangelista ang pagho-host ng The People Have Spoken (TPHS) dahil kumbaga, she lets her guard down. May mga pahayag siya na ngayon lang naririnig na kanyang sinasabi, na bagama’t ikinagulat, ikinatuwa naman ng kanyang mga supporters.


Pinag-usapan ang pahayag niya dati sa isyu kung ano ang pipiliin niya – ang walang kaibigan pero may pera o ang may kaibigan pero walang pera. 

Nagpakatotoo lang si Heart na mas pinili ang may pera kahit walang kaibigan dahil iyon naman talaga ang pipiliin nating lahat, for sure. 


Saka sabi nito, may mga kaibigan naman siya na kanyang malalapitan, hindi lang sila nagkikita nang madalas.


Ang latest na pahayag ni Heart na kinaaliwan na naman ay nang sagutin nito ang tanong na, “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o asawang walang bisyo pero tamad?”


Sagot ni Heart, “Bisyo ko shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital — everything, para mabili ko ‘yung gusto ko. So, wala naman akong sinasaktan nang dahil du’n.”


Mapapansing hindi direktang sinagot ni Heart ang tanong at ang sarili ang ginawang halimbawa, at walang nagreklamo. Totoo naman kasing she works hard para mabili ang mga gusto at hindi dumedepende sa pera ng mister na si Sen. Chiz Escudero.


Wala ring nagrereklamo kung panay ang post niya ng branded stuff sa kanyang Instagram (IG) dahil sariling pera niya ang kanyang ginagasta. 


Natutuwa pa nga ang mga fans nito dahil naa-update sila sa latest on fashion. Kaya ang payo nila kay Heart, keep on buying and posting. Wala naman daw itong inaagrabyadong tao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page