top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 5, 2026



Ruru Madrid - FTWBA

Photo: Ruru Madrid - FTWBA



Inamin ni Ruru Madrid na talagang may mga bawal din siyang gawin bilang artista dahil sa pagiging miyembro niya ng Iglesia Ni Cristo (INC).


Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa aktor, naitanong sa kanya kung marami bang papel na hindi niya puwedeng gampanan dahil sa pagiging INC niya.


“I’m gonna be honest, Tito Boy. Of course, challenging s’ya sa pagiging isang aktor. S’yempre, bilang isang aktor, ‘di ka lang naman umaarte. Marami rin pong mga tao na naglu-look up sa ‘yo o nagsisilbing inspirasyon ka, at marami po sa mga tagahanga ko ay miyembro po ng Iglesia Ni Cristo,” simula ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


“So s’yempre, ‘di naman po sa lahat ng pagkakataon ay mauunawaan po nila kung ano po ‘yung ginagawa namin bilang isang aktor,” dagdag niya.


Inamin din niyang marami na siyang proyektong tinanggihan because of his faith.

When asked kung anu-ano ang mga bawal niyang gawin, sey ng aktor, “Bawal kaming mag-endorso ng alak, bawal kaming mag-endorso ng sugal.”


When it comes to roles na puwede niyang gawin, napag-uusapan naman daw ito at nagpapaalam naman siya kapag alam niyang medyo hindi naaayon sa paniniwala nila ang papel o eksena.


Tulad ng isang proyektong ginawa niya na ipapalabas pa lang, may eksenang bininyagan siya bilang isang Katoliko at ipinagpaalam niya ito’t pinayagan naman siya.

“Ang ipino-portray ko po kasing role ay isang role na wala pa pong Iglesia during that time,” aniya.


Puwede naman daw siyang gumawa ng love scenes at hindi na raw niya ito ipinagpapaalam pa.


“Bilang isang aktor, ayoko rin po talagang malimitahan ‘yung sarili ko, lalo pa’t, you know, right now, I’m in the era of expansion at gusto kong mag-explore sa kung ano pa ang kakayahan ko bilang isang aktor,” aniya.





MAGKAHALONG nerbiyos at excitement ang nararamdaman ni Angel Castro sa taguring ibinigay sa kanya bilang (Vivamax) VMX Premium Crush.


Sey ng Viva actress sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang CreamPie, na kasalukuyan nang napapanood sa VMX, “I feel honored kapag tinatawag akong VMX Premium Crush. S’yempre, I have to devote sa title na ibinigay sa akin. Medyo nervous, but I’m excited to see what the future holds.”


Sa nasabing mediacon ay nilinaw din niya ang isyung ibinabato sa kanya ng mga netizens, tulad ng may attitude raw siya, diva, at kung anu-ano pa. 

Paliwanag niya, may problema siya sa mata kaya hirap siyang makipag-eye contact.


“Kasi po, people think that I have a bad attitude based on the clips from the previous presscon. In-explain ko naman po na I couldn’t look ‘coz I have eye issues,” pahayag ni Angel.


Nagkaroon ng problema ang aktres sa mata at muntik na siyang mabulag dahil sa komplikasyon sa eyelash extension. Nagkaroon siya ng corneal abrasion.


Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Angel ang pagpapagamot sa kanyang mata.

Samantala, labis-labis naman ang pasasalamat niya sa Viva dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa dami ng pelikulang ginagawa niya.


“I feel more welcome rito sa Viva, nothing against my former (manager). Ang dami ko pang project. Sobrang thankful talaga ako na ‘di ako pinabayaan ng Viva,” saad niya.

“Very excited din ako rito sa CreamPie dahil iyong mga natutunan ko rito, nai-apply ko sa iba kong pelikulang ginagawa,” dagdag pa niya.


Ang CreamPie ay isang provocative original thriller ukol sa tukso, masalimuot na relasyon, at emosyonal na kahihinatnan ng mapusok na mga desisyon. 

Kasama rin dito sina Christy Imperial, Vince Rillon, Margareth Sison, at Mark Dionisio, mula sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr..



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 6, 2026



Kai Sotto, Rere Madrid at Ruru Madrid - IG - FTWBA

Photo: Kai Sotto, Rere Madrid at Ruru Madrid - IG - FTWBA



Natanong si Ruru Madrid sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong Martes (August 4) tungkol sa kapatid niyang si Rere Madrid hinggil sa pagbubuntis nito.


Ibinulgar ni Ruru na nang malaman niya ito, hiniling niya kay Kai Sotto, mister ni Rere, na bumalik sa Pilipinas mula Japan para personal na sabihin sa kanilang mga magulang ang tungkol sa pagbubuntis ng kapatid. 


Apat na oras daw silang nag-usap sa telepono. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul sa basketball at mga laro sa Japan, bumalik naman si Kai sa Pilipinas, nakipag-usap sa pamilya nina Ruru, at bumalik sa Japan kinabukasan.


Sinabi ni Ruru na lubos niyang iginagalang at pinahahalagahan si Kai sa pagkakaroon ng lakas ng loob na personal na harapin ang sitwasyon.


Masaya raw sila na naging parte ng kanilang pamilya ang mister ni Rere.

“During that time, si Kai nasa Japan pa. So sabi ko, better siguro na kasama natin si Kai ‘pag ini-announce natin sa magulang natin itong pangyayaring ‘to.


“So, tinawagan ko si Kai. Nag-usap kami for like 4 hours through phone and then du’n sinabi ko sa kanya na, ‘Bro, better siguro na umuwi ka rito sa Pilipinas and then sabihin mo kung ano talaga 'yung nangyari.’”


Binigyang-diin din ni Ruru na pinahahalagahan niya ang kahandaan ni Kai na harapin ang sitwasyon nang personal, lalo na’t ang manlalaro ng basketball ay nasa kalagitnaan ng kanyang mga commitments sa Japan.


Ani Ruru, “Mula ru’n, sobrang inirespeto ko si Kai kasi talagang ginawa n’ya kahit na sobrang busy s’ya sa Japan. May mga games s’ya. To be honest, parang ang nangyari, umuwi lang s’ya para sabihin and then the next day, bumalik na s’ya ng Japan.


“So, usap-usapan, na-appreciate ko po ‘yung tao kasi ‘di naman po lahat ng lalaki ay may ganu’ng tapang na harapin po kung ano ‘yung sitwasyon.”





Sa Las Vegas daw gustong ikasal para may divorce… BARBIE, SINOPLA NG ABOGADO



  • Sa Las Vegas daw gustong ikasal para may divorce… BARBIE, SINOPLA NG ABOGADO
    Barbie Forteza


NAGBIGAY ng reaksiyon si Atty. Joji Alonso sa sinabi ni Barbie Forteza tungkol sa divorce.


Natanong kasi ang Kapuso actress tungkol sa pangarap niyang kasal.

Sa isang panayam, nagpahayag si Barbie ng isang mapaglarong komento tungkol sa kasal na lumikha ng malakas na ingay online.


Tinanong siya tungkol sa kanyang pangarap na kasal, at ayon sa kanya, ito ay gaganapin sa Las Vegas, suot ang isang Vera Wang gown, at du'n niya gusto para may divorce.


Nakuha nito ang atensiyon ng netizens at nagdulot ito ng paglilinaw sa batas tungkol sa kung paano tinatrato ng batas ng Pilipinas ang mga kasal at diborsiyong nakuha sa ibang bansa.


Pahayag ni Atty. Alonso, “Sadly Barbie Forteza, IF you marry (even in Vegas) a fellow Filipino citizen who remains Filipino all throughout your marriage, any divorce you obtain will not be recognized under Philippine law. Your marriage continues to subsist due to what is known as the ‘nationality’ principle. Your nationality follows you wherever you are. And since divorce is not recognized under Philippine law, you remain married to him.


“It would be different IF you married a foreign national and your husband divorced you. That divorce may be recognized under Philippine law since it would be sheer absurdity for you to continue being married to a foreigner who is no longer married to you.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 6, 2026



Sa wakas, kaya raw malaki ang tiyan… KIM, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS NA

Photo: IG Kim Chiu



Nagsalita na finally si Kim Chiu tungkol sa tsikang buntis siya at parang first and last time na ito.


Sey ng aktres, “The bulge in my tummy is just from the petticoat of my gown, so don’t gossip about me, because in Cebu, ‘usap’ means to chew, to eat and get full, not to talk and gossip about the petticoat I’m wearing!”


May fans na tinanggap ang pahayag na ito ni Kim, “Noted,” at “Copy, Kim,” ang sagot. May nag-comment pa ng “‘Yan kasi, makita lang na nakaumbok sa puson, buntis agad ang hatol. ‘Dimuna alaming mabuti.”


May nangumusta sa mga delulu na umasa na magkatotoo ang isyu. Kabilang sa mga delulu ang nag-comment ng “Wait for another month,” “Malalaman din ang totoo pagdating ng tamang oras dahil ‘di naman titira sa tiyan ang bata for life. Relax lang kayo, nabusog lang ‘yan, naparami ng kinain,” “‘Yan, napala natin... para tayong nasampal,” at ang nakakaaliw na, “Petticoat lang pala ‘yung umbok. Hehehe!”





NAINTRIGA ang mga nakakita sa photo nina Kris Aquino at Bimby Aquino kasama ang team ni Kris at si Jonathan Manalo ng Star Music. May mga nag-akalang ang comeback project ni Kris sa ABS-CBN ang pinag-usapan.


Kaya lang, si Jonathan ang ka-meeting ng mag-ina at sa caption nito, ang sabi, “Last night’s productive meeting.”


Dahil sa caption ni Jonathan at dahil taga-Star Music siya, mas marami ang nag-akalang baka ang pagre-record ni Bimby ang rason ng meeting. Baka raw magiging recording star ito, na ilang buwan na ring nagbo-voice lesson kay Thor Dulay.


Kani-kanyang hula ang mga netizens: 

“Either record deal for Bimbs or ‘yung album dati ni Miss Kris na may mga songs tapos ang spoken parts, s’ya.” 


“Wow! Sana talk show or game show ulit, Ms. Kris.”

“Welcome back sa Kapamilya, Miss Kris. Daming nag-aantay sa ‘yo.”

May mga nagpayo naman sa mga fans ni Kris na huwag umasa sa TV show sa ABS-CBN. Si Jonathan Manalo is from the Star Music department and not from TV production. 


Sey ng isang netizen, “Kung ang ka-meeting ay sina Tita Cory Vidanes or Lauren Dyogi, baka possible it’s a recording for Bimby.”


Kumakanta si Bimby sa Eat… Bulaga! (EB!) at pansin na may boses siya, kaya very proud si Kris. Ang pangako ng mga fans ni Bimby, kapag may single na siya, kanilang susuportahan at wala raw dapat ipag-alala si Kris.





MARAMING nagmamahal kay Josh Aquino, ang eldest son ni Kris Aquino, dahil nang mag-post si Makati City Mayor Nancy Binay ng two photos nito, ikinatuwa ito ng mga nagmamahal sa Aquino family.


Sa isang photo, makikita si Josh na kasama si Mayor Nancy at iba pang government officials ng Makati City sa flag ceremony. Nakalagay pa sa dibdib ni Josh ang kanyang kanang kamay.


Sa isa pang photo na kuha sa isang restaurant, ang caption ni Mayor Nancy ay “After a long day sa trabaho, dapat may oras pa rin para sa pamilya. #BeNiceFamily dinner.”


Sa salitang ‘pamilya’, natuwa ang mga netizens dahil itinuturing daw ng mga Binay si Josh na kapamilya. May mga nagpasalamat pa nga sa mga Binay dahil sa pagmamahal kay Josh. Makakaasa si Kris na bukod sa kanila ni Bimby at ng pamilya ni Nancy, may nagmamahal at mag-aalaga kay Josh.


Minsan na ring nabanggit ni Kris na kapag nasa Manila si Josh, kung wala sa kanyang poder ay siguradong nasa mga Binay. Nagpasalamat si Kris sa mga ito dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa anak.





IPAPALABAS sa mga sinehan sa 2027 ang documentary ni Regine Velasquez titled Songbird. Kasama ang documentary sa celebration ng 40th year niya sa industry.

Ang GOAT Creative Studios ang nagbalita nito na agad ikina-excite ng mga fans ni Regine.


Pahayag nila, “As part of the year-long celebration of Regine Velasquez Alcasid’s 40th anniversary in the entertainment industry, iMusic Entertainment, in partnership with GOAT Creative Studios, proudly presents SONGBIRD.


“The documentary follows Regine’s journey as she prepares for The Finale, while reflecting on the triumphs, sacrifices, and legacy of her extraordinary career. In theaters 2027.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page