top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 7, 2026



BULGARY - DAGUL, NAGPASAKLOLO KAY JULIA-XFM & IG _montesjulia08.jpg

Photo: XFM & IG _montesjulia08



Nanawagan ang komedyanteng si Dagul sa kanyang mga dating nakatrabaho sa Goin’ Bulilit (GB), lalo na kay Julia Montes, na sana ay matulungan siyang makabalik sa trabaho.


Sa panayam kay Dagul sa Kay Susan Tayo! vlog sa YouTube (YT), aniya, “Sa Goin’ Bulilit, alam ko naman talaga na marami sa inyo ang sumikat. Sana ay mapansin n’yo ako kung may maitulong kayo. Tulad ng kay Julia, Julia Montes... kailangan ko ang tulong n’yo.”

Idinagdag pa niya na bukas siya sa anumang papel, kahit maliit lamang.


Aniya, “‘Yung mga sumisikat d’yan na kailangan ako sa show n’yo, kahit palamuti lang, tatanggapin ko ‘yan. Kahit ano’ng role para lang sa pamilya ko.”


Ibinahagi rin niya ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Gumagaling na siya mula sa ilang beses na pagkakaospital dahil sa pneumonia at sleep apnea.


Gumagamit siya ngayon ng wheelchair dahil sa problema sa tuhod at hirap sa paglalakad. Mino-monitor din ang kanyang kidney.


May katarata siya sa kaliwang mata, ngunit hindi pa maisagawa ang operasyon dahil kailangan pa ng mga pagsusuri sa puso at may mga alalahanin sa gastusin at kailangan din ng anesthesia.


Sa kabuuan, panawagan sa kanyang mga dating kasamahan at iba pang personalidad sa industriya na kung may maiaalok na proyekto, handa niya itong tanggapin upang masuportahan ang kanyang pamilya.


Sana nga ay makarating kay Julia Montes at maging kay Coco Martin ang panawagang ito ni Dagul at kunin siya sa Sigabo





NAGHAIN si Rep. Javi Benitez ng House Resolution No. 1280 upang purihin ang SB19 para sa kanilang mga kamakailang tagumpay sa turismo at musika.


Kasama ng mambabatas sa paghahain ng panukala sina Reps. Nelson Legacion, Sarah Jane Elago at Kathryn Joyce Gorriceta.


Kinilala rin niya ang makasaysayang pagpapakita ng P-pop group sa Lollapalooza 2026 at sa isang laro ng Major League Baseball sa Chicago.


Ayon sa mambabatas, ang internasyonal na presensiya ng SB19 ay maaari ring lumikha ng mga oportunidad para sa musika at turismo ng Pilipinas.


Noong Hulyo 26, opisyal na itinalaga ng Kagawaran ng Turismo ang SB19 bilang pinakabagong ambassador ng turismo ng Pilipinas.


Sa kanilang bagong tungkulin, inaasahang tutulong sina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin sa pagpapalaganap ng kultura at mga destinasyon ng bansa sa pamamagitan ng kanilang musika.


Binanggit din sa resolusyon ang naunang paghirang sa grupo bilang Youth and Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts noong 2021.


Ilang araw matapos ang kanilang pinakahuling appointment sa turismo, nakamit ng SB19 ang isa na namang internasyonal na milestone sa Chicago, kung saan si Josh Cullen ang naghagis ng seremonyal na unang pitch bago ang laro ng Chicago White Sox laban sa New York Yankees sa Rate Field.


Kinabukasan naman ay umawit ang SB19 sa Lollapalooza sa Grant Park, Chicago. Nagtanghal ang grupo ng 10 kanta sa Allianz Stage.


Ayon sa resolusyon, ang limang miyembrong grupo ang naging unang lokal na Pilipinong artist na nagtanghal sa naturang music festival.


“When our artists carry the country with them, they open doors no amount of promotion can buy,” ani Benitez.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 7, 2026



BIDA - ALEX EALA, TUMANGGING MAG-AUTOGRAPH SA BANDILA NG ‘PINAS-IG _alexa.eala

Photo: IG _alexa.eala



Nasa front page ng Washington Post (WP) ang pagkapanalo ni Alex Eala sa WTA (Women’s Tennis Association). Ang laki ng photo nito na hawak ang trophy at ang nasa background ay ang larawan ng mga Filipino na sumuporta kay Alex at may hawak na Philippine flag.


Naluha ang ibang Pinoy dahil minsan lang ma-feature sa WP ang Pilipinas at minsan lang ma-front page ang isang Pinay. 


May mga kababayan tayo sa Amerika na nag-post sa Instagram (IG) ng kopya nila ng newspaper sabay sabi ng, “Because how often is a Filipino athlete on the front page of the @washingtonpost? Mabuhay ka @alex.eala.”


And speaking of Alex, extended sa Canada ang Eala Mania. Mula nang dumating siya hanggang sa practice, pinagkaguluhan siya at hindi lang mga Pinoy ang supporters niya. May mga foreigners kaming nakikita na nagpapa-autograph at kumukuha ng kanyang larawan at video.


Sold-out din ang tickets sa unang laban niya. 

Sabi sa balita, “Alex Eala becomes first player since Serena to sell out opening Wednesday night at Toronto Open.” 


Minuto lang ang binilang, at sold-out na agad ang tickets, at mangyayari ito sa iba pa niyang laban.


Samantala, napuri si Alex nang hindi niya pirmahan ang Philippine flag na gustong papirmahan. Sinabi niya sa kanyang supporter na bawal pirmahan ito, kaya na-educate ang hindi nakakaalam na bawal lagyan ng autograph ang bandila ng bansa.





Ganern, David?

BARBIE: FINALLY, NAGKAROON NA ‘KO NG LEADING MAN NA MAAYOS



MAY mga nag-react sa naging pahayag ni Barbie Forteza na, “Khalil is the ideal leading man. Finally, nagkaroon na ‘ko ng leading man na maayos.”


Ang tinukoy ni Barbie ay si Khalil Ramos na kapareha niya sa Saving Cherry (SC) at kasama pa rin yata sa series na Honor Thy Mother (HTM)


Ang feeling ng mga netizens, pa-shade ni Barbie kay David Licauco ang kanyang statement dahil ang aktor ang last leading man niya.

Sey ng mga netizens:


“Hahaha! Which is totoo naman, te. After Joshua Dionisio, puro pabuhat na mga lalaking ipinares ng GMA-7 kay Barbie.” 


“‘Di n’yo rin s’ya masisisi, baka may na-experience s’yang ‘di maganda sa mga previous LM (leading man) n’ya kaya ganyan,”


“Aware naman siguro lahat na madalas talaga sa industriya, specifically sa love teams, hyper-carry ‘yung leading lady in terms of acting.”


May naniwala naman na hindi na dapat sinabi iyon ni Barbie lalo na’t marami silang mga fans ni David at naghihintay pa rin ang BarDa fans ng project nilang dalawa. Nagtampo na nga sa kanya ang mga fans at nagtatanong kung may galit daw ba si Barbie kay David.


Baka raw next time na magka-project uli sina Barbie at David ay magkailangan na dahil sa statement na ito ni Barbie. Nangangamba rin ang mga fans na baka hindi na gustuhin pa ni David na makapareha si Barbie. 

Paano na raw ang BarDa?





STREAMING sa VMX ang Ang Modista (AM), ang comeback movie ng sexy star na si Micaella Raz. Kasama niya sa pelikula sina Kim Yashii at Mon Confiado sa direksiyon ni Ronald Batallones.


Paulit-ulit na sinabi ni Micaella na maganda ang pelikula at maganda ang kanyang role at worth it ang kanyang pagbabalik. Maniniwala kang excited siya sa movie at ramdam ito sa kanyang pagsasalita and the way she talks about the movie.


“Nadiskubre ko rito na marunong pala akong umarte, kaya proud ako. Nakatulong sa akin na binasa at pinag-aralan ko ang script, inaral ko ang mga linya ko at pati linya ng co-stars ko para mas ramdam ang emosyon. Na-challenge ako at excited na mapanood ang movie namin,” sabi ni Micaella.


Hindi rin nagpahuli si Kim, maganda rin daw ang role niya sa movie. Hindi na nito binanggit na nakipagsabayan siya ng kaseksihan kay Micaella.


Sa dami ng nagawang pelikula at maraming roles na nagampanan, hindi nasagot ni Mon ang tanong kung ano ang dream role niya. Tama rin ang sagot nito na, “Kahit anong role ang ibigay sa atin, gawin natin. Ang goal ko, magampanan nang tama emotionally at physically ang role na ibibigay sa akin,” at maraming beses na niya itong napatunayan.


Erotic-drama ang description ni Direk Ronald sa Ang Modista at ibig sabihin, hindi lang puro kaseksihan ang mapapanood. Kapag napanood ninyo ang pelikula, malalaman ang konek ng title sa story.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 6, 2026



Liza Soberano - Instagram

Photo: Liza Soberano - Instagram



Pinuri si Liza Soberano sa pagrampa niya para sa isang sikat na international brand ng mga damit at accessories.


Trending ang black-and-white photo ni Liza na nakalabas ang suot niyang underwear at braless na natatakpan ng black blazer.


Kung sa iba lang at ganyan ang suot, tiyak na hindi bagay at mahalay tingnan. Pero dahil si Liza ‘yan, kering-keri niyang dalhin at hindi malaswang tingnan.

Ganyan din ang komento ng mga netizens sa latest na ganap ni Liza abroad.


“Classy pa rin kahit medyo sexy and alam mo ‘yung may mga limitations pa rin s’ya.”

“Liza Soberano stunning in a sleek, sheer black gown.”


Proud din ang mga fans ni Liza sa nangyayaring career niya sa United States (US).

Sey ng isang fan, “Well, to those saying na laos s’ya, look at her. She’s busy slaying in Hollywood, representing Filipinas with pride and bringing Filipino culture to the global spotlight.”


‘Yun na!





Ayaw magpa-rehab, nagtago…

UTOL NI ECHO, BALIK-PAMILYA NA



Umuwi na ang younger brother ni Jericho Rosales na si Jeremiah Rosales sa kanyang pamilya. After 40 days, bumalik na siya sa piling ng kanyang asawa at mga anak.

Sa exclusive interview ni Julius Babao kay Jeremiah, idinetalye nito ang buong katotohanan. 


True ang naunang reports na nakatunog itong muli siyang ipapasok sa rehab.

Ibinulgar ni Jeremiah na nagkaroon sila ng alitan ng kanyang anak at Starworx artist na si Felize Rosales. Sinabi ng anak kay Jericho ang mga ginagawa at bisyo ng ama. Kaya pumayag ang aktor na ibalik ulit si Jeremiah sa rehab.


Tutol dito ang kapatid dahil tatlong taon siyang mananatili sa loob ng rehab. Hindi raw niya kayang hindi makita ang kanyang pamilya nang ganoon katagal.


Tumuloy daw siya sa bahay ng madrasta niya, dating asawa ng papa nila ni Jericho. Pagkatapos ay tumira rin siya sa bahay na minana ng mama nila sa Bicol.

Nagtrabaho si Jeremiah sa Bicol bilang construction worker. Kumikita raw siya ng P560 per day. 


Unknowingly, patuloy pa rin ang pagpapadala ng tulong ni Jericho kay Jeremiah sa Bicol para sa pagkain ng utol.


After more than a month, nag-decide nang umuwi si Jeremiah sa pamilya niya sa Antipolo. Tinanggap naman siya agad ng partner niyang si Jane Ethel Gonowan.

Nakatira si Jeremiah at ang pamilya niya sa bahay na binili ni Echo sa Antipolo pagkatapos niyang manalo bilang Mr. Pogi.


Kasama niyang humarap kay Julius during the interview sina Jane, Timothy, at Felize. 

Wala ang isa pa nilang anak na si Liana Rosales na nag-aartista sa Vivamax. 

Wish ni Jeremiah na magkaroon ng trabaho at hopefully, magkaroon ng offer for him na makapag-artista ulit.


Pahayag ni Jeremiah, “I will try harder to provide for my family. Felize, anak, sorry. Liana, you’re welcome here. You’re welcome here but please iayon natin ang buhay natin sa tama. Kung anuman ‘yung galit ko sa inyo, may pinanggagalingan ‘yun na gusto ko kayong itama.

“Sa dalawang anak ko naman, kay Felize, I’m proud of you, anak. Always. You always make me proud as a dad. Timothy, keep up the good work for being a religious boy and athletic boy. Mag-gym tayo palagi, anak.”


Sana magtuluy-tuloy na ang magandang pagbabago ni Jeremiah.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page