ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 10, 2026

Photo: IG _michaelleyva
Matinding dusa at sakit pala ang tiniis ni Kris Aquino habang nagsu-shoot ng promo material niya for Netflix.
Sa video na inilabas ay makikita nga ang Queen of All Media in high spirits na parang walang sakit tulad ng dati.
As we all know, Kris is officially back in the limelight bilang host ng pinakabagong Chief Head of Insight and Kontent Analysis (C.H.I.K.A.) show sa Netflix.
Mapapanood sa video ang pagsisimula niya sa kanyang trabaho na ikinatuwa nang husto ng kanyang mga supporters na na-miss siya nang husto.
Pero ang hindi alam ng marami, namamaga pala ang kanyang legs at buto during the shoot.
Ibinahagi ito ng vlogger friend ni Kris at co-host ni Ogie Diaz sa Showbiz Updates (US) na naroon during Netflix filming na si Loi Villarama or Mama Loi.
“NEVER LOST FAITH THAT THIS DAY WILL COME…when The Queen, Ms. @krisaquino, will face the cameras again and do what she does best,” simula ng content creator.
Ayon kay Mama Loi, kahit nga raw may iniindang sakit ay wala raw itong reklamo at nagpakita pa rin ng ibayong professionalism.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman, laging one take raw ang TV host.
“During the shoot, I saw how hard it was for her because ‘yung rheumatoid arthritis, talagang namamaga ‘yung legs and pati ‘yung buto. I felt ‘yung pag-usli nu’ng mismong buto on her knees na namamaga.
“Earlier during the shoot it was okay, pero ganu’n pala talaga ang autoimmune, nakakagulat ‘pag nakaramdam ng pagod, nagrerebelde na.
“But she never complained, kahit hirap at pagod she was always in high spirits, at ‘pag nasa harap na ng camera, wala ka nang mahahalata na she’s in pain. She is a true professional. At kahit may iniindang sakit, palaging ‘take 1’ si KCA (Kristina Bernadette Cojuangco Aquino),” kuwento ni Mama Loi.
Bukod pa rito, inabot daw nang madaling-araw ang shoot at wala ring reklamong narinig kay Kris kahit lampas na sa kanyang cut-off time.
“Her cut-off time was 12 midnight, but she finished the shoot with no complaints until 1:30 AM,” aniya.
“Sobrang saya namin na mapanood kang muli KCA @krisaquino. Praying your continued healing and we are earnestly looking forward to see more of you, Our Queen,” pagtatapos ni Mama Loi.
Samantala, ipinost naman ng fan page na Kris Aquino World sa IG ang pagdalaw ng bunsong anak ni Kris na si Bimby sa kanyang ina habang nagte-taping ito for Netflix.
Mapapanood sa video ang pagdating ni Bimb sa set at pumasok sa room na kinaroroonan ng kanyang mama. Makikita nga na nakahiga si Kris sa couch at natuwa siya nang makita ang anak.
“WATCH: Bimby Aquino paid a special visit to his mom, Kris Aquino, during the filming of her new Netflix Philippines series, C.H.I.K.A. (Chief Head of Insight and Kontent Analysis).
“Even with her exciting return to the spotlight, one thing remains unchanged—family always comes first. Bimby’s visit made the behind-the-scenes moment even more heartwarming as he showed his love and support for his mom on set,” ang mababasa sa caption.
MARVIN, UMAMING MAHAL PA RIN NILA NI JOLENS ANG ISA’T ISA
NATUTUWA naman sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang mga loyal supporters ng kanilang love team.
Matatandaang isa sa iconic love teams ang MarJo na sumikat noong dekada ‘90 sa youth-oriented series na Gimik at mga pelikulang Labs Kita… Okey Ka Lang (LKOKL), Flames, the Movie (FTM), at Hey Babe (HB).
Matapos ang reunion film nilang Ex Ex Lovers (EEL) in 2025, ngayon ay balik-tambalan ang MarJo, this time ay sa small screen naman. Pagbibidahan nila ang seryeng Mommy Guard (MG) ng TV5.
Sa mediacon ng Tara, Kapatid! Midyear Media and Trade celebration ng TV5 recently, ipinahayag nina Marvin at Jolina ang kanilang pasasalamat na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang kanilang mga fans na ngayon ay mga magulang na rin.
“Natutuwa kami ni Marvin kasi ang mga nagmahal sa amin noong ‘90s ay nagmamahal pa rin hanggang ngayon at may bago na, ‘yung mga anak na nila ay minamahal na kami,” sey ni Jolens.
“Kumbaga, nakakatuwa ‘pag nakikita nila kami ni Marvin, yes, naaalala nila ang throwback, nostalgia, pero every time kaming magkakasama ni Marvin at mayroon kaming project na gagawin, excited kami kasi ‘yung kumbaga, ipinapakita namin as Marvin-Jolina and as MarJo,” dagdag pa ni Momshie Jolina.
‘Kaaliw naman ang sagot ni Marvin nang matanong sila kung paano nila gina-guard ang puso nila na huwag ma-in love muli sa isa’t isa.
Pag-amin ni Marvin na ewan kung seryoso or nagbibiro, “‘Yan ‘yung pinakamahirap na pinagdaraanan ko tuwing magkakatrabaho kami ni love team (Jolina). Kasi nga, kanina nga lang, kumakanta lang, ang hirap na.”
Pero happy din ang aktor na hanggang ngayon ay napanatili nila ni Jolina ang kanilang love for each other, gayundin ang magic ng kanilang samahan.
“Nu’ng nagpi-pictorial nga kami at ang cute-cute namin, sabi ko nga kay Jolina, ‘Alam mo ba na 50 na tayo in two years?’ But ‘yung pagmamahal tulad ng sinasabi ni Jolina, I guess ‘yun ang ‘di magbabago,” aniya.
“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, mapa-personal man o mapa-trabaho. And that’s something I guess, kaya rin ‘yung magic na... natutuwa kami na nae-enjoy n’yo whenever we perform, ay nandu’n pa rin,” dagdag pa ng aktor.
Ayon naman kay Jolens, ipapakita raw nila sa kanilang reunion series ang bagong MarJo love team na nag-evolve na.
“Natutuwa ako kasi ‘pag nakikita nila ang Marvin-Jolina or ‘yung MarJo, talagang nandu’n ‘yung saya sa puso nila at ayaw naming mawala ‘yun ni Marvin. Pero gusto rin naming iparamdam sa mga nanonood na ang aming samahan ay napapanahon. Kumbaga, nag-e-evolve rin,” sey ng aktres.
Kasama rin ng MarJo sa Mommy Guard sina Cedrick Juan, Pearl Gonzales, Nathalie Apollo, Amo Wilding, Celyn David, Patrick Ballesteros, Roxanne Guinoo and Dominic Ochoa. Directed by Roman Perez, Jr., mapapanood na ito simula ngayong Setyembre.



