top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 12, 2026



Carla Abellana at Iya Villana - IG FB

Photo: Carla Abellana at Iya Villana - IG / FB



Ikinuwento ni Iya Villania ang first heartbreak ng anak nila ni Drew Arellano na si Leon nang hindi nila nabili ang asong nagustuhan nito.


Mapapanood sa Instagram (IG) post ng aktres-anchor ang reel kung saan ay umiiyak ang kanilang anak sa pet shop habang hawak niya ang isang fur baby.

“Leon’s first heartbreak (heartbreak emoji),” bungad ni Iya.


“I always thought I was a pet lover until I met my husband (laugh emoji). The connection he has to dogs is undeniable and as much as he’s been wanting to have a dog in our home, having children was enough to keep his hands full, but now with Kuya Primo about to turn 10 and wanting a dog now too, also with Anya growing so fast, Drew felt it was the right time to finally adopt one,” kuwento niya.


At dahil nga marami pa silang inaasikaso sa kanilang bahay, pumupunta lang sila weekly sa pet shop para bisitahin ang fur baby ng isa nilang anak na si Primo na si Kobe.

Sa pagbisita raw nila sa pet shop ay may mga asong napamahal na raw sa kanila. Si Leon ay na-attach na raw sa isang fur baby na si Annie habang siya naman ay si Tanya ang kanyang nagustuhan.


“But with those visits, both Leon and I found ourselves growing fond of other cuties that were there! I loved getting cuddles from Tanya (the one I’m holding) while Leon got attached to Annie who would always seek his attention when he’d walk away. I know, talk about emotional damage. Makes me sad thinking Tanya won’t be there anymore when we go back,” tsika ni Iya.


Hanggang sa huling pagbisita nila ay may isang customer na nagdesisyong bilhin na si Annie.


“Well, during this particular visit, another client came in to see Annie… and when they asked to see her, Leon started to feel nervous. Eventually, the client decided on Annie and had her reserved which led to this moment,” lahad ni Iya.


At hayun na nga, super cry na si Leon dahil wala na si Annie.

“I didn’t realize how attached he got from the 2 visits he had with Annie until I saw him really getting the feels. I honestly thought he was just being silly and dramatic but I’m reminded that as crazy as this boy is, so is his ability to love. Oh, anak… wait ‘til you fall in love with a human,” Iya wrote.


“It was special seeing how Primo got affected with his brother’s heartbreak too and tried consoling him with a story of how he also didn’t get the dog he first wanted. He’s not fond of letting Leon hug him but in this moment he allowed him to,” kuwento pa ng aktres.


Sa comment section ay mababasa ang payo ni Carla Abellana kay Iya na umani nang katakut-takot na reaksiyon.


“Hey, I hope you guys consider adopting instead of shopping,” ang mensahe ni Carla.

May mga netizens na sinagot ang post ng aktres at sinabing basahing mabuti ang caption ni Iya.


“If you read her caption she specifically said that they’re ready to adopt,” sey ng isang netizen.


Sagot din ng isa pa, hindi na raw kailangang mag-lecture pa ni Carla dahil isine-share lang naman daw ni Iya ang heartbreak ng anak nito.

Anyway, dedma na lang si Iya sa comment ni Carla.





8 buwan daw silang naghiwalay… 

BIANCA, UMAMIN KUNG BAKIT NAPATAWAD SI RURU SA PANLOLOKO SA KANYA 



NAGSALITA na rin si Bianca Umali sa pag-amin ng boyfriend na si Ruru Madrid na nag-cheat na siya before sa kanilang relasyon.


Matatandaang sa panayam ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay ikinumpisal niyang talagang natukso siya sa ibang babae habang karelasyon niya si Bianca at naging dahilan ito para hiwalayan siya ng aktres.


Eight months daw silang naghiwalay at humingi siya ng tawad kay Bianca. Labis naman niyang ipinagpapasalamat na binigyan siya ulit ng aktres ng 2nd chance at pinatunayan naman niya ang kanyang pagmamahal sa girlfriend dahil hindi na niya inulit ang pagloloko.


Sa panayam kay Bianca ng Showbiz Updates (SU) ni Ogie Diaz ay nahingan siya ng reaksiyon hinggil dito at ayon sa aktres, pinili niyang patawarin si Ruru sa naging pagkakamali nito.


“I think, the best advice to give to everyone is to always choose kindness at the end of the day,” aniya.


“Ano pa man ang pinagdaraanan natin, nasaktan man tayo, nakagawa man ng masama sa atin ang mga tao, kahit sino pa ‘yan, may it be people we love, may it be people we do not know, at the end of the day, let’s all choose kindness and choose to be the better person. Choose to understand the situation the best way that we could,” saad ng aktres.


Payo pa niya sa madlang people, “‘Wag tayong humawak at manatili sa galit, sa sama ng loob.”


In-encourage rin niya ang lahat na magpatawad sa mga nagkakamali sa kanila.

“Wala pong mas tama pa sa pagpapatawad,” sey niya.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 12, 2026



Alex Eala at Sandro Marcos - FB

Photo: Alex Eala at Sandro Marcos - FB



Natanong sa isang panayam si Rep. Sandro Marcos kung may posibilidad bang magkaroon sila ng pagkakataon ni Filipina tennis star Alex Eala na mag-coffee date.

Ang nagtanong ay ang political analyst na si Ronald Llamas, kung si Eala ba ang tipo niyang babae na anyayahan sa isang date.


Agad namang binago ni Marcos ang usapan at sinabi na dapat ay ituon lamang nila ang diskusyon tungkol sa mga naibigay na parangal ni Eala sa bansa.


“I don’t want to take away from… ‘wag nating dalhin du’n. We just have to focus on her success, ang lahat ng ginagawa n’ya ngayon, and everything… bringing pride to the Philippines,” ani Marcos.


“She’s grabe talaga. I mean, she’s amazing in everything that she does. She carries herself and answers the questions well and pinakamahalaga sa akin is lagi n’yang ipinagmamalaki na Pilipino siya. It’s an honor to be able to witness her success,” dagdag pa niya.


Ito naman ang sey ng mga netizens…


“If that is true, no, please, Alex, just buy your own coffee. Hahaha!”

“Wala, ‘di mo maka-coffee date si Eala, uy. ‘Di ka n’ya type.”


Well, kung pagbabasehan ang interview, walang confirmation na may romantic interest si Sandro kay Alex o vice-versa.




Ganern?! MANAGER, WALANG ALAM SA NAGING KASAL NI BEA KAY VINCENT 



NANG umalis si Bea Alonzo sa ABS-CBN ay si Shirley Kuan na ang tumayong manager ng aktres. 


Sa isang panayam ay natanong ang manager tungkol sa kasal ng alaga kay Vincent Co.


Sa halip na magbigay ng direktang reaksiyon, sinabi niya, “Wala akong alam, eh.”

Nang tanungin muli, sagot niya, “Wala na akong alam.”

Pabirong sabi pa niya, “Lagi naman akong walang alam, ‘di ba?”


Nang tanungin kung siya pa rin ang manager ni Bea, tumango siya.

Sinabi rin niya, “Ang alam ko ay alam ng lahat.”


May akusasyong lumabas na tinutulan diumano ni Shirley Kuan at ng strategist na si Alan German ang kasal nina Bea at Vincent.


Base sa mismong pahayag ni Shirley, hindi niya kinumpirma na tutol siya sa kasal. Sa halip, umiwas siya sa pagbibigay ng detalye tungkol sa personal na buhay ni Bea.





CLAUDINE, NA-BASH NA RIN DAHIL KINA MARIEL AT ROBIN



SINANG-AYUNAN ni Claudine Barretto ang depensa ni Mariel Rodriguez para sa asawang si Sen. Robin Padilla.


Muling naging maingay sa social media ang lumang video mula sa vlog noong 2022 kung saan inisa-isa ni Mariel ang kakayahan ng kanyang mister.


Naglabas ng panibagong pahayag si Mariel upang linawin ang kanyang sinabi ukol sa paggawa umano ng batas habang nakabilanggo pa ang kanyang mister noong dekada ‘90.


Dahil dito, buong pagmamahal namang ipinadama ni Claudine ang kanyang suporta sa matalik na kaibigan sa kabila ng mga natatanggap nitong batikos mula sa mga kritiko online.


Sa social media, ibinahagi ng aktres ang isang comic strip pubmat na ginawa ng isang entertainment news platform tungkol sa isyu. Kalakip nito ang maikli niyang reaksiyon na, “True.”


Kabilang sa kanyang sinang-ayunan ang sinabi ni Mariel na, “Si Robin, nu’ng nasa Bilibid, nakapagpasa na ng batas. So, du’n sa mga nagsasabi na ‘di s’ya qualified, I beg to disagree. He is more than qualified.”


Sa kanyang paliwanag, binanggit nito  ang Republic Act No. 8294, na tumatalakay sa illegal possession of firearms at iba pang kaugnay na usapin.


Ipinaliwanag din ni Mariel ang kanyang punto tungkol sa kung sino ang gumagawa at nagpapasa ng mga panukalang batas.


Aniya, “Now, IF gamitin natin ang talino na ibinigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294? Obviously, legislators.”


Aminado rin si Mariel na literal umano ang naging pagbasa ng ilan sa kanyang pahayag, kaya niya ito nilinaw sa pamamagitan ng panibagong video.

Kaya sey ni Claudine, “Love [you] & Utol Mariel Termulo-Padilla.”

Ang ending, pati si Claudine ay bina-bash na rin.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 12, 2026



Manny Pacquiao - IG

Photo: Manny Pacquiao - IG



Fake news daw ang lumabas sa isang National Basketball Association (NBA) site na bagong owner si Manny Pacquiao ng Miami Heat dahil bumili ito ng majority stake sa nabanggit na American professional basketball team based in Miami.


Kaya raw fake ang balitang ito ay dahil hindi naibalita sa US at pati rito sa bansa. 

Kaya lang, bakit hindi pa idine-delete at patuloy na nababasa ang balita, at may mga nagko-comment pa nga?


Comment ng isang netizen, “Manny definitely does not have that type of money. It takes billions to be a majority owner.” 


Sinundan pa ito ng comment na, “He is a billionaire but I’m not sure if his billions is really enough to get the majority ownership of Miami Heat.” 


Sey pa, billionaire si Manny sa Philippine peso, hindi sa US (United States) dollar.

Kailangan sigurong pakitaan na ni Manny ng limpak-limpak niyang pera ang mga nagtatanong kung magkano talaga ang kayamanan niya. 


Kung totoo man na majority owner na siya ng Miami Heat, ibig daw sabihin, makikita natin si Manny tuwing may laro ang basketball team.





May poster at may inilabas na behind-the-scenes at teaser ang Prime Video para sa drama series nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza na Honor Thy Mother (HTM). In-announce rin na sa September 11, 2026 ang simula ng streaming ng series na marami na ang nag-aabang.


Sa mga eksena ni Sharon, mukha siyang galit at si Barbie naman ay unmade-up ang mukha, kaya ang paniwala ng mga fans, kontrabida ang role ni Mega. 


Mukhang galit din daw ang tagline ng series na: “How far can you go to claim what is rightfully yours?” at “Two generations. One fight for legacy.”


Masaya ang mga friends ni Barbie na makasama niya si Mega sa isang malaking project. Si Rita Daniela, napa-comment ng “Only @barbaraforteza nakakaiyak, ‘Te! Tinupad mo ang mga pangarap namin,” na sinagot ni Barbie ng “Halaaa! Grabe ka, Mare. Maraming-maraming salamat! Sobrang saya ng puso ko.”


Natutuwa ang mga fans ni Barbie dahil sa magandang billing ng aktres sa series, kasinglaki at same line raw ng name ni Sharon. Narinig namin ang mga songs sa series at isa si Sharon sa mga kumanta.


Kabilang din sa cast ng HTM sina John Estrada, Mercedes Cabral, Khalil Ramos at Tonton Gutierrez. 


Sina Onat Diaz at Jojo Saguin ang mga director ng 14-episode family drama-series produced ng Dreamscape Entertainment at collab ng ABS-CBN at GMA Network.

Si Barbie ang bagong dagdag na anak sa showbiz ni Sharon. Sinabi raw ni Mega na tawagin siyang ‘Mama’ ng aktres na lubos nitong ikinatuwa.





Palaban… NADINE, SINOPLA NG NETIZEN SA IBINEBENTANG PRE-LOVED ITEMS, NANG-BLOCK



  • Nadine Samonte-Chua
    Nadine Samonte - IG


Sinagot at inalmahan ni Nadine Samonte ang pumunta sa ibinenta niyang pre-loved goods. Tinawag kasi ng netizen na sa Anko lang binili ni Nadine ang pre-loved items na ibinebenta niya.


Palaban ang sagot ni Nadine na, “Kung walang pambili, ‘wag na lang tumingin. Gusto pa yata ng libre.”


Sabi kasi ng netizen, “‘Kaloka! Anko, ibinebenta pa ng mahal + shipping fee pa.”


Sagot ni Nadine, “‘Di lang po Anko ‘yan, may Adidas at Gibi. Mag-check po muna bago comment ka r’yan. At kung wala ka naman balak bumili, eh, ‘wag ka na tumingin,” at “‘Di Anko rito, sa Australia pa ‘yan, duh? Obvious na ‘di mo alam.”


Ipinaalam din ni Nadine na ang dalawang nagreklamo ay iba-block niya agad-agad para nga naman hindi na makapag-comment pa. 


Ang Anko pala ay Australian brand at meron nang branch sa Gateway Mall. Na-curious tuloy kaming puntahan ito to check para malaman kung ano ba ang goods nila.

Well, si Nadine ang isa sa mga celebrities na walang filter at kung ano ang gustong sabihin at nasa isip ay sinasabi. 


Naalala namin, last holiday season, nag-dialogue siyang huwag bigyan ng solicitation letter ng press na naaalala lang daw siya kapag nagso-solicit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page