top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 18, 2026



FRANKLY - KRIS, TODO-ENJOY SA PILING NI KATRINA-IG _imkrislawrence

Photo: IG _imkrislawrence



Nagpaliwanag si Katrina Halili tungkol sa mga obserbasyon ng mga netizens sa pakikitungo niya sa ama ng kanyang anak at manliligaw na si Kris Lawrence.


Sa Facebook (FB) post ng aktres, nilinaw niyang hindi talaga siya natural na sweet at showy kaya marahil nami-misinterpret ng ibang fans ng rapper-singer.


“May mga nababasa akong messages at e-mails tungkol sa amin ni Mr. B (tawag n’ya kay Kris), kaya gusto ko lang sabihin ‘to. 


“Alam kong may mga pagkakataon na ‘di naiintindihan ng iba ang humor ko o ang paraan ng pakikitungo ko kay Mr. B. ‘Di talaga ako naturally sweet o showy na tao. Mahiyain din ako pagdating sa mga ganitong bagay, kaya minsan sa pang-aasar, pagpapatawa o pagme-make face ko, lumalabas ‘yung pagiging awkward ko,” paliwanag niya.


“Pero sana, ‘wag nating husgahan ang isang relasyon base lang sa ilang minutong nakikita natin sa videos o live. What you see on camera is only a small part of our lives,” patuloy niya.

“May mga bagay na masaya naming isine-share sa inyo, at mayroon ding mga bagay na gusto muna naming sarilinin at hayaan na lang ninyong makita ‘pag dumating na ang tamang panahon. ‘Di naman lahat ng plano, kailangang i-announce,” paliwanag pa ng aktres.


Naiintindihan naman daw niya na protective lang ang mga fans kay Kris pero in-assure naman niya ang mga ito na she respects and care for him.


“I appreciate na protective kayo kay Mr. B at alam kong karamihan ay nanggagaling lang sa pagmamahal ninyo sa kanya. Pero please know that I respect and care for him. Iba-iba lang talaga tayo ng paraan ng pagpapakita nu’n,” anang aktres.


Sey pa niya sa mga fans, huwag naman daw masyadong magalit sa kanya at huwag ding magmadali.


“Kaya enjoy lang tayo sa journey, ‘wag masyadong magalit sa akin at magmadali. Malay n’yo, marami pa kayong ‘di alam. Love lang tayo, mga MyLabs!” ang mensahe ni Katrina sa mga supporters.


Sa comment section ay sinuportahan naman siya ni Kris at sinabing huwag na lang pansinin ang mga negative comments.


“Ms. B, Hayaan mo sila. Ang importante, tayo, alam natin kung ano ‘yung totoo (wink emoji). And I’m enjoying every chapter with you,” message ni Kris kay Katrina.





WALANG humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtatagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episodes ng patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.


Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkukrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagaan niya ang sugatang dalaga.


Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang matitinding engkuwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hiningang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.


Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksiyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.


Napapanood ang Coco Martin’s Sigabo, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. 


Available rin ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 18, 2026



BULGARY - LOVE, NGO MOVIE NI JERALD, NILAYASAN NG MANONOOD-IG _iamjnapoles

Photo: IG _iamjnapoles



Ipinost ni Ogie Diaz ang kinita ng mga foreign films sa kanyang social media platforms, kung saan nanguna ang Spider-Man: Brand New Day (SBND) na may P1.055 billion in 12 days, sinundan ng The Odyssey (TO) na may P335.3 million in 26 days at Toy Story 5 (TS5) na may P325.1M.


Aniya, “Sana, ganu’n din sa mga local films natin.”


Agad namang nagkomento ang mga netizens at marami ang nagsabing hindi presyo ng ticket ang problema kundi ang kalidad at mga kuwentong iniaalok ng ilang local films.


Sey ng mga netizens:


“May pera ang mga Pilipino para manood ng sine. ‘Di lang sila willing gumastos sa recycled na kuwento, predictable na plot, at pelikulang alam nilang ‘di sulit.”


“Kahit nga sa Netflix, ‘di ako nanonood ng Filipino movies o series. Aba, eh, sa ‘di ko magustuhan talaga, first episode pa lang, nakakayamot nang panoorin. OA (overacting) na acting, predictable na story, daming dead air, sigawan na nakakaumay, micro expressions na ‘di naman kailangan. ‘Pag siguro glued na ‘ko sa unang episode, baka sakali pang mahalin ko ang Pinoy movies/series. Aral pa more ang mga writers at directors, etc..”


Heneral Luna lang yata ang huli kong napanood na Tagalog movie, eh. Kahit kailan, ‘di ako nanood ng movie ni Vice.”


Heneral Luna is a good example na kaya naman ng local industry gumawa ng compelling films. Iba lang talaga ‘pag strong ‘yung writing at execution.”


“Kaya ‘di na rin basta ‘support local’ ang mindset ng mga viewers. Support is earned ‘pag feel nilang worth it ‘yung ibabayad nila.”


“Agree. I’m a Filipino, but honestly, I’m not really a fan of local films. Sometimes the acting and storyline are too predictable and obvious, so it feels like a waste of money.”


“As a senior, may free movies kami ‘pag Monday o Tuesday, dahil free nood din ng Pinoy movies pero corny talaga. Walked-out ako sa Meet, Greet & Bye (nina Maricel Soriano, Piolo Pascual, etc.) at lalo na sa Love, Ngo (ni Jerald Napoles). Aba, kumanta nang pa-ngongo, eh!”


“Hahaha! Kahit libre, may walkout pa rin. Ibig sabihin, ‘di lang talaga presyo ng ticket ang issue. Kung ‘di ka entertained, mahirap pilitin ang sarili mong tapusin.”


“Actually, mas okay pa ‘yung mga old Filipino movies, kung mag-binge watch lang ng mga old movies, like movie nina Maricel Soriano, Kris Aquino, etc. Ito kasing mga bago ngayon, ayoko na. I’m not saying all mainstream Filipino films are bad. Minsan kasi, naging practice lang na ‘pag mainstream Filipino movies, nagre-rely on predictable plots or familiar formulas, making them less memorable.”


“Agree. May mga old Filipino films na hanggang ngayon, kayang panoorin kasi mas memorable ‘yung characters at storytelling. ‘Di naman lahat ng bago, pangit, pero ‘pag familiar storyline na agad ‘yung dating, nawawala talaga ‘yung excitement.”

Naku, ano kaya ang masasabi ng mga producers, direktor, lalo na ang mga nagsusulat ng kuwento, sa hinaing ng mga manonood?


Eh, ‘di ba nga, maging ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman na si Direk Jose Javier Reyes ay nananawagan din na pagbutihin ang kalidad at mga kuwento ng local films?





Pagpe-flex niya, trabaho lang daw…

HEART, GALIT NA GALIT SA MGA TODO-YABANG SA SOCMED 



  • Heart Evangelista sa Your Honor
    Heart Evangelista sa Your Honor / YT


May prangkang banat si Heart Evangelista sa ‘yabang’ ng ilang influencers nang talakayin ang ‘flex culture’ sa kanyang paglabas sa Your Honor (YH), na hosted nina Chariz Solomon at Buboy Villar. Dito ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa pag-uugali ng ilang personalidad online at sa totoong buhay.


Inamin ni Heart na nakakainis para sa kanya ang labis na kayabangan ng ilang influencers.


Sey niya, “‘Di ko ma-take kasi ‘yung ibang influencers kung umasta. (Ang) Yabang mo, sis! Ang yabang mo, I hate that!


“Ako, mayabang ako, iniyayabang ko ‘yung kailangan ko iyabang kasi trabaho ko ‘yun. Pero kung ano ang binili ko, ‘di ko ‘yun ia-unbox. Kasi for me, okay, iba-iba tayo ng trip. I respect that.”


Para kay Heart, hindi naman ang pagpapakita ng tagumpay o mga ari-arian ang problema kundi ang paraan ng pakikitungo ng isang tao sa kapwa.


“I’m fine with that. Ang point ko lang is magkakaalaman kayo in person, kasi ang taas, ah! Grabe ang taas,” saad ng The People Have Spoken (TPHS) host.


Wala rin daw siyang pasensiya sa mga taong umaasta na parang karapat-dapat sa espesyal na pagtrato.


Aniya, “I don’t like entitled people, I don’t like that, turned-off ako. And if you want to name names or if you want to say things about me, I’ll never say it like this, because I wasn’t brought up that way. But, hanapan mo ako ng dumi, ilalagay kita sa microscope, mas maraming mahahanap sa ‘yo na bacteria. ‘Yung flesh-eating bacteria.”


Um-agree naman ang mga nakapanood sa interview ni Heart at pinuri ang kanyang prangka at sinserong pananaw.


Sey ng isang netizen, “Hahaha! Love that, always palaban.”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2026



BIDA - DAMIT NI HEART, NILAIT NG MGA “EMPOWERED GIRLS”-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



May pa-blind item si Heart Evangelista nang mag-guest sa vodcast na Your Honor (YH), hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar. Wala siyang tinukoy at wala ring clue sa tinawag niyang ‘empowered girls’.


Sey ni Heart, “Sometimes, mga girls na empowered, sila pa ang masama. Sila ang nanlalait sa akin. Sa isang event, may bumati sa akin at sabi, ‘I love your dress and it’s for sale. Bakit, naka-Schiaparelli ka ba?’ Sila ang mga totoong bully. No matter how successful you are, matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo. 


“Naniniwala ako na kung sino ang makakasalubong mo sa itaas, sila rin ang makakasalubong mo pagbaba mo.”


May paalala pa si Heart sa ating lahat. Matuto raw tayong magpasalamat sa mga nakakatulong sa atin sa maliit o malaking bagay man. 


Aniya, “Kung magte-thank you ka sa waiter, tumingin ka sa kanilang mga mata at ‘wag kayong bully.”


Isa pang pinuna ni Heart ang mga influencers. 


Aniya, “‘Di ko ma-take kasi ‘yung ibang influencers kung umasta... Ang yabang mo, sis! Ang yabang mo! I hate that! I don’t like entitled people.”


Walang binanggit na pangalan si Heart, kaya kung sino na lang ang mag-react, sila ‘yung tinukoy niya.


Maaalalang kamakailan, may influencer na kinol-out ng mga fans ni Heart dahil parang may pa-shade sa aktres at may binanggit na ‘clean money’.


May nabanggit pa si Heart kung paano makikilala ang real friends. 


Aniya, “When you reach, sometimes, the ultimate high of success, du’n mo mararamdaman kung sino talaga ang mga kaibigan mo.


“Because you will see who is truly happy for you or you will feel who is someone that’s trying to set you up to fail.”


Oh, ‘di ba, sunud-sunod ang pasabog ni Heart? Nakatulong talaga sa kanya ang pagiging host ng The People Have Spoken (TPHS). Naging mas open siya to express what she feels, laging quotable ang mga hirit niya at masarap isulat.





AFTER Sharon Cuneta na kasama ni Barbie Forteza sa series na Honor Thy Mother (HTM) to stream on Prime Video on September 11, si Maricel Soriano naman ang nakatrabaho niya, pero sa vlog pa lang nang mag-guest siya sa channel nito.


Aniya, “Getting to work with the people I’ve always looked up to will always energize me to keep giving my best, no matter what.


“Watch out for our vlog soon on Ms. @officialmaricelsoriano’s YouTube channel.”

Sayang at limited ang puwedeng mag-comment sa post na ito ni Barbie sa Instagram (IG) dahil paniguradong marami ang magko-comment. Marami rin ang magtatanong kung kailan sila magkakasama ni Maricel sa movie o sa TV show.


Lalo na at si Barbie ang sinabing isa sa mga aktres na kaliga ni Maricel na magaling sa drama at comedy.


Samantala, palabas na ang trailer ng HTM at ang husay nina Sharon at Barbie. ‘Yun bang trailer pa lang, gusto mo nang mapanood at subaybayan mula sa first episode hanggang matapos.





Proud na proud sa ipinalit kay Jeric…

RABIYA, TODO-FLEX SA BF NA SI JAKE



LAST week, si Jake Cuenca ang nagpahayag ng pagiging proud sa girlfriend na si Rabiya Mateo sa first day nito sa University of Santo Tomas (UST) kung saan naka-enroll si Rabiya ng Medicine.


Ngayon, si Rabiya naman ang proud sa BF dahil sa successful opening ng stage play na People, Places & Things (PPT).


Post ni Rabiya, “I am so proud of you. I know how much hard work, passion, and dedication you poured into this play, and seeing you finally take that bow fills my heart with so much joy. 


“Congratulations, Baby (Jake). You were incredible.”


Masaya sa kanilang relasyon ang dalawa. May mga bitter at bashers lang na hindi masaya for them. Bago pa lang ang relasyon nila, may nag-abang na kung kailan sila maghihiwalay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page