top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 20, 2026



Todo-protekta kay Kaila…
DANIEL, NAG-ATTITUDE RAW SA MGA NAGKAKAGULONG FANS, NA-BASH

Photo: FB / Circulated



Pinagpipiyestahan ngayon ang video nina Daniel Padilla at Kaila Estrada kung saan makikitang pinagalitan ng aktor ang mga fans nang dumugin sila habang papasok ng sasakyan.


Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang viral video na kuha ng isang fan.

Mapapanood sa clip na nagkakagulo para makapagpa-picture sa kanila at inawat sila ni DJ na tila pinoprotektahan si Kaila.


“Huy, huy, tayu-tayo rin ‘to. Ba’t tayo nagkakaganito? Ano ba?!” ang sabi ni DJ.

Kasunod nito ay tila inayos ni DJ ang upuan ni Kaila sa kotse at saka inalalayan ang rumored girlfriend papasok.


“Nagkakaipitan na tayo, ano ba ‘yan?” wika pa ni Daniel sa mga fans.

Nang makapasok na si Kaila sa sasakyan ay makikitang sinita ulit ng aktor ang mga fans.

“Ano’ng nangyayari sa ‘tin, guys? Ano ‘to?” sey pa niya.


Dahil dito, na-bash nang katakut-takot si Daniel at sinabihang isnabero.

Ipinagtanggol naman ni Ogie ang aktor at sinabing hindi gustong tarayan ni Daniel ang mga fans kundi pinoprotektahan lang nito si Kaila. 


Most of the time ay accommodating naman daw si Daniel sa mga fans, pero siyempre, hindi naman puwedeng sa lahat ng pagkakataon dahil may mga oras din na wala sila sa mood or hindi maganda ang pakiramdam.


Anyway, dedma naman ang aktor sa mga bashings na natatanggap at wala pa siyang pahayag tungkol dito. Pero knowing him, hindi na niya papatulan pa ito.





Mga bida ng animated film…

H.E.R. AT LIZA, DARATING SA ‘PINAS PARA SA FORGOTTEN ISLAND



NAKATAKDANG umuwi ng Pilipinas si Liza Soberano at ang American-Filipina R&B singer-songwriter na si H.E.R., kasama ang ilan pang big names behind the upcoming animated film na Forgotten Island (FI) ngayong Agosto.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN, darating sa bansa sina H.E.R. at Liza kasama ang directors na sina Januel Mercado at Joel Crawford, at producer na si Mark Swift para sa special events at screenings ng pelikula.


Isa sa mga events na puwedeng puntahan ng mga fans ay gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Main Atrium at 7 PM sa August 25.





Exciting ang kanilang pagbisita dahil bukod sa makakasama mismo ng mga fans ang cast at mga filmmakers, pagkakataon din ito para mas makilala ang isang animated film na may malaking Filipino influence.


Ang FI ay isang fantasy adventure na heavily inspired by Philippine mythology. Kuwento ito ng magkaibigan na biglang napunta sa isang mysterious at magical island na puno ng creatures na dati pa nilang naririnig sa mga kuwento ng kanilang Filipino families.


At hindi lang sina H.E.R. at Liza ang Filipino representation sa movie.

Kasama rin sa impressive voice cast sina Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy at Lea Salonga, kasama ang mga Hollywood stars na sina Dave Franco, Jenny Slate at Ronny Chieng.


Mapapanood ang Forgotten Island sa Philippine cinemas starting September 23.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 26, 2026



BULGARY - THEA, TODO-SUMBAT SA MGA “BOBOTANTE” NU’NG LAST ELECTION-FB Thea Tolentino

Photo: FB Thea Tolentino



Nabahala ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa mga nababasa niyang posts sa social media platforms dahil sa tuluy-tuloy na pananalasa ng habagat.


Sa kanyang Facebook (FB) account, inilabas niya ang saloobin tungkol sa matinding pagbaha at hinimok ang publiko na huwag balewalain ang mga nangyayari sa bansa.


Pahayag ng aktres, “Nakita ko ang lahat ng posts ngayong araw tungkol sa baha, mga bahay na lumubog, malalang traffic at mga taong ‘di makauwi. ‘Di nga dapat normal ang ganito.


NAKAKAGALIT. Ilang taon nang paulit-ulit na nangyayari. Kailan ba tayo uunlad?

“Lahat naman tayo, nandito na sa social media. Araw-araw, nakasubsob tayo sa mga cellphone natin. Sana, gamitin din natin ang access na ‘yan para mag-research, magtanong at alamin kung sino talaga ang mga karapat-dapat nating iboto sa susunod. ‘Di ‘yung puro pangako lang. Tingnan n’yo kung nasaan tayo ngayon, ‘di ba kayo nagagalit?


“May respeto ako sa mga taong alam at naiintindihan ang plataporma at track record ng pulitikong sinusuportahan nila. ‘Di naman kailangang pare-pareho tayo ng iboto.


“Pero sa mga taong ang dahilan ay ‘‘Di ko alam… basta s’ya,’ ‘Kaalyado n’ya kasi,’ o ‘Magaling kasi ang tatay n’ya…’ o kaya, ‘Kaya ‘wag na lang bumoto kasi pare-pareho lang silang kurakot.’ UTANG NA LOOB. GUMISING NA KAYO.


“‘Di sapat ang apelyido, alyansa o mga pangako. Dapat alam natin kung BAKIT natin sila ibinoboto. Sa atin din magsisimula ang pagbabago.”


Marami namang netizens ang um-agree at nagpahayag din ng kanilang saloobin tungkol sa pagbaha at sa sitwasyon ng bansa.


Sa gitna ng mga komento, binigyang-diin din ni Thea na simple at pangunahing kaalaman lamang ang kanyang ipinapaalala sa publiko.


“Napaka-general ng mga sinabi ko pero ito ‘yung mga basic na DAPAT alam na nating lahat. Nakakagigil na dapat yata, ipaalala araw-araw sa mga tao na dapat alam nila ang rason kung bakit ibinoboto ang mga ‘yan,” diin ng aktres.





NAKILALA si Jane Oineza bilang mahusay na dramatic actress, pero nais naman niyang sumubok ng ibang genre, partikular ang action at comedy.


Mula sa pagiging child star, nakilala ang aktres sa kanyang mga dramatic roles at sa pagtanggap ng mga kumplikado at mapaghamong papel. Nakagawa na rin siya ng ilang action scenes, pero gusto niyang maranasan ang isang full-blast o all-out action project.


“Kasi ‘yung last kong series, nagkaroon kami ng mga iilang action scenes. Sabi ko, after nu’n, gusto ko pa. Gusto ko mag-dive deep sa more action. And then nagkaroon ako ng next na action-action, pero ‘di pa rin s’ya ‘yung full blast na talagang all-out, all-in action. So, ‘yun ang gusto ko,” lahad ni Jane.


Bukod sa action, gusto rin ng Kapamilya actress na magbida sa isang romantic comedy project.


Sey niya, “Kasi parang Goin’ Bulilit pa yata or ‘yung Shake, Rattle & Roll ‘yung last ko na medyo comedy/horror.”


Nabanggit din ng aktres ang mga celebrities na gusto niyang makatrabaho sa hinaharap — sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Judy Ann Santos at ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 20, 2026



BIDA - MOND, MAY PATUTSADA SA MGA INUUNA ANG FASHION O LUHO KESA SA FLOOD CONTROL-IG _mond

Photo: IG _mond



Pati si Mond Gutierrez, nakikalampag na rin sa gobyerno dahil sa matinding baha na nangyayari sa bansa bunsod ng sunud-sunod na pag-ulan.


Sa kanyang Instagram (IG) Story, sey ni Mond, “While others are so focused on fashion and what’s on sale or not, this is the state of our country. We deserve better from our public servants & their families.”


Ipinost ni Mond ang video ng isang tumatakbong bus na inabot ng baha ang loob, makikita ang mga pasahero na nakataas ang mga paa dahil mataas ang tubig. May ibang pasahero naman na ginusto na lang na ilublob ang mga paa sa baha.





Game na game ring nagpa-selfie sa mga fans… 

BELA, BINIGYAN NG BOUQUET OF FLOWERS NG BF HABANG NASA MALL



MALINAW ang mga photos ni Bela Padilla at ng kanyang rumored boyfriend na nai-post online. Tila kuha sa isang mall ang mga larawan ng dalawa dahil may makikitang may escalator sa likod nila at maraming tao sa paligid. Isa sa mga tao sa paligid ang kumuha ng photos at ipinost na nga.


Parang galing sa event si Bela at ang rumored BF niya, na sey ng mga netizens, Mark daw ang pangalan. 


May hawak kasing bouquet of flowers ang guy na for sure, ibinigay sa aktres at siya lang ang nagdala.


Makikita rin sa mga photos na nakatitig sa aktres ang guy, habang nakikinig sa sinasabi ni Bela. 


Game rin silang nagpakuha ng larawan sa isang fan habang nakaakbay ang guy kay Bela. 


Sabi tuloy ng mga netizens, galawang mag-BF-GF na ang dalawa.

And speaking of Bela, may post ito patungkol sa movie nila ni Maricel Soriano na Life After You (LAY). Pinasalamatan nito si Direk Marla Ancheta at iba pang kasama sa production team.


Pahayag ng aktres, “Grateful to have been offered this beautiful story about love, loss and family. Thank you, Direk. GRABE ka magmahal kaya ‘yung mga isinusulat mo, kahit ‘di naman nakakaiyak ‘yung eksena, nag-iiyakan tayo sa set. Thank you for letting me be a part of this kahit maraming nangyayari sa life ko nu’ng start ng shooting, you were so patient and kind!


“And to my favorite, @officialmaricelsoriano Inay! Talagang grabe naman ‘yung opportunity na ‘to sa akin. As an actress, I got to work with a legend who’s so generous with her God-given and trained talent. 


“And as a person, I got taken under the wing of one of the nicest people in showbusiness. You made me feel so loved while filming and also after. I know that you really think of me like your own kid. Salamat, Inay. You contradict the saying ‘never meet your idols’. Thank you, Inay, you’re the best.”


Kasama rin sa cast ng movie sina Gardo Versoza, Jeric Raval, Marlo Mortel at may special participation si Ryza Cenon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page