top of page
Search
  • Julie Bonifacio

Pamilya, delikado kaya rumesbak… ANGEL SA AFP: ITAMA N'YO ANG AKUSASYONG NPA AKO!

Pinalagan ni Angel Locsin ang pagtawag sa kanya bilang member ng New People's Army sa kanyang Instagram account kahapon.

Siya at ang kapwa niya Kapamilya star na si Liza Soberano at maging si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay iniuugnay ng AFP sa communist group.

Suot ang pulang damit at naka-red lipstick ang larawang ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account.

Sa caption nito ay inilabas ni Angel ang kanyang saloobin sa pag-identify sa kanya bilang NPA member.

Sa simula ng kanyang caption ay may pa-hashtag siyang #NotoRedTagging at #YesToRedLipstick with laughing emoji.

"To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group. Neither my sister nor my Kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group," bungad ni Angel.

Pinaninindigan daw ni Angel ang kanyang mga pinaniniwalaan. Kung taliwas man daw ang pinaniniwalaan niya sa iba, hindi ibig sabihin ay puwede na siyang tawaging NPA.

"We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution.

"May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim ng Constitution, pareho tayong mayroong karapatan sa ating mga sariling paniniwala.

"Kung magkaiba tayo, hindi ibig sabihin, puwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako "red". Magkaiba lang tayo ng paniniwala," esplika ni Angel.

Nanawagan si Angel sa AFP na itama ang maling paratang sa kanya.

"Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger."

Nanghinayang si Angel sa bilyong perang inilalaan ng gobyerno para sa task force na ito gayung hindi naman daw ginagampanan nang maayos ang kanilang trabaho.

"Nakakalungkot pong isipin na dito napupunta ang malaking halaga na P19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana, ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng suweldo at pension ng mga sundalo natin.

"Malaking tulong din po for purchasing vaccines or other Covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFWs na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana, doon na lang ilaan at sana, doon ibuhos ang oras."

Sa huli, binanggit ni Angel na suportahan ang mga kapwa niya female celebrities na tinawag ding mga NPA.

"I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Gray, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully.

"By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether.

"And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family."

Dinagsa naman ng komento ng pagsuporta at paghanga kay Angel ang kanyang IG post na karamihan ay mula sa kanyang celebrity friends tulad nina Angelica Panganiban, Enchong Dee, Iza Calzado, IC Mendoza, Eula Valdez, Karen Davila, Rita Avila, Rajo Laurel, Direk Antoinette Jadaone at Anne Curtis.

"Maraming salamat sa tapang mo," comment ni Angelica.

"1oo% supporting you," post naman ni Enchong.

Say naman ni Karen, "WOW (fire emoji) fiery and empowered!"

"Supporting you Mars," ani Anne.

At siyempre, may pa-comment na suporta ang fiancè ni Angel na si Neil Arce, "Beside you all the way (with heart and kiss emoji)."

Tatlong red lips naman ang reply ni Angel kay Neil.

Samantala, sa inilabas na statement ng ABS-CBN, labis silang nababahala sa maling paratang kay Angel.

"Doing humanitarian activities and speaking one’s mind do not make one a member of a communist group.

"We believe that Angel, like any Filipino, has the right to express herself and stand for her principles without judgment.

"We support Angel as she continues to devote her time, talent, and resources to various philanthropic activities."

So, there

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page