top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano

Kim, nagsalita na sa fake ambush at pagpapabayad para sa publicity

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-post si Kim Chiu ng panibagong YouTube video na may title na The Truth!!! Breaking My Silence.

Sa unang part ng video, makikita ang van niya na kamakailan ay gumawa ng napakalaking ingay matapos ang ambush incident kay Kim na tinawag ng iba na “fake ambush” at “ambush me.”

Sey ni Kim, “It’s been a while na hindi po ako nag-post dito sa channel ko and it’s because of the incident that happened to me.

“Ginawa ko ‘tong video na ‘to ngayon kasi a lot of people are asking me kung kumusta ako. Gusto kong ikuwento dahil hindi ko mailabas ‘yung totoo kong nararamdaman.”

Nabasa raw niya ang mga komento ng ilang netizens tungkol sa kanya at aniya, “Tao lang din po kami, nasasaktan, nasisiyahan sa kung ano po ‘yung sinasabi ninyo tungkol sa amin. Siyempre, kapag nagme-message kayo sa social media account namin, alam namin kung ano ‘yung nararamdaman ninyo, pero may mga bagay lang na hindi natin maiwasan. Siyempre, gusto ko lang i-clarify ‘yung ibang bagay and gusto ko lang malinawan ang lahat sa totoong nangyari nu’ng incident na ‘yun.

“Una, sa nagsasabi na bullet proof ‘yung sasakyan ko, hindi po bullet proof ‘yung kotse ko. Sa line of work naman po namin, hindi po namin kailangan ‘yung bullet proof na sasakyan.”

Aniya, gusto lang niya na kasya ang lahat ng gamit niya para sa taping kaya siya nagkaroon ng ganu’ng sasakyan.

Pagpapatuloy pa niya, “Pangalawa, may nabasa ako na comment, marami. Pero isa lang talaga ru’n ‘yung sobrang na-bother ako. Hindi ko naman talaga ugali ‘yung sumagot sa social media pero nu’ng panahon na ‘yun, nasagot ko siya and sabi niya, bakit daw nagpo-post ako sa social media ng masaya, eh, one week pa lang daw po ‘yung nakalipas simula nu’ng nangyari ‘yung incident.

“Ako, hindi ko alam kung papaano ako magri-react du’n sa nangyari na ‘yun tuwing tatanungin n’yo lang ako, pero naranasan ko kasi siya and ganu’n ako mag-react in a way na parang dumaan lang siya sa akin and dumiretso ako ng taping.

“Sabi niya rin, ‘One month daw siyang magtago, one month daw siyang hindi magiging masaya.’ Bakit mo itatago ‘yung sarili mo kung hindi ka naman guilty sa mga nangyayari sa ‘yo sa paligid mo?”

Napanood din daw niya ang kumalat na “fake ambush” thing na ikinalat ng iba tungkol sa insidente.

Aniya, “Sabi ko talaga sa sarili ko, ‘Bakit? Bakit niya sinabi ‘yun? Bakit may mga taong naniniwala sa kanya?’ Ang dami kong bakit nu’ng araw na ‘yun hanggang sa dumating ako sa punto na ‘Eh, di okay na, ‘wag na lang natin siyang isipin.’ Hindi naman mahalaga kung ano ‘yung reaksiyon niya, kung ano ‘yung gusto niyang palabasin. Basta ang mahalaga, walang nasaktan sa amin, walang casualties.

“Gusto ko lang tanungin, kailangan ba talagang may matamaan, may mamatay, merong masaktan para sabihin n’yo na totoo ‘yung nangyari? Dahil unang-una, hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng kahit sino para lang sa ‘publicity’. Buhay ‘yun ng mga taong nag-aalaga sa akin nang ilang taon. Ilalagay ko ba ‘yung buhay nila sa delikado?

“Sabi rin nila, nagpabayad daw ako para sa publicity. Bakit? Paano kung tumuloy ‘yung bala? Aanhin ko ‘yung ibinayad nila sa akin para sa buhay ko? So, hindi ko alam bakit may mga tao na nag-iisip ng mga ganu’ng bagay.”

Pagkatapos din daw nu’n ay nag-text sa kanya ang isang boss nila at sinabing hindi para sa kanya ang bala.

Aniya, “Nag-text sa akin ‘yung isa sa mga boss namin na nag-message raw ‘yung dapat na para sa kanya ‘yung bala na pakisabi raw sa akin, pasensiya. Pakisabi raw sa akin, ‘wag daw akong mag-alala dahil hindi raw para sa akin ‘yung bala.

“Para akong nabunutan ng tinik, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ‘yung mararamdaman ko. Ang daming tumakbo sa isip ko na paano kung tumama sa akin?

“May lumabas na dapat magpapa-interview siya pero natatakot din siya para sa buhay niya, so nakampante ‘yung loob ko.”

Matatawag daw niyang milagro ang nangyari sa kanya at kuwento pa ni Kim, “Matatawag ko s’ya na milagro kasi wala akong narinig, eh, wala akong narinig na malakas na putok ng bala. Parang may bakal lang na tumama sa kotse ko pero hindi ganu’n kalakas.

“Sunud-sunod daw ‘yung (pag)baril pero nagising ako nu’ng mga tapos na, parang may kumalabit sa akin na parang ‘Tapos na, gising na,’ tapos ‘yung driver ko na usually, nakadikit sa manibela kapag nagmamaneho, nu’ng time na ‘yun, ni-rest niya ‘yung ulo niya sa upuan.

“Kung ginawa niya ‘yung usual routine niya na idinikit niya ‘yung mukha niya sa manibela, siguro, natamaan na ‘yung ulo niya, and ‘yung feeling ko na 2 bala ‘yung tumama sa tagiliran niya na hindi tumuloy, kung tumuloy ‘yun, dalawang bala sa katawan niya, hindi ko alam kung makaka-survive pa siya. And ako, ‘yung bala na dumaan du’n sa bintana na dapat nakaupo ako, hindi kasi humiga ako sa higaan du’n sa likuran, so hindi ako natamaan.”

Hindi na rin daw niya iniisip ‘yung mga taong hindi naniniwala sa kanya.

Hirit pa ni Kim, “Hindi ko na rin hinahayaan na mag-block sila sa saya na nararamdaman ko. Kung mag-post man ako na masaya, ‘yun ay masaya ako na buhay ako at ito ako na walang tumama ni isa, daplis man or kahit na ano sa akin.”

Dahil din daw sa nangyari ay lalong lumakas ang pananampalataya niya sa Panginoon at umaasa si Kim na matatapos na ang issue tungkol sa pagkaka-ambush sa sasakyan niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page