Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Simpleng diskarte para hindi makapanghawa o mahawa ng deadly virus

March 27, 2020

Ka Ambo / Bistado

 

 

NA-INFILTRATE na ng COVID-19 ang alta-sosyedad.

 

Bakit walang ulat kung ilang taong grasa ang namatay sa virus mula sa Wuhan?

 

◘◘◘

 

NAGDEDEBATE ang mga kolokoy kung alin ang dapat?

 

Paluwagin o higpitan ang lockdown?

 

◘◘◘

 

KAPAG hinigpitan nang todo, maapektuhan ang ekonomiya—mamamatay sa gutom ang mamamayan.

 

Kapag pinaluwag, tatagal ang krisis—marami rin ang mamamatay.

 

Walang panalo ang tao sa isang peste!

 

◘◘◘

 

HINDI raw microorganism ang COVID-19.

 

Ibig sabihin, hindi siya mapapatay ng antibiotics.

 

Kailangang tunawin o wasakin ng “sabon at alcohol” ang pisikal na protina na bumubuo rito.

 

Pero, ang virus na ito ay hindi nakikita ng “naked eye”!

 

◘◘◘

 

BAKIT mas mabisa ang sabon kaysa sa alcohol kontra sa virus?

 

Bukod dito, mas mura at available ang sabon kaysa sa alcohol!

 

◘◘◘

 

MAY sangkap ang sabon na dumidikit at sumisira sa alinmang dumi—at hinihigop nito mula sa kasuluk-sulukang hibla at “pores” ang mga “dirt”.

 

Kapag binanlawan ang kamay o balat o ang damit—wasak ang virus at sasama ito sa pinagbanlawan ng sabon!

 

◘◘◘

 

ANG clorox o anumang may “suffix” na “rox” ay karaniwang may timpla ng chlorine—ito ay pumapatay ng bacteria at dumi—pero may masamang epekto ito sa mga mata at balat kapag sumobra ang gamit.

 

Gayunman, sapat ito upang ma-disinfect ang paligid!

 

◘◘◘

 

MAHALAGANG maghugas ng kamay o maligo—bago lumabas ng bahay at matapos manggaling sa kalye.

 

Ito ang simpleng diskarte upang hindi “makapanghawa” o mahawa ang mamamayan!

 

◘◘◘

 

ANG suot na damit o gamit mula sa paglamyerda ay dapat agad sinasabon o nilalabhan upang hindi maipasok ang virus sa loob ng bahay.

 

Mas mainam ay maligo muna bago makipagkita sa mga kaanak, humalik o yakapin ang mga mahal sa buhay—pagdating sa bahay mula sa biyahe!

 

◘◘◘

 

MAHALAGA ang 14-day self-quarantine—dahil ito ay “libreng testing technique” nang hindi gumagamit ng gadgets at hindi rin magastos.

 

Hindi ito gaanong naipaliliwanag at hindi rin nauunawaan ng nagpa-panic na mamamayan!

 

◘◘◘

 

KAPAG sinabing home quarantine, ito ay “household quarantine”.

 

Ibig sabihin, kahit sino at walang exemption: Walang isa mang miyembro ng pamilya ang lalabas ng bahay!

 

◘◘◘

 

KAPAG lumabas ng bahay ang “head of the family” at bumalik siya sa loob ng bahay—hindi ito ito matatawag na “household quarantine”.

 

Makokontamina niya ang buong pamilya mula sa virus na nakuha niya mula sa labas ng bahay!

 

◘◘◘

 

ANG bawat miyembro ay mananatili sa loob ng bahay sa loob ng dalawang linggo.

Kapag kinapos ng suplay, magpapa-deliver na lamang ito at magbabayad sa “outsider” na hindi miyembro ng household—tulad ng “lalamove”, etc.

 

Idi-disinfect agad ang supot at ang sinumang miyembro ng pamilya—na aabot o kukuha ng delivery sa pintuan!

 

◘◘◘

 

ANG household quarantine ay susukat kung may lalagnatin o walang lalagnatin sa loob ng 14-days.

 

Ibig sabihin, kapag walang nilagnat, inubo o sinipon sa mga miyembro makaraan ang “household quarantine”—ligtas sa COVID-19 ang pamilya.

 

Ito ay walang gastos at walang gadgets na kailangan—pero matutukoy mo kung walang nakapasok na virus sa loob ng “household”.

 

Ito lang ang tanging paraan kontra COVID-19, wala nang iba.

 

At may kakayahan ang bawat pamilya na maipatupad ito sa lalong madaling panahon—kahit matapos mong mabasa ang artikulong ito!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr