top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Hindi na kailangang bili nang bili ng bago, besh... Wooden laptop pang-forever

Kapag may bagong version ng gadget, marami ang hindi nagpapahuli kaya update rito, update roon ang nakasanayang gawin at pagkatapos, dedma na sa pinaglumaang gamitin. Gayunman, knows n’yo ba na mayroon nang kumpanya na nagdisenyo ng laptop na kahit i-update ay puwedeng magamit, forever?

Sa panahon kung kailan hinihikayat ng mga technology company ang mga konsyumer na patuloy na bumili ng bago o latest na gadgets, ang Carrascos ay kumpanya sa Peru na nag-launch ng wooden laptop na idinisenyo para tumagal nang sampu hanggang 15 taon o higit pa.

Isang pamilya na kinabibilangan ng computer specialists at marketing experts ang nag-imbento ng Wawalaptop, isang SBC o Single Board Computer na may kahoy na casing na madaling baklasin kung iri-repair at ia-upgrade.

Ang Wawalaptop ay nagkakahalaga ng 799 Peruvian Sol o $235 (mahigit P12,000) at kung ia-upgrade ang circuit board, puwede itong bilhin nang $35.

Ang original version ng Wawalaptop ay unang ini-launch noong 2015 pero ang version 2.0 nito ay maaari nang mabili. Gayundin, ito ay may recyclable medium-density fiberboard o engineered wood casing.

Bukod pa rito, ang Wawalaptop ay puwedeng i-charge gamit ang electricity o solar charging.

Ayon sa Carrascos, idinisenyo ang Wawalaptop para hikayatin ang mga user na i-explore at i-maximize ang gamit ng teknolohiya at mag-uprade lamang kung kinakailangan. Sa halip na itapon o hindi na gamitin, maaaring palitan ang obsolete board at gamitin ang parehong device sa mga susunod na taon.

Bukod sa murang halaga at madaling access ng teknolohiya sa mga kabataan sa remote areas, ang Wawalaptop ay ipinangalan sa Quechua word na “wawa” o bata na may positibong impact sa paligid sa pamamagitan ng pagpapababa ng technological waste.

Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ng kumpanya ang paglo-launch ng wooden laptop sa labas ng bansa.

Wow! So, hindi pala totoo na walang forever dahil ang laptop na ito ay idinisenyo para magamit, habambuhay. Wala pa man ito sa ating bansa, dapat tayong matuto na iwasang mag-update ng gadget kung hindi kailangan.

Gayundin, sakaling mag-a-update, make sure na hindi itatapon ang pinaglumaan dahil puwede pa itong mapakinabangan. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page