top of page
Search
  • BULGAR

Matapos isuka ng ABS-CBN | Maria Ressa, nabuhay lang nang makapambola at naging anti-Duterte

ALAM ito ng maraming taga-media, isinuka ng ABS-CBN si Maria Ressa kaya nawalan siya ng career at nabuhay lang nang may nabola siyang coño para magtayo ng website na Rappler.

Ginamit ni Ressa ang Rappler para wasakin ang pangalan ng mga kaaway ng dilawan. Una nilang tinira si dating Chief Justice Renato Corona, na puro “fake news” ang inilabas nila na hanggang ngayon ay nasa website pa rin.

Sumunod naman nilang siniraan ay si Pangulong Rodrigo Duterte. Malamang, utos ito ng mga among Amerikano ni Ressa, ang CIA pati na rin ang mga foreign investor niya na iligal na nagpasok ng pera sa Rappler.

Malinaw sa Konstitusyon natin na bawal ang mga foreigner sa media, pero binalewala lang ni Ressa ang batas na ito.

Bakit ang lakas ng loob niyang sumuway sa ating batas, dahil ba U.S. citizen si Ressa at alam niyang ipag­tatanggol siya ng U.S. Embassy sa Pili­pinas? Ganu’n ang nangyayari sa gitna ng kaso nitong cyber libel, tax evasion at iba pa.

Kung nanonood kayo ng CNN o magbabasa ng Time Magazine ng mga Amerikano, akala mo kung sinong bayani si Maria Ressa.

Nasa bookstore tayo noong isang araw at ‘yun, nandu’n sa estante ang naghihingalong Time Ma­gazine. Sabi ng isang ale na napatingin sa mga maga­sin, “sino ba ‘yan, bakit na-cover pa?”

Kung hindi dahil sa pagpopondo ng mga dila­wang elitista sa Rappler, hindi natin alam kung saang kangkungan pupulutin si Ressa.

Noon, news head siya ng ABS-CBN, pero dahil sa mga eskandalong kinasangkutan niya ay pinilit umano siya ng Lopez na mag-resign at kung hindi ay sisisantehin siya.

Ayon sa sources natin, nabisto raw ni Gabby Lopez, CEO noon ng ABS-CBN na nagtatrabaho para sa ibang kumpanya si Ressa kahit nasa ilalim siya ng exclusive contract ng istasyon.

Sa halip na gawin ang trabaho niya sa ABS-CBN, panay “moonlight” daw ni Ressa para sa CNN kung saan dolyares ang bayad sa kanya.

Marami ring nakaaway si Ressa sa ABS-CBN. Karamihan umano ng news talent sa istasyon ay galit o asar sa kanya. Masyado umano itong ma­yabang, wala namang kara.

Napansin ba ninyong kahit isa sa mga talent ng ABS-CBN tulad nina Korina Sanchez, Ces Drilon, Karen Davila, Charie Villa at iba pa ay walang state­ment na pagsuporta kay Ressa?

Marami ring mga empleyado sa ABS-CBN ang naiskandalo sa relasyon ni Ressa sa kapwa lesbian na si Lilibeth Frondoso (na kasal daw, pero hiwa­lay). Lalo raw silang nagalit nang biglang lumakas si Frondoso sa loob ng news room matapos umanong maging girlfriend ni Ressa.

Hindi itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon at kung babasahin ninyo ang mga kuwento tungkol sa kanila ay talagang nakakahiya ang mga pinagga­gagawa nila sa loob mismo ng opisina ni Ressa.

(https://www.thedailysentry.net/2018/10/a-scan­dalous-mess-that-maria-ressa-of.html?m=1)

Sa totoo lang, walang problema kung lesbian ang tao, pero ang problema kung naapektuhan ang trabaho at isinasama ang ka-partner sa loob ng kuwarto. ‘Yun, pinaalis tuloy siya ng ABS-CBN.

Matapos mawalan ng trabaho, nagsimulang magparinig si Ressa kay Manny Pangilinan, na nag­sisimulang magtayo noon ng Channel 5 na kunin siya ngunit, ayaw kumagat ni Pangilinan (binigyan siguro ng warning ni Lopez na sakit sa ulo si Ressa.)

Balita natin sa CNN, pinalayas din siya ng mga boss niya ru’n. Noon, Indonesia ang kinokober niya, pero maraming magagaling sa CNN-Indonesia at prangkahan na tayo, mas magaganda ang mukha ng mga ito.

Ang mundo ng telebisyon, talagang brutal ganu’n talaga dahil kamera ang nakatutok sa talent. Hindi tulad ng diyaryo o magasin na puro sulat.

Wala namang problema kung hindi maganda ang hitsura ng tao basta mabait, mabait ba si Ressa? Tanungin n’yo ang dati niyang mga kasama sa ABS-CBN. May talento ba si Ressa?

Ang masama pa kay Ressa ay ang kanyang mga kasinungalingan laban sa bansa. Hindi patas ang mga balitang inilalabas ng Rappler at palaging may banat kay Pangulong Duterte at sa administrasyon nito.

Halatang-halata sa Rappler na boses ito ng mga dilawan, “propaganda machine” rin ba ito ng mga Amerikano?

Sa ngayon, kailangang harapin ni Ressa ang kan­yang mga kaso na isinampa ng Securities and Ex­change Commission at ng Bureau of Internal Revenue (mayroon ding kasong cyber libel na isinampa ng negosyante.)

Sana, tigilan na nito ang drama niyang inaapi siya, pati na ang pagdakdak niya na walang press freedom sa Pilipinas.

Walang maniniwala kay Ressa dahil alam nating malaya ang press sa bansa at buhay din ang hustisya kaya kung lumabag ka sa batas, kailangang tanggapin mo ang tamang parusa na ipapataw sa’yo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page