ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2020
Kakaiba at astig ang ideyang paglalagay ng transparent toilet sa public place partikular na sa isang park sa Tokyo, Japan.
Dinisenyo ni Architect Shigeru Ban ang transparent na public toilet na mayroong vibrant colors gamit ang makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan nito, madaling malalaman ng tao kung malinis ba ang gagamitin nilang palikuran at kung mayroon pang tao sa loob nito.
Nilinaw din naman ng Nippon Foundation na walang dapat ikapangamba ang mga tao sa privacy dahil anila, "Using a new technology, we made the outer walls with glass that becomes opaque when the lock is closed, so that a person can check inside before entering.